Isaias 43:1-28
43 At ngayon ay ito ang sinabi ni Jehova, na iyong Maylalang,+ O Jacob, at iyong Tagapag-anyo,+ O Israel: “Huwag kang matakot, sapagkat tinubos kita.+ Aking tinawag ka sa iyong pangalan.+ Ikaw ay akin.+
2 Sakaling dumaan ka sa tubig,+ ako ay sasaiyo;+ at sa mga ilog, hindi ka aapawan ng mga iyon.+ Sakaling lumakad ka sa apoy, hindi ka mapapaso, ni bahagya ka mang susunugin ng liyab.+
3 Sapagkat ako ay si Jehova na iyong Diyos, ang Banal ng Israel na iyong Tagapagligtas.+ Ibinigay ko ang Ehipto bilang pantubos para sa iyo,+ ang Etiopia+ at ang Seba bilang kapalit mo.
4 Sa dahilang naging mahalaga ka sa aking paningin,+ itinuring kang marangal, at aking inibig ka.+ At magbibigay ako ng mga tao bilang kapalit mo, at ng mga liping pambansa bilang kapalit ng iyong kaluluwa.+
5 “Huwag kang matakot, sapagkat ako ay sumasaiyo.+ Mula sa sikatan ng araw ay dadalhin ko ang iyong binhi, at mula sa lubugan ng araw ay pipisanin kita.+
6 Sasabihin ko sa hilaga,+ ‘Bayaan mo!’ at sa timog, ‘Huwag mong pigilan. Dalhin mo ang aking mga anak na lalaki mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae mula sa dulo ng lupa,+
7 bawat isa na tinatawag sa aking pangalan+ at nilalang ko para sa aking kaluwalhatian,+ na inanyuan ko, oo, na ginawa ko.’+
8 “Ilabas mo ang isang bayan na bulag bagaman may mga mata, at ang mga bingi bagaman mayroon silang mga tainga.+
9 Mapisan sa isang dako ang lahat ng mga bansa, at matipon ang mga liping pambansa.+ Sino sa kanila ang makapagsasabi nito?+ O maiparirinig ba nila sa atin maging ang mga unang bagay?+ Iharap nila ang kanilang mga saksi,+ upang sila ay maipahayag na matuwid, o dinggin nila at sabihin, ‘Iyon ang katotohanan!’ ”+
10 “Kayo ang aking mga saksi,”+ ang sabi ni Jehova, “ang akin ngang lingkod na aking pinili,+ upang malaman ninyo+ at manampalataya kayo sa akin,+ at upang maunawaan ninyo na ako pa rin ang Isang iyon.+ Walang Diyos na inanyuang una sa akin,+ at pagkatapos ko ay wala pa ring sinuman.+
11 Ako—ako ay si Jehova,+ at bukod pa sa akin ay walang tagapagligtas.”+
12 “Ako ay nagpahayag at nagligtas at nagparinig niyaon,+ noong sa gitna ninyo ay walang kakaibang diyos.+ Kaya kayo ang aking mga saksi,”+ ang sabi ni Jehova, “at ako ang Diyos.+
13 Gayundin, sa lahat ng panahon ay ako pa rin ang Isang iyon;+ at walang sinumang nakapagliligtas mula sa aking kamay.+ Ako ay kikilos,+ at sino ang makapipigil nito?”+
14 Ito ang sinabi ni Jehova, na inyong Manunubos,+ ang Banal ng Israel:+ “Alang-alang sa inyo ay magsusugo ako sa Babilonya at pababagsakin ko ang mga halang ng mga bilangguan,+ at ang mga Caldeo sa mga barko na humihiyaw nang may paghihinagpis.+
15 Ako ay si Jehova na inyong Banal na Isa,+ ang Maylalang ng Israel,+ ang inyong Hari.”+
16 Ito ang sinabi ni Jehova, ang Isa na gumagawa ng daan sa mismong dagat at ng lansangan maging sa malalakas na tubig,+
17 ang Isa na naglalabas ng karong pandigma at ng kabayo, ng hukbong militar at niyaong malalakas nang magkakasabay:+ “Sila ay hihiga.+ Hindi sila babangon.+ Sila ay tiyak na papatayin.+ Sasawatain silang gaya ng linong mitsa.”+
18 “Huwag ninyong alalahanin ang mga unang bagay, at ang mga dating bagay ay huwag ninyong pag-isipan.
19 Narito! Gumagawa ako ng isang bagong bagay.+ Ngayon ay lilitaw iyon. Malalaman ninyo iyon, hindi ba?+ Tunay nga, sa ilang ay maglalagay ako ng isang daan,+ sa disyerto naman ay mga ilog.+
20 Luluwalhatiin ako ng mailap na hayop sa parang,+ ng mga chakal at mga avestruz;+ sapagkat magbibigay ako ng tubig maging sa ilang, ng mga ilog sa disyerto,+ upang painumin ang aking bayan, ang aking pinili,+
21 ang bayan na inanyuan ko para sa aking sarili, upang isalaysay nila ang aking kapurihan.+
22 “Ngunit hindi ka tumawag sa akin, O Jacob,+ sapagkat nanghimagod ka sa akin, O Israel.+
23 Hindi mo dinala sa akin ang mga tupa ng iyong mga buong handog na sinusunog, at sa pamamagitan ng iyong mga hain ay hindi mo ako niluwalhati.+ Hindi kita pinilit na maglingkod sa akin na may dalang kaloob, ni pinanghimagod man kita dahil sa olibano.+
24 Ako ay hindi mo ibinili ng matamis na kania+ sa anumang halaga ng salapi; at sa taba ng iyong mga hain ay hindi mo ako binusog.+ Sa katunayan ay pinilit mo akong maglingkod dahil sa iyong mga kasalanan; pinanghimagod mo ako sa iyong mga kamalian.+
25 “Ako—ako ang Isa na pumapawi+ sa iyong mga pagsalansang+ alang-alang sa akin,+ at ang iyong mga kasalanan ay hindi ko aalalahanin.+
26 Paalalahanan mo ako; magkasama nating ilagay sa paghatol ang ating sarili;+ ilahad mo ang iyong salaysay tungkol dito upang malagay ka sa tama.+
27 Ang iyong sariling ama, ang una, ay nagkasala,+ at ang iyong sariling mga tagapagsalita ay sumalansang laban sa akin.+
28 Kaya lalapastanganin ko ang mga prinsipe ng dakong banal, at ibibigay ko ang Jacob na gaya ng isang taong nakatalaga sa pagkapuksa at ang Israel sa mga salitang mapang-abuso.+