Gawa 13:1-52

13  Sa Antioquia nga ay may mga propeta+ at mga guro sa lokal na kongregasyon, si Bernabe at gayundin si Symeon na tinatawag na Niger, at si Lucio+ ng Cirene, at si Manaen na tinuruang kasama ni Herodes na tagapamahala ng distrito, at si Saul.  Samantalang sila ay hayagang naglilingkod+ kay Jehova at nag-aayuno, ang banal na espiritu ay nagsabi: “Sa lahat ng mga tao ay ibukod ninyo para sa akin sina Bernabe at Saul+ ukol sa gawaing itinawag ko sa kanila.”  Nang magkagayon ay nag-ayuno sila at nanalangin at ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay+ at pinayaon sila.  Alinsunod dito ang mga lalaking ito, na isinugo ng banal na espiritu, ay bumaba sa Seleucia, at mula roon ay naglayag sila patungong Ciprus.  At nang makarating sila sa Salamis ay pinasimulan nilang ipahayag ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio. Kasama rin nila si Juan+ bilang tagapaglingkod.  Nang makalibot na sila sa buong pulo hanggang sa Pafos, nakatagpo nila ang isang lalaki, isang manggagaway, isang bulaang propeta,+ isang Judio na ang pangalan ay Bar-Jesus,  at kasama niya ang proconsul na si Sergio Paulo, isang lalaking matalino. Pagkatawag kina Bernabe at Saul, may-pananabik na hinangad ng taong ito na marinig ang salita ng Diyos.  Ngunit si Elimas na manggagaway (sa katunayan, ganiyan ang pagkasalin sa kaniyang pangalan) ay nagsimulang sumalansang sa kanila,+ na hinahangad na italikod sa pananampalataya ang proconsul.  Si Saul, na siya ring si Pablo, nang mapuspos ng banal na espiritu, ay tuminging mabuti sa kaniya 10  at nagsabi: “O taong punô ng bawat uri ng pandaraya at bawat uri ng kabuktutan, ikaw na anak ng Diyablo,+ ikaw na kaaway ng bawat bagay na matuwid, hindi mo ba titigilan ang pagpilipit sa matuwid na mga daan ni Jehova? 11  Buweno, kung gayon, narito! ang kamay ni Jehova ay nasa iyo, at mabubulag ka, na hindi makakakita ng liwanag ng araw sa isang yugto ng panahon.” Kaagad na nahulog sa kaniya ang isang makapal na ulap at kadiliman, at lumibot siyang naghahanap ng taong aakay sa kaniya sa kamay.+ 12  Nang magkagayon ang proconsul,+ sa pagkakita sa nangyari, ay naging mananampalataya, sapagkat lubha siyang namangha sa turo ni Jehova. 13  Ang mga lalaki, kasama si Pablo, ay naglayag ngayon mula sa Pafos at dumating sa Perga sa Pamfilia.+ Ngunit si Juan+ ay humiwalay sa kanila at bumalik+ sa Jerusalem. 14  Gayunman, sila ay nagpatuloy mula sa Perga at dumating sa Antioquia sa Pisidia at, pagpasok sa sinagoga+ nang araw ng sabbath, sila ay umupo. 15  Pagkatapos ng pangmadlang pagbabasa ng Kautusan+ at ng mga Propeta ay nagpasugo sa kanila ang mga punong opisyal+ ng sinagoga, na sinasabi: “Mga lalaki, mga kapatid, kung mayroon kayong anumang salitang pampatibay-loob para sa mga tao, sabihin ninyo.” 16  Kaya tumindig si Pablo, at habang isinesenyas+ ang kaniyang kamay, sinabi niya: “Mga lalaki, mga Israelita at kayong iba pa na natatakot sa Diyos, pakinggan ninyo.+ 17  Pinili ng Diyos ng bayang ito ng Israel ang ating mga ninuno, at dinakila niya ang bayan sa panahon ng paninirahan nila sa lupain ng Ehipto bilang dayuhan at inilabas sila mula roon sa pamamagitan ng isang nakataas na bisig.+ 18  At sa isang yugto na mga apatnapung taon+ ay pinagtiisan niya ang kanilang paraan ng pagkilos sa ilang. 19  Pagkatapos na wasakin ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ipinamahagi niya ang lupain sa kanila sa pamamagitan ng palabunutan:+ 20  ang lahat ng iyan ay sa loob ng mga apat na raan at limampung taon. “At pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.+ 21  Ngunit mula noon ay mapilit silang humingi ng isang hari,+ at ibinigay ng Diyos sa kanila si Saul na anak ni Kis, isang lalaking mula sa tribo ni Benjamin,+ sa loob ng apatnapung taon. 22  At pagkatapos na alisin siya,+ ibinangon niya para sa kanila si David bilang hari,+ na tungkol sa kaniya ay nagpatotoo siya at nagsabi, ‘Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse,+ isang lalaking kalugud-lugod sa aking puso,+ na gagawa ng lahat ng bagay na ninanasa ko.’+ 23  Mula sa supling+ ng taong ito ayon sa kaniyang pangako ay dinala ng Diyos sa Israel ang isang tagapagligtas,+ si Jesus, 24  pagkatapos na si Juan,+ na nauna sa pagdating ng Isang iyon,+ ay hayagang makapangaral sa lahat ng mga tao ng Israel ng bautismo bilang sagisag ng pagsisisi. 25  Ngunit habang tinutupad ni Juan ang kaniyang gawain, sinasabi niya, ‘Ano ako sa palagay ninyo? Hindi ako siya. Ngunit, narito! may isang dumarating na kasunod ko na sa mga sandalyas ng kaniyang mga paa ay hindi ako karapat-dapat na magkalag.’