Gawa 2:1-47

2  At samantalang nagpapatuloy ang araw ng kapistahan ng Pentecostes+ silang lahat ay magkakasama sa iisang dako,  at bigla na lang dumating mula sa langit ang isang ingay na gaya ng sa malakas na hanging humahagibis, at pinunô nito ang buong bahay na kinauupuan nila.+  At nakakita sila ng mga dila na parang apoy+ at ang mga ito ay nabaha-bahagi, at may isang dumapo sa bawat isa sa kanila,  at silang lahat ay napuspos ng banal na espiritu+ at nagsimulang magsalita ng iba’t ibang wika,+ ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng espiritu upang salitain.  At sa Jerusalem nga ay may tumatahang mga Judio,+ mga lalaking mapagpitagan,+ mula sa bawat bansa na nasa silong ng langit.  Kaya, nang maganap ang hugong na ito, ang karamihan ay nagtipun-tipon at natilihan, sapagkat narinig ng bawat isa na nagsasalita sila sa kaniyang sariling wika.  Tunay nga, sila ay nanggilalas at nagsimulang magtaka at magsabi: “Tingnan ninyo ito, ang lahat ng mga ito na nagsasalita ay mga taga-Galilea,+ hindi ba?  At gayunma’y paano ngang naririnig natin, ng bawat isa sa atin, ang kaniyang sariling wika na kinapanganakan natin?  Mga Parto at mga Medo+ at mga Elamita,+ at ang mga tumatahan sa Mesopotamia, at sa Judea+ at sa Capadocia,+ sa Ponto+ at sa distrito ng Asia,+ 10  at sa Frigia+ at sa Pamfilia,+ sa Ehipto at sa mga bahagi ng Libya, na patungong Cirene, at mga nakikipamayan mula sa Roma, kapuwa mga Judio at mga proselita,+ 11  mga Cretense+ at mga Arabe,+ naririnig natin silang nagsasalita sa ating mga wika tungkol sa mariringal na mga bagay ng Diyos.” 12  Oo, silang lahat ay nanggigilalas at naguguluhan, na sinasabi sa isa’t isa: “Ano ang kahulugan ng bagay na ito?” 13  Gayunman, ang iba ay nanlibak sa kanila at nagsimulang magsabi: “Sila ay punô ng matamis na alak.”+ 14  Ngunit tumayo si Pedro kasama ang labing-isa+ at naglakas ng kaniyang tinig at nagsalita sa kanila ng ganito: “Mga lalaki ng Judea at kayong lahat na tumatahan sa Jerusalem,+ alamin ninyo ito at pakinggan ninyo ang aking mga pananalita. 15  Ang mga taong ito, sa katunayan, ay hindi mga lasing,+ gaya ng inyong ipinapalagay, sapagkat ngayon ay ikatlong oras lamang ng araw. 16  Sa kabaligtaran, ito yaong sinabi sa pamamagitan ng propetang si Joel, 17  ‘ “At sa mga huling araw,” sabi ng Diyos, “ay ibubuhos ko ang ilang bahagi ng aking espiritu+ sa bawat uri ng laman, at ang inyong mga anak na lalaki at ang inyong mga anak na babae ay manghuhula at ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain at ang inyong matatandang lalaki ay mananaginip ng mga panaginip;+ 18  at maging sa aking mga aliping lalaki at sa aking mga aliping babae ay ibubuhos ko ang ilang bahagi ng aking espiritu sa mga araw na iyon, at sila ay manghuhula.+ 19  At ako ay magbibigay ng mga palatandaan sa langit sa itaas at mga tanda sa lupa sa ibaba, dugo at apoy at singaw ng usok;+ 20  ang araw+ ay magiging kadiliman at ang buwan ay magiging dugo bago dumating ang dakila at maningning na araw ni Jehova.+ 21  At ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas.” ’+ 22  “Mga lalaki ng Israel, dinggin ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na Nazareno,+ isang lalaki na hayagang ipinakita ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga makapangyarihang gawa+ at mga palatandaan at mga tanda na ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya sa gitna ninyo,+ gaya ng nalalaman ninyo mismo, 23  ang taong ito, bilang isa na ibinigay sa pamamagitan ng itinalagang layunin at patiunang kaalaman ng Diyos,+ ay inyong ipinako sa tulos sa pamamagitan ng kamay ng mga taong tampalasan at pinatay.+ 24  Ngunit binuhay siyang muli ng Diyos+ sa pamamagitan ng pagkakalag sa mga hapdi ng kamatayan,+ sapagkat hindi siya maaaring pigilan nito nang mahigpit.