Gawa 17:1-34

17  At sila ay naglakbay na dumaraan sa Amfipolis at Apolonia at dumating sa Tesalonica,+ na kinaroroonan ng isang sinagoga ng mga Judio.  Kaya ayon sa kaugalian ni Pablo+ ay pumaroon siya sa kanila sa loob, at sa loob ng tatlong sabbath ay nangatuwiran siya sa kanila mula sa Kasulatan,+  na ipinaliliwanag at pinatutunayan sa pamamagitan ng mga reperensiya na ang Kristo ay kailangang magdusa+ at bumangon mula sa mga patay,+ at sinasabi: “Ito ang Kristo,+ ang Jesus na ito na ipinahahayag ko sa inyo.”  Dahil dito ang ilan sa kanila ay naging mga mananampalataya+ at sumama kina Pablo at Silas,+ at isang malaking karamihan ng mga Griego na sumasamba sa Diyos at hindi kakaunti sa mga pangunahing babae ang gumawa ng gayon.  Ngunit ang mga Judio, palibhasa’y naninibugho,+ ay nagsama ng ilang lalaking balakyot mula sa mga batugan sa pamilihan at bumuo ng isang pangkat ng mang-uumog at pinagkagulo ang lunsod.+ At sinalakay nila ang bahay ni Jason+ at sinikap na dalhin sila sa mga taong nagkakagulo.  Nang hindi nila sila masumpungan ay kinaladkad nila si Jason at ang ilang kapatid patungo sa mga tagapamahala ng lunsod, na isinisigaw: “Ang mga taong ito na nagtiwarik+ sa tinatahanang lupa ay naririto rin,  at malugod silang tinanggap ni Jason. At ang lahat ng mga lalaking ito ay kumikilos nang salansang sa mga batas+ ni Cesar, na sinasabing may ibang hari,+ si Jesus.”  Talagang naligalig nila ang pulutong at ang mga tagapamahala ng lunsod nang marinig ng mga iyon ang mga bagay na ito;  at pagkatapos na makakuha muna ng sapat na paniguro mula kay Jason at sa iba pa ay pinawalan nila ang mga ito. 10  Nang kinagabihan+ ay kaagad na pinayaon ng mga kapatid kapuwa sina Pablo at Silas patungo sa Berea, at ang mga ito, nang makarating, ay pumasok sa sinagoga ng mga Judio. 11  At higit na mararangal ang pag-iisip ng mga huling nabanggit kaysa roon sa mga nasa Tesalonica, sapagkat tinanggap nila ang salita nang may buong pananabik ng kaisipan, na maingat na sinusuri+ ang Kasulatan+ sa araw-araw kung totoo nga ang mga bagay na ito.+ 12  Kaya marami sa kanila ang naging mananampalataya, at gayundin ang hindi kakaunti sa mga kinikilalang+ babaing Griego at sa mga lalaki. 13  Ngunit nang malaman ng mga Judio mula sa Tesalonica na ang salita ng Diyos ay ipinahayag din ni Pablo sa Berea, pumaroon din sila upang sulsulan+ at ligaligin+ ang mga karamihan. 14  Nang magkagayon ay kaagad na pinayaon ng mga kapatid si Pablo upang pumaroon hanggang sa may dagat;+ ngunit kapuwa sina Silas at Timoteo ay naiwan doon. 15  Gayunman, dinala si Pablo hanggang sa Atenas niyaong mga naghatid sa kaniya at, pagkatanggap ng utos na paparoonin sa kaniya sina Silas at Timoteo+ sa lalong madaling panahon, sila ay lumisan. 16  At samantalang hinihintay sila ni Pablo sa Atenas, ang kaniyang espiritu sa loob niya ay nainis+ sa pagkakita na ang lunsod ay punô ng mga idolo. 17  Dahil dito ay nagsimula siyang mangatuwiran sa sinagoga sa mga Judio+ at sa iba pang mga tao na sumasamba sa Diyos at sa bawat araw sa pamilihan+ doon sa mga nagkataong naroroon. 18  Ngunit may ilan kapuwa sa mga Epicureo at sa mga pilosopong Estoico+ na nakipag-usap sa kaniya nang may pakikipagtalo, at ang ilan ay nagsasabi: “Ano ba ang gustong sabihin ng daldalerong ito?”