Gawa 10:1-48

10  At sa Cesarea ay may isang lalaki na nagngangalang Cornelio, isang opisyal ng hukbo+ ng pangkat na Italyano,+ gaya ng tawag dito,  isang taong taimtim+ at natatakot+ sa Diyos kasama ng kaniyang buong sambahayan, at nagbibigay siya ng maraming kaloob ng awa sa mga tao+ at nagsusumamo sa Diyos nang patuluyan.+  Nang bandang ikasiyam na oras+ na ng araw ay nakita niya nang malinaw sa pangitain+ ang isang anghel+ ng Diyos na dumating sa kaniya at nagsabi sa kaniya: “Cornelio!”  Ang lalaki ay tumitig sa kaniya at sa pagkatakot ay nagsabi: “Ano iyon, Panginoon?” Sinabi niya sa kaniya: “Ang iyong mga panalangin+ at mga kaloob ng awa ay pumailanlang bilang isang pinakaalaala sa harap ng Diyos.+  Kaya ngayon ay magsugo ka ng mga lalaki sa Jope at ipatawag mo ang isang Simon na may huling pangalang Pedro.  Ang taong ito ay nakikipanuluyan sa isang Simon, isang mangungulti, na may bahay sa tabi ng dagat.”+  Nang sandaling makaalis ang anghel na nagsalita sa kaniya, tinawag niya ang dalawa sa kaniyang mga tagapaglingkod sa bahay at ang isang taimtim na kawal mula sa mga palagiang naglilingkod sa kaniya,+  at inilahad niya sa kanila ang lahat ng bagay at isinugo sila sa Jope.+  Nang sumunod na araw habang nagpapatuloy sila sa kanilang paglalakbay at papalapit na sa lunsod, umakyat si Pedro sa bubungan ng bahay+ nang bandang ikaanim na oras upang manalangin.+ 10  Ngunit siya ay lubhang nagutom at nagnais na kumain. Habang naghahanda sila, nawala siya sa kaniyang diwa+ 11  at namasdan ang langit na bukás+ at ang isang uri ng sisidlan na bumababang tulad ng isang malaking kumot na lino na nakabitin sa apat na dulo nito at ibinababa sa lupa; 12  at doon ay naroroon ang lahat ng uri ng mga nilalang na may apat na paa at mga gumagapang na bagay sa lupa at mga ibon sa langit.+ 13  At isang tinig ang dumating sa kaniya: “Tumindig ka, Pedro, magpatay ka at kumain!”+ 14  Ngunit sinabi ni Pedro: “Tunay ngang hindi, Panginoon, sapagkat kailanman ay hindi pa ako kumain ng anumang bagay na marungis at marumi.”+ 15  At ang tinig ay muling nagsalita sa kaniya, sa ikalawang pagkakataon: “Huwag mo nang tawaging marungis+ ang mga bagay na nilinis na ng Diyos.” 16  Ito ay naganap sa ikatlong pagkakataon, at kaagad na kinuhang paitaas sa langit ang sisidlan.+ 17  At habang si Pedro ay lubhang naguguluhan sa loob niya kung ano kaya ang kahulugan ng pangitain na kaniyang nakita, narito! ang mga lalaking isinugo ni Cornelio ay nagtatanong na kung alin ang bahay ni Simon at nakatayo roon sa may pintuang-daan.+ 18  At sila ay sumigaw at nagtanong kung si Simon na may huling pangalang Pedro ay doon nanunuluyan. 19  Habang pinag-iisipan ni Pedro ang tungkol sa pangitain, sinabi ng espiritu:+ “Narito! Tatlong lalaki ang naghahanap sa iyo. 20  Gayunman, tumindig ka, manaog ka at sumama ka sa kanila, na walang anumang pag-aalinlangan, sapagkat isinugo ko sila.”+ 21  Kaya si Pedro ay nanaog sa mga lalaki at nagsabi: “Narito! Ako ang hinahanap ninyo. Ano ang dahilan ng inyong pagparito?” 22  Sinabi nila: “Si Cornelio, na isang opisyal ng hukbo, isang lalaking matuwid at natatakot sa Diyos+ at may mabuting ulat+ mula sa buong bansa ng mga Judio, ay binigyan ng isang banal na anghel ng mga tagubilin mula sa Diyos na ipatawag ka upang pumaroon sa kaniyang bahay at makinig sa mga bagay na sasabihin mo.” 23  Nang magkagayon ay inanyayahan niya sila sa loob at pinatuloy sila. Nang sumunod na araw ay bumangon siya at umalis na kasama nila, at ang ilan sa mga kapatid na mula sa Jope ay sumama sa kaniya. 24  Nang araw na kasunod niyaon ay pumasok siya sa Cesarea. Sabihin pa, inaasahan sila ni Cornelio, at tinipon niya ang kaniyang mga kamag-anak at matatalik na kaibigan. 25  Pagpasok ni Pedro, sinalubong siya ni Cornelio, sumubsob sa kaniyang paanan at nangayupapa sa kaniya. 