Gawa 4:1-37

4  At habang ang dalawa ay nagsasalita sa mga tao, ang mga punong saserdote at ang kapitan ng templo+ at ang mga Saduceo+ ay sumugod sa kanila,  na naiinis sapagkat tinuturuan nila ang mga tao at malinaw na ipinahahayag ang pagkabuhay-muli mula sa mga patay may kaugnayan kay Jesus;+  at sinunggaban nila sila ng kanilang mga kamay at ikinulong hanggang sa sumunod na araw,+ sapagkat gabi na noon.  Gayunman, marami sa mga nakinig sa sinalita ang naniwala,+ at ang bilang ng mga lalaki ay umabot ng mga limang libo.+  Nang sumunod na araw ay naganap sa Jerusalem ang pagtitipun-tipon ng kanilang mga tagapamahala at matatandang lalaki at mga eskriba+  (gayundin si Anas+ na punong saserdote at si Caifas+ at si Juan at si Alejandro at ang lahat ng mga kaanak ng punong saserdote),  at pinatayo nila ang mga ito sa gitna nila at nagsimula silang magtanong: “Sa anong kapangyarihan o sa kaninong pangalan ninyo ginawa ito?”+  Nang magkagayon si Pedro, puspos ng banal na espiritu,+ ay nagsabi sa kanila: “Mga tagapamahala ng bayan at matatandang lalaki,  kung sa araw na ito ay sinusuri kami, salig sa mabuting gawa para sa isang taong may sakit,+ kung sa pamamagitan nino napagaling ang taong ito, 10  alamin ninyong lahat at ng lahat ng mga tao sa Israel, na sa pangalan ni Jesu-Kristo na Nazareno,+ na ibinayubay+ ninyo ngunit ibinangon ng Diyos mula sa mga patay,+ sa pamamagitan ng isang ito kung kaya ang taong ito ay nakatayo rito at magaling na sa harap ninyo. 11  Ito ‘ang bato na itinuring ninyong mga tagapagtayo bilang walang halaga na naging ulo ng panulukan.’+ 12  Karagdagan pa, walang kaligtasan sa kanino pa man, sapagkat walang ibang pangalan+ sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na siya nating dapat ikaligtas.”+ 13  Nang makita nga nila ang pagkatahasan nina Pedro at Juan, at mapag-unawa na sila ay mga taong walang pinag-aralan at pangkaraniwan,+ sila ay namangha. At nakilala nila tungkol sa mga ito na dati silang kasama ni Jesus;+ 14  at habang nakatingin sila sa taong pinagaling na nakatayong kasama nila,+ wala silang anumang nasabi bilang pagtutol.+ 15  Kaya inutusan nila ang mga ito na pumaroon sa labas ng bulwagan ng Sanedrin, at nagsimula silang magsanggunian sa isa’t isa, 16  na sinasabi: “Ano ang gagawin natin sa mga taong ito?+ Sapagkat, ang totoo, isang kapansin-pansing tanda ang naganap sa pamamagitan nila, isa na hayag sa lahat ng mga tumatahan sa Jerusalem;+ at hindi natin ito maikakaila. 17  Gayunpaman, upang huwag na itong lumaganap pa sa mga tao, sabihan natin sila nang may pagbabanta na huwag nang magsalita pa sa kaninumang tao salig sa pangalang ito.”+ 18  Sa gayon ay tinawag nila ang mga ito at pinag-utusan, na saanman ay huwag nang magsalita ng anuman o magturo salig sa pangalan ni Jesus. 19  Ngunit bilang tugon ay sinabi sa kanila nina Pedro at Juan: “Kung matuwid sa paningin ng Diyos na makinig sa inyo sa halip na sa Diyos, kayo ang humatol. 20  Ngunit kung para sa amin, hindi namin magagawang tumigil sa pagsasalita tungkol sa mga bagay na aming nakita at narinig.”