Isaias 30:1-33

30  “Sa aba ng mga anak na sutil,”+ ang sabi ni Jehova, “yaong mga handang magsagawa ng panukala, ngunit hindi yaong mula sa akin;+ at magbuhos ng handog na inumin, ngunit hindi taglay ang aking espiritu, upang dagdagan ng kasalanan ang kasalanan;+  yaong mga humahayo upang lumusong sa Ehipto+ at hindi nag-uusisa mula sa aking bibig,+ upang sumilong sa moog ni Paraon at upang manganlong sa lilim ng Ehipto!+  At para sa inyo ang moog ni Paraon ay magiging dahilan upang mapahiya,+ at ang panganganlong sa lilim ng Ehipto ay magiging sanhi ng kahihiyan.+  Sapagkat ang kaniyang mga prinsipe ay napasa-Zoan,+ at ang kaniyang mga sugo ay nakaaabot maging sa Hanes.  Tiyak na ikahihiya ng bawat isa ang bayan na hindi nagdudulot ng pakinabang sa isa, na hindi nakatutulong at hindi nagdudulot ng pakinabang, kundi isang dahilan upang mapahiya at sanhi rin ng kadustaan.”+  Ang kapahayagan laban sa mga hayop sa timog:+ Sa lupain ng kabagabagan+ at mahihirap na kalagayan, ng leon at leopardo na umuungol, ng ulupong at malaapoy na ahas na lumilipad,+ sa mga balikat ng mga hustong-gulang na asno ay dala nila ang kanilang yaman, at sa mga umbok ng mga kamelyo+ ang kanilang mga panustos. Para sa bayan ay hindi magiging kapaki-pakinabang ang mga iyon.  At ang mga Ehipsiyo ay walang kabuluhan, at tutulong sila nang wala namang saysay.+ Kaya tinawag ko ang isang ito: “Rahab+—sila ay para sa pag-upo nang tahimik.”  “Ngayon ay pumarito ka, isulat mo iyon sa isang tapyas na nasa kanila, at itala mo iyon sa isang aklat,+ upang iyon ay magsilbi para sa isang araw sa hinaharap, bilang patotoo hanggang sa panahong walang takda.+  Sapagkat iyon ay mapaghimagsik na bayan,+ bulaang mga anak,+ mga anak na ayaw makarinig ng kautusan ni Jehova;+ 10  na nagsasabi sa mga nakakakita, ‘Huwag kayong makakita,’ at sa mga nagkakaroon ng pangitain, ‘Huwag kayong magpangitain para sa amin ng anumang bagay na matuwid.+ Magsalita kayo sa amin ng mga bagay na kaayaaya; magpangitain kayo ng mga bagay na mapanlinlang.+ 11  Lumihis kayo sa daan; humiwalay kayo sa landas.+ Paglahuin ninyo ang Banal ng Israel para lamang sa amin.’ ”+ 12  Kaya ito ang sinabi ng Banal ng Israel: “Dahil sa pagtatakwil ninyo sa salitang ito,+ at yamang nagtitiwala kayo sa pandaraya at sa bagay na mapanlinlang at sumasandig kayo roon,+ 13  kaya para sa inyo ang kamaliang ito ay magiging gaya ng isang bahaging sira na pabagsak na, isang umbok sa isang napakataas na pader,+ na ang pagkagiba nito ay maaaring dumating nang bigla, sa isang iglap.+ 14  At tiyak na babasagin iyon ng isa gaya ng pagbasag sa isang malaking banga ng mga magpapalayok,+ na pinagdurug-durog na walang matitira, anupat sa mga durug-durog na piraso nito ay walang masusumpungang bibingang luwad na maipangkakalahig ng apoy mula sa apuyan o maipansasagap ng tubig mula sa matubig na dako.”+ 15  Sapagkat ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ang Banal ng Israel:+ “Sa pagbabalik at pagpapahinga ay maliligtas kayo. Ang inyong kalakasan ay sa pananatiling panatag lamang at sa pagtitiwala.”+ Ngunit ayaw ninyo.+ 16  At sinabi ninyo: “Hindi, kundi tatakas kaming sakay ng mga kabayo!”+ Iyan ang dahilan kung bakit kayo tatakas. “At sa mga kabayong matutulin kami sasakay!”+ Iyan ang dahilan kung bakit yaong mga tumutugis sa inyo ay magiging matulin.+ 17  Ang isang libo ay manginginig dahil sa pagsaway ng isa;+ dahil sa pagsaway ng lima ay tatakas kayo hanggang sa maiwan kayong gaya ng isang palo na nasa taluktok ng bundok at gaya ng isang hudyat na nasa burol.+ 18  At sa gayon ay patuloy na maghihintay si Jehova upang mapagpakitaan kayo ng lingap,+ at sa gayon ay titindig siya upang pagpakitaan kayo ng awa.