Gawa 18:1-28
18 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay lumisan siya sa Atenas at dumating sa Corinto.
2 At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang Aquila,+ isang katutubo ng Ponto na kamakailan lamang ay dumating mula sa Italya,+ at si Priscila na kaniyang asawa, sa dahilang ipinag-utos ni Claudio+ na lisanin ng lahat ng mga Judio ang Roma. Kaya pumaroon siya sa kanila
3 at dahil magkatulad ang kanilang hanapbuhay ay namalagi siya sa kanilang tahanan, at sila ay nagtrabaho,+ sapagkat ang hanapbuhay nila ay ang paggawa ng tolda.
4 Gayunman, nagbibigay siya ng pahayag sa sinagoga+ sa bawat sabbath at nanghihikayat sa mga Judio at mga Griego.
5 Ngayon, nang kapuwa si Silas+ at si Timoteo+ ay bumaba mula sa Macedonia, si Pablo ay nagsimulang maging lubhang abala sa salita, na nagpapatotoo sa mga Judio upang patunayan na si Jesus ang Kristo.+
6 Ngunit nang patuloy silang sumasalansang at nagsasalita nang may pang-aabuso,+ ipinagpag niya ang kaniyang mga kasuutan+ at sinabi sa kanila: “Ang inyong dugo+ ay mapasainyong sariling mga ulo. Ako ay malinis.+ Mula ngayon ay paroroon ako sa mga tao ng mga bansa.”+
7 Alinsunod dito ay lumipat siya mula roon at pumasok sa bahay ng isang tao na nagngangalang Titio Justo, isang mananamba ng Diyos, na ang bahay ay katabi ng sinagoga.
8 Ngunit si Crispo+ na punong opisyal ng sinagoga ay naging isang mananampalataya sa Panginoon, at gayundin ang kaniyang buong sambahayan. At marami sa mga taga-Corinto na nakarinig ang nagsimulang maniwala at mabautismuhan.
9 Bukod diyan, nang gabi ay sinabi ng Panginoon kay Pablo+ sa isang pangitain: “Huwag kang matakot, kundi patuloy kang magsalita at huwag kang manahimik,
10 sapagkat ako ay sumasaiyo+ at walang sinumang sasalakay sa iyo upang gawan ka ng pinsala; sapagkat marami akong mga tao sa lunsod na ito.”
11 Kaya namalagi siya roon nang isang taon at anim na buwan, na itinuturo sa kanila ang salita ng Diyos.
12 At noong si Galio ang proconsul+ ng Acaya, ang mga Judio ay may-pagkakaisang tumindig laban kay Pablo at dinala siya sa luklukan ng paghatol,+
13 na sinasabi: “Bagaman salungat sa kautusan ay hinihikayat+ ng taong ito ang mga tao tungo sa ibang paniniwala sa pagsamba sa Diyos.”
14 Ngunit nang ibubuka na ni Pablo ang kaniyang bibig, sinabi ni Galio sa mga Judio: “Kung tunay ngang ito ay isang kamalian o isang balakyot na gawa ng kabuktutan, O mga Judio, may dahilan ako upang pagtiisan kayo nang may pagbabata.
15 Ngunit kung ito ay mga pagtatalo tungkol sa pananalita at mga pangalan+ at sa kautusan+ sa gitna ninyo, kayo na ang bahala riyan. Hindi ko nais na maging hukom sa mga bagay na ito.”
16 Sa gayon ay itinaboy niya sila mula sa luklukan ng paghatol.
17 Kaya sinunggaban nilang lahat si Sostenes+ na punong opisyal ng sinagoga at binugbog siya sa harap ng luklukan ng paghatol. Ngunit ayaw man lamang ni Galio na sumangkot sa mga bagay na ito.
18 Gayunman, pagkatapos na manatili nang ilang araw pa, si Pablo ay nagpaalam sa mga kapatid at naglayag patungong Sirya, at kasama niya sina Priscila at Aquila, yamang ang buhok sa kaniyang ulo ay ipinagupit niya nang maikli+ sa Cencrea,+ sapagkat mayroon siyang panata.
19 Kaya nakarating sila sa Efeso, at iniwan niya sila roon; ngunit siya naman ay pumasok sa sinagoga+ at nangatuwiran sa mga Judio.
20 Bagaman patuloy nilang hinihiling sa kaniya na manatili nang mas mahabang panahon pa, hindi siya sumang-ayon
21 kundi nagpaalam+ at nagsabi sa kanila: “Babalik akong muli sa inyo, kung loloobin ni Jehova.”+ At siya ay naglayag mula sa Efeso
22 at bumaba sa Cesarea. At umahon siya at binati ang kongregasyon, at bumaba sa Antioquia.
23 At nang makapagpalipas na siya roon ng ilang panahon ay lumisan siya at lumibot sa iba’t ibang dako sa lupain ng Galacia+ at Frigia,+ na pinalalakas+ ang lahat ng mga alagad.
24 At isang Judio na nagngangalang Apolos,+ isang katutubo ng Alejandria, isang lalaking mahusay magsalita, ang dumating sa Efeso; at siya ay bihasa sa Kasulatan.+
25 Ang taong ito ay naturuan nang bibigan sa daan ni Jehova at, palibhasa’y maningas siya sa espiritu,+ siya ay nagsalita at nagturo nang may kawastuan ng mga bagay tungkol kay Jesus, ngunit may kabatiran lamang sa bautismo+ ni Juan.
26 At ang taong ito ay nagsimulang magsalita nang may tapang sa sinagoga. Nang marinig siya nina Priscila at Aquila,+ isinama nila siya at ipinaliwanag sa kaniya ang daan ng Diyos nang may higit na kawastuan.
27 Karagdagan pa, dahil nais niyang tumawid patungong Acaya, sinulatan ng mga kapatid ang mga alagad, na pinapayuhan sila na tanggapin siya nang may kabaitan. Kaya nang makarating siya roon, malaki ang naitulong+ niya sa mga naniwala dahil sa di-sana-nararapat na kabaitan [ng Diyos];+
28 sapagkat taglay ang kasidhian, lubusan niyang pinatunayan nang hayagan na mali ang mga Judio, habang ipinakikita niya sa pamamagitan ng Kasulatan+ na si Jesus ang Kristo.+