+ 21  Kaya, matapos nila silang pagbantaan pa, kanilang pinalaya sila, yamang hindi sila nakasumpong ng anumang saligan upang parusahan sila at dahil sa mga tao,+ sapagkat niluluwalhati nilang lahat ang Diyos dahilan sa nangyari; 22  sapagkat ang tao na pinangyarihan ng tandang ito ng pagpapagaling ay mahigit na sa apatnapung taóng gulang. 23  Pagkatapos na mapalaya ay pumaroon sila sa kanilang mga kasamahan+ at ibinalita ang mga bagay na sinabi sa kanila ng mga punong saserdote at matatandang lalaki. 24  Nang marinig ito ay may-pagkakaisa nilang inilakas ang kanilang mga tinig sa Diyos+ at sinabi: “Soberanong+ Panginoon, ikaw ang Isa na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng lahat ng bagay na nasa mga ito,+ 25  at sa pamamagitan ng banal na espiritu ay nagsabi sa pamamagitan ng bibig ng aming ninunong si David,+ na iyong lingkod, ‘Bakit nagulo ang mga bansa at ang mga bayan ay nagbulay-bulay ng walang-katuturang mga bagay?+ 26  Ang mga hari sa lupa ay tumindig at ang mga tagapamahala ay nagpisan na tila iisa laban kay Jehova at laban sa kaniyang pinahiran.’+ 27  Kaya nga, kapuwa sina Herodes at Poncio Pilato+ kasama ang mga tao ng mga bansa at kasama ang mga tao ng Israel ay totoo ngang nagkatipon sa lunsod na ito laban sa iyong banal+ na lingkod na si Jesus, na iyong pinahiran,+ 28  upang gawin ang mga bagay na patiunang itinalaga ng iyong kamay at layunin upang maganap.+ 29  At ngayon, Jehova, pagtuunan mo ng pansin ang kanilang mga banta,+ at ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na patuloy na salitain ang iyong salita nang buong katapangan,+ 30  habang iniuunat mo ang iyong kamay para sa pagpapagaling at habang ang mga tanda at mga palatandaan+ ay nagaganap sa pamamagitan ng pangalan+ ng iyong banal na lingkod+ na si Jesus.” 31  At nang makapagsumamo na sila, ang dako na pinagtitipunan nila ay nayanig;+ at ang bawat isa sa kanila ay napuspos ng banal na espiritu+ at nagsalita ng salita ng Diyos nang may katapangan.+ 32  Bukod diyan, ang karamihan niyaong mga naniwala ay may iisang puso at kaluluwa,+ at wala ni isa man ang nagsabi na ang alinman sa mga bagay na pag-aari niya ay sa kaniyang sarili; kundi taglay nila ang lahat ng bagay para sa lahat.+ 33  Gayundin, taglay ang malaking kapangyarihan, nagpatuloy ang mga apostol sa pagbibigay ng patotoo may kinalaman sa pagkabuhay-muli ng Panginoong Jesus;+ at ang saganang di-sana-nararapat na kabaitan ay sumakanilang lahat. 34  Sa katunayan, walang isa man sa kanila ang nangangailangan;+ sapagkat ipinagbili ng lahat ng mga nagmamay-ari ng mga bukid o mga bahay ang mga ito at dinala ang halaga ng mga bagay na ipinagbili 35  at inilagay nila ang mga iyon sa paanan ng mga apostol.+ At ginagawa naman ang pamamahagi+ sa bawat isa, ayon sa kaniyang pangangailangan. 36  Kaya si Jose, na binigyan ng mga apostol ng huling pangalang Bernabe,+ na kapag isinalin ay nangangahulugang Anak ng Kaaliwan, isang Levita, isang katutubo ng Ciprus, 37  na nagmamay-ari ng isang piraso ng lupain, ay nagbili nito at dinala niya ang salapi at inilagay ito sa paanan ng mga apostol.+

Talababa