Filipos 4:1-23

4  Dahil dito, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking kagalakan at korona,+ tumayo kayong matatag+ sa ganitong paraan sa Panginoon, mga minamahal.  Pinapayuhan ko si Euodias at pinapayuhan ko si Sintique na magkaroon ng magkatulad na kaisipan+ sa Panginoon.  Oo, hinihiling ko rin sa iyo, tapat na katuwang,+ na patuloy na tulungan ang mga babaing ito na nagpunyaging kaagapay ko+ sa mabuting balita kasama ni Clemente at gayundin ng iba pang mga kamanggagawa ko,+ na ang mga pangalan+ ay nasa aklat ng buhay.+  Magsaya kayong lagi sa Panginoon.+ Minsan pa ay sasabihin ko, Magsaya kayo!+  Makilala nawa ng lahat ng tao ang inyong pagkamakatuwiran.+ Ang Panginoon ay malapit na.+  Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay,+ kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo+ na may kasamang pasasalamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos;+  at ang kapayapaan+ ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong mga puso+ at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.  Sa katapus-tapusan, mga kapatid, anumang bagay na totoo, anumang bagay na seryosong pag-isipan, anumang bagay na matuwid, anumang bagay na malinis,+ anumang bagay na kaibig-ibig, anumang bagay na may mabuting ulat, anumang kagalingan ang mayroon at anumang kapuri-puring bagay ang mayroon, patuloy na isaalang-alang ang mga bagay na ito.+  Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap din at narinig at nakita may kaugnayan sa akin, isagawa ninyo ang mga ito;+ at ang Diyos ng kapayapaan+ ay sasainyo. 10  Labis nga akong nagsasaya sa Panginoon na ngayon sa wakas ay muli ninyong binuhay ang inyong pag-iisip alang-alang sa akin,+ na siyang talagang pinag-iisipan ninyo, ngunit wala kayong pagkakataon. 11  Hindi sa ako ay nagsasalita may kinalaman sa pagiging nasa kakapusan, sapagkat natutuhan ko, anuman ang kalagayan ko, na masiyahan sa sarili.+ 12  Alam ko nga kung paano magkaroon ng kakaunting paglalaan,+ alam ko nga kung paano magkaroon ng kasaganaan. Sa lahat ng bagay at sa lahat ng kalagayan ay natutuhan ko ang lihim kapuwa kung paano mabusog at kung paano magutom, kapuwa kung paano magkaroon ng kasaganaan at kung paano magtiis ng kakapusan.+ 13  Sa lahat ng bagay ay may lakas ako dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.+ 14  Gayunpaman, mahusay ang inyong ginawa sa pagiging mga kabahagi+ ko sa aking kapighatian.+ 15  Sa katunayan, kayong mga taga-Filipos ay nakaaalam din na sa pasimula ng pagpapahayag ng mabuting balita, nang lumisan ako mula sa Macedonia, walang isa mang kongregasyon ang nakibahagi sa akin may kinalaman sa pagbibigay at pagtanggap, maliban lamang sa inyo;+ 16  sapagkat, maging sa Tesalonica, kayo ay may ipinadala sa akin kapuwa minsan at sa ikalawang pagkakataon para sa aking pangangailangan. 17  Hindi sa may-pananabik kong hinahangad ang kaloob,+ kundi may-pananabik kong hinahangad ang bunga+ na nagdadala ng higit na kapurihan sa inyong ulat. 18  Gayunman, taglay ko nang lubos ang lahat ng bagay at may kasaganaan. Ako ay punô, ngayon na tinanggap ko na mula kay Epafrodito+ ang mga bagay na mula sa inyo, isang mabangong amoy,+ isang kaayaayang hain,+ na lubhang kalugud-lugod sa Diyos. 19  At lubusan namang ilalaan ng aking Diyos+ ang lahat ng inyong pangangailangan+ ayon sa kaniyang kayamanan+ sa kaluwalhatian sa pamamagitan ni Kristo Jesus. 20  Ngayon nawa ay mapasaating Diyos at Ama ang kaluwalhatian magpakailan-kailanman.+ Amen. 21  Ipaabot ninyo ang aking mga pagbati+ sa bawat isang banal na kaisa+ ni Kristo Jesus. Ang mga kapatid na kasama ko ay nagpapadala sa inyo ng kanilang mga pagbati. 22  Ang lahat ng mga banal, ngunit lalo na yaong mga nasa sambahayan ni Cesar, ay nagpapadala sa inyo ng kanilang mga pagbati.+ 23  Ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Panginoong Jesu-Kristo ay sumaespiritu nawa na inyong ipinakikita.+

Talababa