Isaias 34:1-17

34  Lumapit kayong mga bansa upang makinig;+ at kayong mga liping pambansa+ ay magbigay-pansin. Makinig ang lupa at ang lahat ng naririto,+ ang mabungang lupain+ at lahat ng bunga nito.+  Sapagkat si Jehova ay may galit laban sa lahat ng mga bansa,+ at pagngangalit laban sa buong hukbo nila.+ Itatalaga niya sila sa pagkapuksa; ibibigay niya sila sa patayan.+  At ang mga napatay sa kanila ay itatapon; at kung tungkol sa kanilang mga bangkay, ang kanilang baho ay paiilanlang;+ at ang mga bundok ay matutunaw dahil sa kanilang dugo.+  At ang lahat ng nasa hukbo ng langit ay mabubulok.+ At ang langit ay ilululon,+ na parang balumbon ng aklat; at ang kanilang hukbo ay mangunguluntoy na lahat, kung paanong ang mga dahon ay nangunguluntoy at nalalagas sa punong ubas at gaya ng igos na nanguluntoy at nalagas sa puno ng igos.+  “Sapagkat sa langit ay tiyak na matitigmak ang aking tabak.+ Narito! Sa Edom iyon bababa,+ at sa bayan na itinalaga ko sa pagkapuksa+ ayon sa katarungan.  Si Jehova ay may tabak; mapupuno iyon ng dugo;+ iyon ay gagawing malangis sa taba, sa dugo ng mga batang barakong tupa at mga kambing na lalaki, sa taba+ ng mga bato ng mga barakong tupa. Sapagkat si Jehova ay may hain sa Bozra, at isang lansakang patayan sa lupain ng Edom.+  At ang mga torong gubat+ ay bababang kasama nila, at ang mga guyang toro kasama ng mga makapangyarihan;+ at ang kanilang lupain ay matitigmak sa dugo, at ang kanila mismong alabok ay gagawing malangis sa taba.”+  Sapagkat si Jehova ay may araw ng paghihiganti,+ isang taon ng mga kagantihan para sa usapin sa batas tungkol sa Sion.+  At ang kaniyang mga ilog ay magiging alkitran, at ang kaniyang alabok ay magiging asupre; at ang kaniyang lupain ay magiging gaya ng nagniningas na alkitran.+ 10  Sa gabi o sa araw ay hindi ito mamamatay; hanggang sa panahong walang takda ay patuloy na paiilanlang ang usok nito.+ Sa sali’t salinlahi ay magiging tigang siya;+ walang sinumang daraan sa kaniya magpakailan-kailanman.+ 11  At aariin siya ng pelikano at ng porcupino, at mga kuwagong may mahahabang tainga at mga uwak ang tatahan sa kaniya;+ at iuunat niya sa kaniya ang pising panukat+ ng kawalang-laman at ang mga bato ng pagkatiwangwang. 12  Ang kaniyang mga taong mahal—walang sinuman doon ang tatawagin nila sa pagkahari, at ang kaniya mismong mga prinsipe ay magiging walang kabuluhang lahat.+ 13  Sa kaniyang mga tirahang tore ay tutubo ang mga tinik, mga kulitis at matitinik na panirang-damo sa kaniyang mga nakukutaang dako;+ at siya ay magiging dakong tinatahanan ng mga chakal,+ ang looban ng mga avestruz.+ 14  At ang mga namamalagi sa mga pook na walang tubig ay makakasalubong ng mga hayop na nagpapalahaw, at maging ang hugis-kambing na demonyo+ ay tatawag sa kasama nito. Oo, doon nga magpapahingalay ang kandarapa at makasusumpong ng kaniyang pahingahang-dako.+ 15  Ang ahas-palaso ay doon namumugad at nangingitlog, at pipisain niya ang mga iyon at pipisanin sa kaniyang lilim. Oo, doon magtitipon ang mga lawing mandaragit,+ bawat isa kasama ng kaniyang kapareha. 16  Saliksikin ninyo sa aklat+ ni Jehova at basahin nang malakas: walang isa man sa kanila ang nawawala;+ hindi nga nawawalan ang bawat isa sa kanila ng kaniyang kapareha, sapagkat ang bibig nga ni Jehova ang nagbigay ng utos,+ at ang kaniyang espiritu ang nagtipon sa kanila.+ 17  At Siya ang nagpalabunutan para sa kanila, at ang kaniyang sariling kamay ang naghati-hati sa kanila ng dakong iyon ayon sa pising panukat.+ Hanggang sa panahong walang takda ay aariin nila iyon; sa sali’t salinlahi ay tatahan sila roon.

Talababa