Gawa 16:1-40

16  Sa gayon ay dumating siya sa Derbe at gayundin sa Listra.+ At, narito! may isang alagad doon na ang pangalan ay Timoteo,+ na anak ng isang nananampalatayang babaing Judio ngunit ang ama ay Griego,  at siya ay may mabuting ulat mula sa mga kapatid sa Listra at Iconio.  Ipinahayag ni Pablo ang pagnanais na ang lalaking ito ay makasama niyang umalis, at kinuha niya siya at tinuli+ siya dahil sa mga Judio na nasa mga dakong iyon, sapagkat alam ng lahat na ang kaniyang ama ay Griego.  At habang naglalakbay sila sa mga lunsod ay dinadala nila sa mga naroroon ang mga tuntunin na naipasiya ng mga apostol at ng matatandang lalaki na nasa Jerusalem upang tuparin nila.+  Dahil nga rito, ang mga kongregasyon ay patuloy na napatatag sa pananampalataya+ at dumami ang bilang sa araw-araw.  Bukod diyan, lumibot sila sa Frigia at sa lupain ng Galacia,+ sapagkat pinagbawalan sila ng banal na espiritu na salitain ang salita sa distrito ng Asia.  Karagdagan pa, nang bumababa sa Misia ay sinikap nilang makaparoon sa Bitinia,+ ngunit hindi sila pinahintulutan ng espiritu ni Jesus.  Kaya nilampasan nila ang Misia at bumaba sa Troas.+  At nang kinagabihan ay nagpakita kay Pablo ang isang pangitain:+ isang lalaking taga-Macedonia ang nakatayo at namamanhik sa kaniya at nagsasabi: “Tumawid ka sa Macedonia at tulungan mo kami.” 10  At pagkakita niya sa pangitain, sinikap naming makaparoon sa Macedonia,+ na ipinapalagay na tinawag kami ng Diyos upang ipahayag sa kanila ang mabuting balita. 11  Sa gayon ay naglayag kami mula sa Troas at tuluy-tuloy na nakarating sa Samotracia, ngunit nang sumunod na araw naman ay sa Neapolis, 12  at mula roon ay sa Filipos,+ isang kolonya, na siyang pangunahing lunsod ng distrito ng Macedonia.+ Nanatili kami sa lunsod na ito, na gumugugol ng ilang araw. 13  At nang araw ng sabbath ay pumaroon kami sa labas ng pintuang-daan sa tabi ng isang ilog, kung saan iniisip naming may dakong panalanginan; at umupo kami at nagsimulang makipag-usap sa mga babaing nagkatipon. 14  At isang babae na nagngangalang Lydia, isang tindera ng purpura, na mula sa lunsod ng Tiatira+ at isang mananamba ng Diyos, ang nakikinig, at binuksang mabuti ni Jehova ang kaniyang puso+ upang magbigay-pansin sa mga bagay na sinasalita ni Pablo. 15  At nang siya at ang kaniyang sambahayan ay mabautismuhan,+ sinabi niya nang may pamamanhik: “Kung hinahatulan ninyo ako bilang tapat kay Jehova, pumasok kayo sa aking bahay at manatili.”+ At talaga namang pinilit niya kaming pumaroon.+ 16  At nangyari nga na habang paparoon kami sa dakong panalanginan, isang alilang babae na may espiritu,+ isang demonyo ng panghuhula,+ ang sumalubong sa amin. Nakapaglalaan siya sa kaniyang mga panginoon ng maraming pakinabang+ sa pagsasagawa ng sining ng panghuhula. 17  Ang batang babaing ito ay patuloy na sumusunod kay Pablo at sa amin at isinisigaw+ ang mga salitang: “Ang mga taong ito ay mga alipin ng Kataas-taasang Diyos, na nagpapahayag sa inyo ng daan ng kaligtasan.” 18  Ito ay patuloy niyang ginagawa nang maraming araw. Nang dakong huli ay nagsawa+ na si Pablo at bumaling at nagsabi sa espiritu: “Inuutusan kita sa pangalan ni Jesu-Kristo na lumabas ka sa kaniya.”+ At lumabas ito nang mismong oras na iyon.