+ Ang iba naman: “Siya ay waring isang tagapaghayag ng mga bathalang banyaga.” Ito ay sa dahilang ipinahahayag niya ang mabuting balita tungkol kay Jesus at sa pagkabuhay-muli.+ 19  Kaya sinunggaban nila siya at dinala sa Areopago, na sinasabi: “Maaari bang malaman namin kung ano ang bagong turong+ ito na sinasalita mo? 20  Sapagkat naghaharap ka ng ilang bagay na kakaiba sa aming pandinig. Kaya nga nais naming malaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito.”+ 21  Sa katunayan, ang lahat ng mga taga-Atenas at mga banyaga na nakikipamayan doon ay walang ibang pinaggugugulan ng kanilang libreng panahon maliban sa pagsasabi ng anumang bagay o sa pakikinig sa anumang bagay na bago. 22  At si Pablo ay tumayo sa gitna ng Areopago+ at nagsabi: “Mga lalaki ng Atenas, nakikita ko na sa lahat ng bagay ay waring higit kayong matatakutin sa mga bathala+ kaysa sa iba. 23  Bilang halimbawa, habang dumaraan at maingat na nagmamasid sa mga bagay na inyong pinakukundanganan ay nakasumpong din ako ng isang altar na doon ay nakasulat ‘Sa Isang Di-kilalang Diyos.’ Kaya nga yaong pinag-uukulan ninyo ng makadiyos na debosyon nang di-namamalayan, ito ang ipinahahayag ko sa inyo. 24  Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng bagay na naririto, yamang ang Isang ito nga ay Panginoon ng langit at lupa,+ ay hindi tumatahan sa mga templong gawa ng kamay,+ 25  ni pinaglilingkuran man siya ng mga kamay ng tao na para bang nangangailangan siya ng anumang bagay,+ sapagkat siya mismo ang nagbibigay sa lahat ng buhay+ at ng hininga+ at ng lahat ng mga bagay. 26  At ginawa niya mula sa isang tao+ ang bawat bansa+ ng mga tao, upang tumahan sa ibabaw ng buong lupa,+ at itinalaga niya ang mga takdang panahon+ at ang tiyak na mga hangganan ng pananahanan ng mga tao,+ 27  upang hanapin nila ang Diyos,+ kung maaapuhap nila siya at talagang masusumpungan siya,+ bagaman, sa katunayan, hindi siya malayo sa bawat isa sa atin. 28  Sapagkat sa pamamagitan niya, tayo ay may buhay at kumikilos at umiiral,+ gaya nga ng sinabi ng ilan sa mga makata+ sa inyo, ‘Sapagkat tayo rin ay kaniyang mga supling.’ 29  “Kung gayon, yamang tayo ay mga supling ng Diyos,+ hindi natin dapat akalain na ang Isa na Diyos+ ay tulad ng ginto o ng pilak o ng bato, tulad ng isang bagay na nililok ng sining at katha ng tao.+ 30  Totoo, pinalagpas ng Diyos ang mga panahon ng gayong kawalang-alam,+ gayunma’y sinasabi niya ngayon sa sangkatauhan na silang lahat sa lahat ng dako ay dapat na magsisi.+ 31  Sapagkat nagtakda siya ng isang araw kung kailan nilalayon niyang hatulan+ ang tinatahanang lupa ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng isang lalaki na kaniyang inatasan, at naglaan siya ng garantiya sa lahat ng mga tao anupat binuhay niya siyang muli+ mula sa mga patay.” 32  Buweno, nang marinig nila ang tungkol sa pagkabuhay-muli ng mga patay, ang ilan ay nagsimulang manlibak,+ samantalang ang iba ay nagsabi: “Pakikinggan ka namin tungkol dito sa iba pang pagkakataon.” 33  Sa gayon ay umalis si Pablo sa gitna nila, 34  ngunit ang ilang mga tao ay nakisama sa kaniya at naging mga mananampalataya, na kabilang din dito si Dionisio, isang hukom ng hukuman ng Areopago,+ at ang isang babae na nagngangalang Damaris, at ang iba pa bukod sa kanila.

Talababa