Isaias 33:1-24

33  Sa aba mo na nananamsam, na hindi ka naman sinasamsaman, at sa iyo na nakikitungo nang may kataksilan, gayong hindi ka naman pinakikitunguhan nang may kataksilan!+ Kapag natapos ka na bilang mananamsam, ikaw ay sasamsaman.+ Kapag nagawa mo nang makitungo nang may kataksilan, makikitungo sila sa iyo nang may kataksilan.+  O Jehova, pagpakitaan mo kami ng lingap.+ Sa iyo kami umaasa.+ Maging bisig+ ka namin sa bawat umaga,+ oo, ang aming kaligtasan sa panahon ng kabagabagan.+  Sa ingay ng kaguluhan ay tumakas ang mga bayan.+ Sa iyong pagbangon ay nangalat ang mga bansa.+  At ang samsam+ ninyo ay titipunin ngang gaya ng mga ipis kapag nagtitipon, gaya ng pagdaluhong ng mga kulupon ng balang na dumadaluhong laban sa isa.+  Si Jehova ay tiyak na matatanyag,+ sapagkat tumatahan siya sa kaitaasan.+ Pupunuin niya ang Sion ng katarungan at katuwiran.+  At ang pagiging mapagkakatiwalaan ng iyong mga panahon ay magsisilbing saganang kaligtasan+—karunungan at kaalaman,+ ang pagkatakot kay Jehova,+ na siyang kayamanan niya.  Narito! Ang kanila mismong mga bayani ay sumisigaw sa lansangan; ang mismong mga mensahero ng kapayapaan+ ay tatangis nang may kapaitan.  Ang mga lansangang-bayan ay itiniwangwang;+ ang dumaraan sa landas ay naglaho.+ Sinira niya ang tipan;+ kinasuklaman niya ang mga lunsod;+ hindi niya pinahalagahan ang taong mortal.+  Ang lupain ay nagdalamhati, natuyot.+ Ang Lebanon ay nalito;+ iyon ay nabulok. Ang Saron+ ay naging gaya ng disyertong kapatagan; at ang Basan at ang Carmel ay nagpapagpag ng kanilang mga dahon.+ 10  “Ngayon ay titindig ako,”+ sabi ni Jehova, “ngayon ay dadakilain ko ang aking sarili;+ ngayon ay itataas ko ang aking sarili.+ 11  Naglilihi kayo ng tuyong damo;+ manganganak kayo ng pinaggapasan. Ang inyong espiritu, gaya ng apoy,+ ang lalamon sa inyo.+ 12  At ang mga bayan ay magiging gaya ng mga pinagsunugan ng apog. Gaya ng mga tinik na pinutol, sila ay palalagablabin sa apoy.+ 13  Dinggin ninyong mga nasa malayo kung ano ang gagawin ko!+ At kilalanin ninyong mga nasa malapit ang aking kalakasan.+ 14  Sa Sion ay nanghihilakbot ang mga makasalanan;+ pinanaigan ng pangangatog ang mga apostata:+ ‘Sino sa atin ang makatatahan nang kahit sandali kung may apoy na lumalamon?+ Sino sa atin ang makatatahan nang kahit sandali kung may namamalaging mga ningas?’+ 15  “May isa na lumalakad sa namamalaging katuwiran+ at nagsasalita ng bagay na matuwid,+ na nagtatakwil ng di-tapat na pakinabang na galing sa mga pandaraya,+ na nagpapagpag ng kaniyang mga kamay sa pagkuha ng suhol,+ na nagtatakip ng kaniyang tainga sa pakikinig sa pagbububo ng dugo, at nagpipikit ng kaniyang mga mata upang hindi makakita ng kasamaan.+ 16  Siya ang tatahan sa mga kaitaasan;+ ang kaniyang magiging matibay na kaitaasan ay mga dakong mabato na mahirap puntahan.+ Ang kaniyang tinapay ay tiyak na mabibigay sa kaniya;+ ang kaniyang laang tubig ay di-kakapusin.”+ 17  Isang hari sa kaniyang kakisigan ang siyang mamamasdan ng iyong mga mata;+ makikita nila ang isang lupain sa malayo.+ 18  Ang iyong puso ay pabulong+ na sasambit tungkol sa isang nakatatakot na bagay: “Nasaan ang kalihim? Nasaan ang tagapagbayad?+ Nasaan ang bumibilang ng mga tore?”+ 19  Wala kang makikitang bayan na di-nagpapakundangan, isang bayan na napakalalim ng wika upang pakinggan, na may dilang nauutal na hindi mo maunawaan.+ 20  Masdan mo ang Sion,+ ang bayan ng ating mga kapistahan!+ Makikita ng iyong sariling mga mata ang Jerusalem bilang isang tahimik na tinatahanang dako, isang tolda na hindi ililigpit ninuman.+ Hindi kailanman mabubunot ang mga pantoldang tulos nito, at walang isa man sa mga lubid nito ang mapapatid.+ 21  Kundi doon ang Isa na Maringal,+ si Jehova, ay magiging isang dako ng mga ilog para sa atin,+ ng mga kanal na maluluwang. Doon ay walang pangkat ng mga barko ang paroroon, at walang maringal na barko ang tatawid doon. 22  Sapagkat si Jehova ang ating Hukom,+ si Jehova ang ating Tagapagbigay-batas,+ si Jehova ang ating Hari;+ siya ang magliligtas sa atin.+ 23  Ang iyong mga lubid ay makakalag; ang kanilang palo ay hindi nila maitatayong matatag; hindi sila naglaladlad ng layag. Sa panahong iyon ay paghahati-hatian nga ang maraming samsam; ang mga pilay mismo ay kukuha ng maraming bagay na madarambong.+ 24  At walang sinumang tumatahan ang magsasabi: “Ako ay may sakit.”+ Ang bayan na mananahanan sa lupain ay yaong mga pinagpaumanhinan sa kanilang kamalian.+

Talababa