+ 19  Buweno, nang makita ng kaniyang mga panginoon na ang kanilang inaasahang pakinabang ay nawala na,+ sinunggaban nila sina Pablo at Silas at kinaladkad sila patungo sa pamilihan sa mga tagapamahala,+ 20  at, nang madala sila sa mga mahistrado sibil, sinabi nila: “Labis-labis na ginugulo+ ng mga taong ito ang ating lunsod, palibhasa’y mga Judio, 21  at nagpapahayag sila ng mga kaugalian+ na hindi matuwid na ating tanggapin o isagawa, yamang tayo ay mga Romano.” 22  At ang pulutong ay sama-samang tumindig laban sa kanila; at ang mga mahistrado sibil, pagkatapos na punitin ang kanilang mga panlabas na kasuutan, ay nagbigay ng utos na hampasin sila ng mga pamalo.+ 23  Pagkatapos nila silang hampasin nang maraming ulit,+ itinapon nila sila sa bilangguan, na iniuutos sa tagapagbilanggo na bantayan silang mabuti.+ 24  Dahil tumanggap siya ng gayong utos, itinapon niya sila sa loobang bilangguan+ at ipiniit sa mga pangawan ang kanilang mga paa.+ 25  Ngunit nang bandang kalagitnaan ng gabi+ sina Pablo at Silas ay nananalangin at pumupuri sa Diyos sa pamamagitan ng awit;+ oo, naririnig sila ng mga bilanggo. 26  Bigla na lang nagkaroon ng isang malakas na lindol, anupat nayanig ang mga pundasyon ng piitan. Bukod diyan, ang lahat ng mga pinto ay kaagad na nabuksan, at ang mga gapos ng lahat ay nakalag.+ 27  Ang tagapagbilanggo, palibhasa’y nagising sa pagkakatulog at nakitang bukás ang mga pinto ng bilangguan, ay humugot ng kaniyang tabak at magpapakamatay na sana,+ sa pag-aakalang nakatakas ang mga bilanggo.+ 28  Ngunit sumigaw si Pablo sa malakas na tinig, na sinasabi: “Huwag mong saktan ang iyong sarili,+ sapagkat narito kaming lahat!” 29  Kaya humingi siya ng mga ilaw at patakbong pumasok at, palibhasa’y pinananaigan ng panginginig, sumubsob+ siya sa harap nina Pablo at Silas. 30  At dinala niya sila sa labas at sinabi: “Mga ginoo, ano ang dapat kong gawin+ upang maligtas?” 31  Sinabi nila: “Maniwala ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka,+ ikaw at ang iyong sambahayan.”+ 32  At sinalita nila ang salita ni Jehova sa kaniya at pati sa lahat niyaong nasa kaniyang bahay.+ 33  At isinama niya sila nang oras na iyon ng gabi at hinugasan ang kanilang mga latay; at, ang bawat isa, siya at ang mga sa kaniya ay binautismuhan+ nang walang pagpapaliban. 34  At dinala niya sila sa kaniyang bahay at ipinaghain sila sa mesa, at labis siyang nagsaya kasama ng kaniyang buong sambahayan ngayon na naniwala na siya sa Diyos. 35  Nang maging araw na, isinugo ng mga mahistrado sibil+ ang mga kustable upang sabihin: “Palayain mo ang mga taong iyan.” 36  Kaya isinaysay ng tagapagbilanggo ang kanilang mga salita kay Pablo: “Ang mga mahistrado sibil ay nagsugo ng mga tao upang palayain kayong dalawa. Kaya nga, lumabas kayo at yumaon nang payapa.” 37  Ngunit sinabi ni Pablo sa kanila: “Pinalo nila kami nang hayagan nang hindi pa nahahatulan, mga taong Romano,+ at itinapon kami sa bilangguan; at pinalalayas ba nila kami ngayon nang palihim? Tunay ngang hindi! kundi sila mismo ang pumarito at maglabas sa amin.” 38  Kaya isinaysay ng mga kustable ang mga pananalitang ito sa mga mahistrado sibil. Ang mga ito ay natakot nang marinig nila na ang mga lalaki ay mga Romano.+ 39  Dahil dito ay pumaroon sila at namanhik sa kanila at, pagkatapos na mailabas sila, hiniling nila sa kanila na lisanin ang lunsod. 40  Ngunit sila ay lumabas sa bilangguan at pumunta sa tahanan ni Lydia, at nang makita nila ang mga kapatid ay pinatibay-loob+ nila ang mga ito at lumisan.

Talababa