+ 26  “Mga lalaki, mga kapatid, kayong mga anak ng angkan ni Abraham at yaong iba pa sa inyo na natatakot sa Diyos, ang salita ng kaligtasang ito ay ipinadala na sa atin.+ 27  Sapagkat hindi nakilala ng mga tumatahan sa Jerusalem at ng kanilang mga tagapamahala ang Isang ito,+ kundi, nang gumaganap bilang mga hukom, tinupad nila ang mga bagay na binigkas ng mga Propeta,+ na siyang mga bagay na binabasa nang malakas sa bawat Sabbath, 28  at, bagaman wala silang nasumpungang dahilan na sukat ikamatay,+ mapilit nilang hiningi kay Pilato na patayin siya.+ 29  Nang maganap na nga nila ang lahat ng mga bagay na nakasulat tungkol sa kaniya,+ ibinaba nila siya mula sa tulos+ at inilagay siya sa isang alaalang libingan.+ 30  Ngunit ibinangon siya ng Diyos mula sa mga patay;+ 31  at sa loob ng maraming araw ay nakita siya niyaong mga umahong kasama niya mula sa Galilea patungong Jerusalem, na ngayon ay kaniyang mga saksi sa bayan.+ 32  “Kaya nga ipinahahayag namin sa inyo ang mabuting balita tungkol sa pangako na binitiwan sa mga ninuno,+ 33  na lubusang tinupad iyon ng Diyos sa atin na kanilang mga anak nang buhayin niyang muli si Jesus;+ gaya nga ng nakasulat sa ikalawang awit, ‘Ikaw ang aking anak, ako ay naging iyong Ama sa araw na ito.’+ 34  At ang katotohanang iyon na binuhay niya siyang muli mula sa mga patay at itinalagang huwag nang bumalik pa sa kasiraan ay sinabi niya sa ganitong paraan, ‘Ibibigay ko sa inyo ang tapat na mga maibiging-kabaitan kay David.’+ 35  Kaya nga sinasabi rin niya sa isa pang awit, ‘Hindi mo pahihintulutang makita ng iyong matapat ang kasiraan.’+ 36  Sapagkat si David,+ sa isang dako, ay naglingkod sa malinaw na kalooban ng Diyos sa kaniyang sariling salinlahi at natulog sa kamatayan at inihigang kasama ng kaniyang mga ninuno at nakakita ng kasiraan.+ 37  Sa kabilang dako, siya na ibinangon ng Diyos ay hindi nakakita ng kasiraan.+ 38  “Kaya nga alamin ninyo, mga kapatid, na sa pamamagitan ng Isang ito ay ipinahahayag sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan;+ 39  at na mula sa lahat ng mga bagay na doon ay hindi kayo maipahahayag na walang-sala sa pamamagitan ng kautusan ni Moises,+ ang bawat isa na naniniwala ay ipinahahayag na walang-sala sa pamamagitan ng Isang ito.+ 40  Kaya nga tiyakin ninyo na ang sinasabi sa mga Propeta ay hindi darating sa inyo, 41  ‘Masdan ninyo iyon, ninyong mga manlilibak, at kamanghaan ninyo iyon, at maglaho kayo, sapagkat gumagawa ako ng isang gawa sa inyong mga araw, isang gawa na sa anumang paraan ay hindi ninyo paniniwalaan kahit na may magsaysay nito sa inyo nang detalyado.’ ”+ 42  At nang papaalis na sila, ang mga tao ay nagsimulang mamanhik na ang mga bagay na ito ay salitain sa kanila sa susunod na sabbath.+ 43  Kaya pagkatapos na maghiwa-hiwalay ang kapulungan ng sinagoga, marami sa mga Judio at sa mga proselita na sumasamba sa Diyos ang sumunod kina Pablo at Bernabe,+ na sa pagsasalita sa kanila ay humimok+ sa kanila na manatili sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos.+ 44  Nang sumunod na sabbath halos ang buong lunsod ay nagkatipon upang marinig ang salita ni Jehova.+ 45  Nang makita ng mga Judio ang mga pulutong, sila ay napuno ng paninibugho+ at nagsimulang sumalungat nang may pamumusong sa mga bagay na sinasalita ni Pablo.+ 46  Kaya naman, habang nagsasalita nang may katapangan, sina Pablo at Bernabe ay nagsabi: “Kinailangang ang salita ng Diyos ay unang salitain sa inyo.+ Yamang itinatakwil ninyo iyon+ at hindi ninyo hinahatulan ang inyong sarili bilang karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, narito! babaling kami sa mga bansa.+ 47  Sa katunayan, si Jehova ay nag-utos sa amin sa mga salitang ito, ‘Inatasan kita bilang liwanag ng mga bansa,+ upang ikaw ay maging kaligtasan hanggang sa dulo ng lupa.’ ”+ 48  Nang marinig ito niyaong mga mula sa mga bansa, sila ay nagsimulang magsaya at lumuwalhati sa salita ni Jehova,+ at ang lahat niyaong mga wastong nakaayon ukol sa buhay na walang hanggan ay naging mga mananampalataya.+ 49  Karagdagan pa, ang salita ni Jehova ay patuloy na pinaaabot sa lahat ng dako sa buong lupain.+ 50  Ngunit sinulsulan ng mga Judio+ ang mga kinikilalang babae na sumasamba sa Diyos at ang mga pangunahing lalaki ng lunsod, at nagbangon sila ng pag-uusig+ laban kina Pablo at Bernabe at itinapon sila sa labas ng kanilang mga hangganan. 51  Ipinagpag ng mga ito ang alabok sa kanilang mga paa laban sa kanila+ at pumaroon sa Iconio. 52  At ang mga alagad ay patuloy na napuspos ng kagalakan+ at ng banal na espiritu.

Talababa