Filipos 3:1-21
3 Sa katapus-tapusan, mga kapatid ko, patuloy kayong magsaya sa Panginoon.+ Ang pagsulat ng gayunding mga bagay sa inyo ay hindi kaabalahan para sa akin, kundi ito ay bilang pag-iingat sa inyo.
2 Mag-ingat kayo sa mga aso,+ mag-ingat kayo sa mga manggagawa ng pinsala, mag-ingat kayo sa mga pumuputol ng laman.+
3 Sapagkat tayo ang mga may tunay na pagtutuli,+ na nag-uukol ng sagradong paglilingkod sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos+ at ipinaghahambog natin si Kristo Jesus+ at ang ating pagtitiwala ay hindi sa laman,+
4 bagaman ako, kung may sinuman, ay may mga saligan nga upang magtiwala rin sa laman.
Kung ang sinumang ibang tao ay nag-iisip na may mga saligan siya upang magtiwala sa laman, lalo na ako:+
5 tinuli nang ikawalong araw,+ mula sa angkan ng pamilya ni Israel, sa tribo ni Benjamin,+ isang Hebreo na ipinanganak mula sa mga Hebreo;+ kung may kinalaman sa kautusan, isang Pariseo;+
6 kung may kinalaman sa sigasig, pinag-usig ang kongregasyon;+ kung may kinalaman sa katuwiran na sa pamamagitan ng kautusan, isa na napatunayang walang kapintasan.
7 Gayunma’y anumang bagay na mga pakinabang para sa akin, ang mga ito ay itinuring kong kawalan dahil sa Kristo.+
8 Aba, kung tungkol diyan, tunay ngang ang lahat ng bagay ay itinuturing ko rin na kawalan dahil sa nakahihigit na halaga ng kaalaman tungkol kay Kristo Jesus na aking Panginoon.+ Dahil sa kaniya ay tinanggap ko ang kawalan ng lahat ng bagay at itinuturing kong mga basura ang mga iyon,+ upang matamo ko si Kristo
9 at masumpungang kaisa niya, na taglay, hindi ang sarili kong katuwiran, na resulta ng kautusan,+ kundi yaong sa pamamagitan ng pananampalataya+ kay Kristo, ang katuwiran na nanggagaling sa Diyos salig sa pananampalataya,+
10 upang makilala siya at ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay-muli+ at ang pakikibahagi sa kaniyang mga pagdurusa,+ na ipinasasakop ang aking sarili sa isang kamatayan na tulad ng sa kaniya,+
11 upang tingnan kung sa anumang paraan ay makakamtan ko ang mas maagang pagkabuhay-muli+ mula sa mga patay.
12 Hindi sa tinanggap ko na ito o napasakdal na ako,+ kundi ako ay nagsusumikap+ upang tingnan kung mahahawakan+ ko rin yaong ipinanghawak+ din sa akin ni Kristo Jesus.
13 Mga kapatid, hindi ko pa itinuturing ang aking sarili na nakahawak na roon; ngunit may isang bagay tungkol dito: Nililimot ang mga bagay na nasa likuran+ at inaabot ang mga bagay na nasa unahan,+
14 ako ay nagsusumikap patungo sa tunguhin+ ukol sa gantimpala+ ng paitaas na pagtawag+ ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Jesus.
15 Kung gayon, tayong lahat na mga may-gulang,+ magkaroon tayo ng ganitong pangkaisipang saloobin;+ at kung kayo ay may kaisipang nakahilig nang di-gayon sa anumang paraan, isisiwalat sa inyo ng Diyos ang nabanggit na saloobin.
16 Gayunpaman, sa anumang antas tayo nakagawa na ng pagsulong, patuloy tayong lumakad nang maayos+ sa rutina ring ito.
17 Magkaisa kayong maging mga tagatulad+ ko, mga kapatid, at ituon ang inyong mata doon sa mga lumalakad sa paraang kaayon ng halimbawang nakita ninyo sa amin.+
18 Sapagkat marami, madalas ko silang binabanggit noon ngunit ngayon ay binabanggit ko rin sila na may pagtangis, ang lumalakad bilang mga kaaway ng pahirapang tulos ng Kristo,+
19 at ang katapusan nila ay pagkapuksa,+ at ang diyos nila ay ang kanilang tiyan,+ at ang kaluwalhatian nila ay nasa kanilang kahihiyan,+ at ang mga kaisipan nila ay nasa mga bagay na nasa lupa.+
20 Kung para sa atin, ang ating pagkamamamayan+ ay nasa langit,+ na mula sa dako ring iyon ay hinihintay natin nang may pananabik+ ang isang tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Kristo,+
21 na siyang magbabagong-anyo sa ating abang katawan+ upang maiayon sa kaniyang maluwalhating katawan+ ayon sa pagkilos+ ng kapangyarihang taglay niya, upang ipasakop+ nga sa kaniyang sarili ang lahat ng bagay.