26  Ngunit itinayo siya ni Pedro, na sinasabi: “Tumindig ka; ako man ay isang tao rin.”+ 27  At habang nakikipag-usap siya sa kaniya ay pumasok siya at nasumpungan na maraming tao ang nagkakatipon, 28  at sinabi niya sa kanila: “Nalalaman ninyong lubos kung paanong di-matuwid na ang isang Judio ay makisama o lumapit sa isang tao ng ibang lahi;+ gayunma’y ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat tawaging marungis o marumi ang sinumang tao.+ 29  Dahil doon ay pumarito ako, na talaga namang walang pagtutol, nang ipatawag ako. Kaya nga itinatanong ko kung ano ang dahilan at ipinatawag ninyo ako.” 30  Alinsunod dito ay sinabi ni Cornelio: “Apat na araw na ang nakararaan kung bibilangin mula sa oras na ito, nananalangin ako sa aking bahay nang ikasiyam na oras,+ nang, narito! isang lalaki na may maningning na kagayakan+ ang tumayo sa harap ko 31  at nagsabi, ‘Cornelio, ang iyong panalangin ay malugod na pinakinggan at ang iyong mga kaloob ng awa ay inalaala sa harap ng Diyos.+ 32  Kaya nga magsugo ka sa Jope at ipatawag mo si Simon, na may huling pangalang Pedro.+ Ang taong ito ay nanunuluyan sa bahay ni Simon, isang mangungulti, na nasa tabi ng dagat.’+ 33  Kaya nga karaka-raka akong nagpasugo sa iyo, at mahusay ang ginawa mo sa pagpunta rito. At sa gayon sa pagkakataong ito ay naririto kaming lahat sa harap ng Diyos upang pakinggan ang lahat ng bagay na iniutos ni Jehova sa iyo na sabihin.”+ 34  Sa gayon ay ibinuka ni Pedro ang kaniyang bibig at sinabi: “Tunay ngang napag-uunawa ko na ang Diyos ay hindi nagtatangi,+ 35  kundi sa bawat bansa ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaayaaya sa kaniya.+ 36  Ipinadala niya ang salita+ sa mga anak ni Israel upang ipahayag sa kanila ang mabuting balita ng kapayapaan+ sa pamamagitan ni Jesu-Kristo: ang Isang ito ay Panginoon ng lahat ng iba pa.+ 37  Alam ninyo ang paksa na pinag-usapan sa buong Judea, pasimula sa Galilea pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan,+ 38  samakatuwid nga, si Jesus na mula sa Nazaret, kung paanong pinahiran siya ng Diyos ng banal na espiritu+ at kapangyarihan, at lumibot siya sa lupain na gumagawa ng mabuti at pinagagaling ang lahat niyaong mga sinisiil ng Diyablo;+ sapagkat ang Diyos ay sumasakaniya.+ 39  At kami ay mga saksi sa lahat ng mga bagay na ginawa niya kapuwa sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem; ngunit kanila ring pinatay siya sa pamamagitan ng pagbabayubay sa kaniya sa isang tulos.+ 40  Ibinangon ng Diyos ang Isang ito nang ikatlong araw at ipinagkaloob sa kaniya na maging hayag,+ 41  hindi sa lahat ng mga tao, kundi sa mga saksi na patiunang hinirang ng Diyos,+ sa amin, na kumain at uminom na kasama niya+ pagkatapos ng pagbangon niya mula sa mga patay. 42  Gayundin, inutusan niya kaming mangaral+ sa mga tao at lubusang magpatotoo na ito ang Isa na itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga buháy at ng mga patay.+ 43  Tungkol sa kaniya ay nagpapatotoo ang lahat ng mga propeta,+ upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.”+ 44  Samantalang nagsasalita pa si Pedro tungkol sa mga bagay na ito, ang banal na espiritu ay bumaba sa lahat niyaong mga nakikinig sa salita.+ 45  At ang mga tapat na sumama kay Pedro na kabilang sa mga tuli ay namangha, sapagkat ang walang-bayad na kaloob ng banal na espiritu ay ibinubuhos din sa mga tao ng mga bansa.+ 46  Sapagkat narinig nila silang nagsasalita ng mga wika at dinadakila ang Diyos.+ Nang magkagayon ay tumugon si Pedro: 47  “Maipagbabawal ba ng sinuman ang tubig upang hindi mabautismuhan+ ang mga ito na tumanggap ng banal na espiritu na gaya natin?” 48  Nang magkagayon ay iniutos niyang mabautismuhan sila sa pangalan ni Jesu-Kristo.+ Pagkatapos ay hiniling nila sa kaniya na manatili nang ilang araw.

Talababa