+ Sapagkat si Jehova ay Diyos ng kahatulan.+ Maligaya+ ang lahat ng patuloy na naghihintay sa kaniya.+ 19  Kapag ang mismong bayan sa Sion+ ay nanahanan sa Jerusalem,+ hindi ka na tatangis pa.+ Walang pagsalang pagpapakitaan ka niya ng lingap sa tinig ng iyong pagdaing; kapag narinig niya iyon ay sasagutin ka nga niya.+ 20  At tiyak na bibigyan kayo ni Jehova ng tinapay sa anyo ng kabagabagan at ng tubig sa anyo ng paniniil;+ gayunma’y hindi na magtatago ang iyong Dakilang Tagapagturo, at ang iyong mga mata ay magiging mga matang nakakakita sa iyong Dakilang Tagapagturo.+ 21  At ang iyong mga tainga ay makaririnig ng salita sa likuran mo na nagsasabi: “Ito ang daan.+ Lakaran ninyo ito,” sakaling pumaroon kayo sa kanan o sakaling pumaroon kayo sa kaliwa.+ 22  At durungisan ninyo ang kalupkop ng iyong mga nililok na imaheng pilak+ at ang hapít na saklob ng iyong binubong+ estatuwang ginto.+ Isasambulat mo ang mga iyon.+ Tulad ng babaing nireregla, sasabihan mo iyon: “Dumi lamang!”+ 23  At tiyak na ibibigay niya ang ulan para sa iyong binhi na inihahasik mo sa lupa,+ at bilang bunga ng lupa ay tinapay, na magiging mataba at malangis.+ Ang iyong mga alagang hayop ay manginginain sa araw na iyon sa isang malawak na pastulan.+ 24  At ang mga baka at ang mga hustong-gulang na asno na sumasaka ng lupa ay kakain ng kumpay na tinimplahan ng acedera, na tinahip sa pamamagitan ng pala+ at ng tinidor. 25  At sa ibabaw ng bawat mataas na bundok at sa ibabaw ng bawat mataas na burol ay magkakaroon ng mga bukal,+ mga estero ng tubig, sa araw ng malaking patayan kapag nabubuwal ang mga tore.+ 26  At ang liwanag ng buwan na nasa kabilugan ay magiging gaya ng liwanag ng sumisinag na araw; at ang mismong liwanag ng sumisinag na araw ay titindi nang makapitong ulit,+ tulad ng liwanag na pitong araw, sa araw na bibigkisan ni Jehova ang pagkasira+ ng kaniyang bayan at pagagalingin+ niya maging ang malubhang sugat na dulot ng kaniyang hampas. 27  Narito! Ang pangalan ni Jehova ay dumarating mula sa malayo, nagniningas sa kaniyang galit+ at may kasamang makakapal na ulap. Kung tungkol sa kaniyang mga labi, iyon ay punô ng pagtuligsa, at ang kaniyang dila ay gaya ng apoy na lumalamon.+ 28  At ang kaniyang espiritu ay gaya ng humuhugos na ilog na umaabot hanggang sa leeg,+ upang iugoy ang mga bansa nang paroo’t parito sa pamamagitan ng panala+ ng kawalang-kabuluhan; at isang renda+ na nagliligaw ang mapapasa mga panga ng mga bayan.+ 29  Magkakaroon kayo ng awit+ na waring sa gabi ng pagpapabanal ng isa ng kaniyang sarili para sa kapistahan,+ at ng pagsasaya ng puso na gaya niyaong sa isa na lumalakad na may plawta+ upang pumasok sa bundok ni Jehova,+ sa Bato ng Israel.+ 30  At tiyak na iparirinig ni Jehova ang karingalan ng kaniyang tinig+ at ipakikita ang pagbaba ng kaniyang bisig,+ sa pagngangalit ng galit+ at sa liyab ng apoy na lumalamon+ at bugso ng ulan at bagyong maulan+ at mga batong graniso.+ 31  Sapagkat dahil sa tinig ni Jehova ay mangingilabot ang Asirya;+ sasaktan niya iyon sa pamamagitan nga ng isang baston.+ 32  At bawat hampas ng kaniyang tungkod ng kaparusahan na patatamain ni Jehova sa Asirya ay mangyayari nang may mga tamburin at may mga alpa;+ at sa mga pagbabaka na may pagwawasiwas ay makikipaglaban nga siya sa kanila.+ 33  Sapagkat ang kaniyang Topet+ ay nakaayos mula noong mga panahong kalilipas lamang; nakahanda rin iyon para sa hari mismo.+ Pinalalim niya ang bunton nito. Ang apoy at kahoy ay marami. Ang hininga ni Jehova, tulad ng malakas na agos ng asupre, ay nagniningas laban doon.+

Talababa