Gawa 26:1-32

26  Sinabi ni Agripa+ kay Pablo: “Pinahihintulutan ka nang magsalita para sa iyong sarili.” Nang magkagayon ay iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay+ at sinabi bilang pagtatanggol sa kaniyang sarili:+  “May kinalaman sa lahat ng bagay na iniaakusa+ sa akin ng mga Judio, Haring Agripa, ibinibilang kong aking kaligayahan na gagawin ko sa harap mo ang aking pagtatanggol sa araw na ito,  lalo na yamang ikaw ay dalubhasa sa lahat ng mga kaugalian+ at gayundin sa mga pagtatalo sa gitna ng mga Judio. Kaya nga nagsusumamo ako sa iyo na pakinggan ako nang may pagtitiyaga.  “May kinalaman nga sa paraan ng pamumuhay+ mula pa sa pagkabata na ipinamuhay ko buhat sa pasimula sa gitna ng aking bansa at sa Jerusalem, ang lahat ng mga Judio  na dati nang nakakakilala sa akin mula noong una ay nakaaalam, kung nais lamang nilang magpatotoo, na ayon sa pinakamahigpit na sekta+ ng aming anyo ng pagsamba ay namuhay akong isang Pariseo.+  At gayunma’y ngayon dahil sa pag-asa+ ng pangako+ na binitiwan ng Diyos sa aming mga ninuno ay nakatayo ako upang hatulan;  samantalang ang aming labindalawang tribo ay umaasang matamo ang katuparan ng pangakong ito sa pamamagitan ng masidhing pag-uukol sa kaniya ng sagradong paglilingkod gabi at araw.+ Tungkol sa pag-asang ito ay inaakusahan+ ako ng mga Judio, O hari.  “Bakit hinahatulang di-kapani-paniwala sa gitna ninyo na ang Diyos ay nagbabangon ng mga patay?+  Ako man ay talagang nag-isip sa loob ko na dapat akong gumawa ng maraming pagsalansang laban sa pangalan ni Jesus na Nazareno; 10  na sa katunayan ay ginawa ko sa Jerusalem, at marami sa mga banal ang ikinulong ko sa mga bilangguan,+ ayon sa tinanggap kong awtoridad mula sa mga punong saserdote;+ at kapag papatayin na sila, ibinibigay ko ang aking boto laban sa kanila. 11  At sa pagpaparusa sa kanila nang maraming ulit sa lahat ng mga sinagoga+ ay sinikap kong pilitin silang gumawa ng pagtatakwil; at sapagkat sukdulan ang galit ko sa kanila, pinag-usig ko pa man din sila maging sa mga lunsod na nasa labas. 12  “Sa gitna ng mga pagsisikap na ito, habang naglalakbay ako patungong Damasco+ taglay ang awtoridad at atas mula sa mga punong saserdote, 13  nakita ko nang katanghaliang-tapat sa daan, O hari, ang isang liwanag na higit sa kaningningan ng araw na suminag mula sa langit sa palibot ko at sa palibot niyaong mga naglalakbay na kasama ko.+ 14  At nang mabuwal kaming lahat sa lupa ay narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin sa wikang Hebreo, ‘Saul, Saul, bakit mo ako pinag-uusig? Ang patuloy na pagsipa sa mga tungkod na pantaboy ang nagpapahirap sa iyo.’+ 15  Ngunit sinabi ko, ‘Sino ka, Panginoon?’ At sinabi ng Panginoon, ‘Ako ay si Jesus, na iyong pinag-uusig.+ 16  Gayunpaman, bumangon ka at tumindig sa iyong mga paa.+ Sapagkat sa layuning ito ay nagpakita ako sa iyo, upang piliin ka bilang isang tagapaglingkod at isang saksi+ kapuwa ng mga bagay na nakita mo na at ng mga bagay na ipakikita ko sa iyo may kinalaman sa akin; 17  habang hinahango kita mula sa bayang ito at mula sa mga bansa, na pagsusuguan ko sa iyo,+ 18  upang idilat ang kanilang mga mata,+ upang ibaling sila mula sa kadiliman+ tungo sa liwanag+ at mula sa awtoridad ni Satanas+ tungo sa Diyos, upang tumanggap sila ng kapatawaran ng mga kasalanan+ at ng mana+ kasama niyaong mga pinabanal+ sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa akin.’ 19  “Dahil dito, Haring Agripa, hindi ako naging masuwayin sa makalangit na tanawin,+ 20  kundi kapuwa sa mga nasa Damasco+ muna at sa mga nasa Jerusalem,+ at sa buong lupain ng Judea, at sa mga bansa+ ay dinala ko ang mensahe na dapat silang magsisi at bumaling sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawang angkop sa pagsisisi.+ 21  Dahil sa mga bagay na ito ay dinakip ako ng mga Judio sa templo at tinangka akong patayin.+ 22  Gayunman, sapagkat natamo ko ang tulong+ na nagmumula sa Diyos ay nagpapatuloy ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo kapuwa sa maliliit at sa malalaki, ngunit walang anumang sinasabi maliban sa mga bagay na ipinahayag ng mga Propeta+ at gayundin ni Moises+ na magaganap, 23  na ang Kristo ay magdurusa+ at, bilang siyang unang bubuhaying-muli+ mula sa mga patay, siya ay maghahayag ng liwanag+ kapuwa sa bayang ito at sa mga bansa.”+ 24  At habang sinasabi niya ang mga bagay na ito bilang pagtatanggol sa kaniyang sarili, sinabi ni Festo sa malakas na tinig: “Nababaliw ka,+ Pablo! Itinutulak ka ng malaking kaalaman tungo sa kabaliwan!” 25  Ngunit sinabi ni Pablo: “Hindi ako nababaliw, Inyong Kamahalang Festo, kundi nagsasalita ako ng mga pananalita ng katotohanan at ng katinuan ng pag-iisip. 26  Sa katunayan, ang hari na kinakausap ko nang may kalayaan sa pagsasalita ay lubos na nakaaalam ng tungkol sa mga bagay na ito; sapagkat naniniwala ako na walang isa man sa mga bagay na ito ang nakalalampas sa kaniyang pansin, sapagkat ang bagay na ito ay hindi ginawa sa isang sulok.+ 27  Ikaw ba, Haring Agripa, ay naniniwala sa mga Propeta? Alam kong naniniwala ka.”+ 28  Ngunit sinabi ni Agripa kay Pablo: “Sa maikling panahon ay mahihikayat mo akong maging Kristiyano.” 29  Sa gayon ay sinabi ni Pablo: “Hinihiling ko sa Diyos na kahit sa maikling panahon man o sa mahabang panahon, hindi lamang ikaw kundi gayundin ang lahat ng mga nakikinig sa akin ngayon ay maging mga taong gaya ko rin naman, maliban sa mga gapos na ito.” 30  At ang hari ay tumindig at gayundin ang gobernador at si Bernice at ang mga lalaking nakaupong kasama nila. 31  Ngunit habang papaalis sila ay nagsimula silang mag-usap sa isa’t isa, na sinasabi: “Ang taong ito ay walang ginagawang anuman na karapat-dapat sa kamatayan+ o sa mga gapos.” 32  Bukod diyan, sinabi ni Agripa kay Festo: “Napalaya na sana ang taong ito kung hindi siya umapela+ kay Cesar.”

Talababa