+ 25  Sapagkat sinasabi ni David may kaugnayan sa kaniya, ‘Laging nasa harap ng aking mga mata si Jehova; sa dahilang siya ay nasa aking kanan upang hindi ako matinag.+ 26  Dahil dito ay nagalak ang aking puso at labis na nagsaya ang aking dila. Bukod diyan, maging ang aking laman ay tatahang may pag-asa;+ 27  sapagkat hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Hades, ni pahihintulutan mo mang makita ng iyong matapat ang kasiraan.+ 28  Ipinabatid mo sa akin ang mga daan ng buhay, pupuspusin mo ako ng pagkagalak sa harap ng iyong mukha.’+ 29  “Mga lalaki, mga kapatid, maaaring sabihin sa inyo nang may kalayaan sa pagsasalita tungkol sa ulo ng pamilya na si David, na siya ay kapuwa namatay+ at inilibing at ang kaniyang libingan ay nasa atin hanggang sa araw na ito. 30  Kaya nga, sapagkat siya ay isang propeta at nalalaman na ang Diyos ay sumumpa sa kaniya ng isang sumpa na pauupuin niya sa kaniyang trono ang isa mula sa bunga ng kaniyang mga balakang,+ 31  nakita niya nang patiuna at sinalita ang tungkol sa pagkabuhay-muli ng Kristo, na hindi siya pinabayaan sa Hades ni nakakita man ng kasiraan ang kaniyang laman.+ 32  Ang Jesus na ito ay binuhay na muli ng Diyos, na sa bagay na ito ay mga saksi kaming lahat.+ 33  Kaya sa dahilang siya ay itinaas sa kanan ng Diyos+ at tumanggap ng ipinangakong banal na espiritu mula sa Ama,+ ibinuhos niya ito na inyong nakikita at naririnig. 34  Sa katunayan hindi umakyat si David sa langit,+ kundi siya mismo ang nagsasabi, ‘Sinabi ni Jehova sa aking Panginoon: “Umupo ka sa aking kanan,+ 35  hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway bilang tuntungan ng iyong mga paa.” ’+ 36  Kaya alamin nga nang may katiyakan ng buong sambahayan ng Israel na ginawa siya ng Diyos bilang kapuwa Panginoon+ at Kristo, ang Jesus na ito na inyong ibinayubay.”+ 37  At nang marinig nila ito ay nasugatan ang kanilang puso,+ at sinabi nila kay Pedro at sa iba pang mga apostol: “Mga lalaki, mga kapatid, ano ang gagawin namin?”+ 38  Sinabi ni Pedro sa kanila: “Magsisi kayo,+ at magpabautismo+ ang bawat isa sa inyo sa pangalan+ ni Jesu-Kristo ukol sa kapatawaran+ ng inyong mga kasalanan, at tatanggapin ninyo ang walang-bayad na kaloob+ ng banal na espiritu. 39  Sapagkat ang pangako+ ay sa inyo at sa inyong mga anak at sa lahat niyaong mga nasa malayo,+ gaanuman karami ang tawagin ni Jehova na ating Diyos sa kaniya.”+ 40  At sa marami pang ibang salita ay lubusan siyang nagpatotoo at patuloy na nagpayo sa kanila, na sinasabi: “Maligtas kayo mula sa likong salinlahing ito.”+ 41  Kaya nga yaong mga yumakap sa kaniyang salita nang buong puso ay nabautismuhan,+ at nang araw na iyon ay mga tatlong libong kaluluwa ang naparagdag.+ 42  At patuloy nilang iniukol ang kanilang sarili sa turo ng mga apostol at sa pagbabahagi sa isa’t isa,+ sa mga pagkain+ at sa mga pananalangin.+ 43  Sa katunayan, ang takot ay sumapit sa bawat kaluluwa, at maraming mga palatandaan at mga tanda ang nagsimulang maganap sa pamamagitan ng mga apostol.+ 44  Ang lahat niyaong naging mga mananampalataya ay magkakasamang nagtaglay ng lahat ng bagay para sa lahat,+ 45  at ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari+ at mga tinatangkilik at ipinamahagi sa lahat ang pinagbilhan, ayon sa pangangailangan ng sinuman.+ 46  At sa araw-araw ay lagi silang naroroon sa templo na may pagkakaisa,+ at sila ay kumakain sa mga pribadong tahanan at nakikibahagi sa pagkain nang may malaking pagsasaya+ at kataimtiman ng puso, 47  na pumupuri sa Diyos at nakasusumpong ng lingap ng lahat ng mga tao.+ Gayundin, patuloy na idinaragdag sa kanila ni Jehova+ sa araw-araw yaong mga naliligtas.+

Talababa