Isaias 54:1-17
54 “Humiyaw ka nang may kagalakan, ikaw na babaing baog na hindi nanganak!+ Magsaya kang may hiyaw ng kagalakan at sumigaw ka nang malakas,+ ikaw na hindi nagkaroon ng mga kirot ng panganganak,+ sapagkat ang mga anak niyaong pinabayaan ay mas marami kaysa sa mga anak ng babaing may asawang nagmamay-ari,”+ ang sabi ni Jehova.
2 “Paluwangin mo pa ang dako ng iyong tolda.+ At iunat nila ang mga pantoldang tela ng iyong maringal na tabernakulo. Huwag kang magpigil. Habaan mo ang iyong mga panaling pantolda, at patibayin mo ang iyong mga tulos na pantolda.+
3 Sapagkat sa gawing kanan at sa gawing kaliwa ay lalago ka,+ at aariin ng iyong sariling supling ang mga bansa,+ at tatahanan nila ang mga nakatiwangwang na lunsod.+
4 Huwag kang matakot,+ sapagkat hindi ka malalagay sa kahihiyan;+ at huwag kang mapahiya, sapagkat hindi ka mabibigo.+ Sapagkat malilimutan mo ang kahihiyan noong panahon ng iyong kabataan,+ at ang kadustaan ng iyong malaon nang pagkabalo ay hindi mo na maaalaala pa.”
5 “Sapagkat ang iyong Dakilang Maylikha+ ay iyong asawang nagmamay-ari,+ Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan;+ at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos.+ Ang Diyos ng buong lupa ang itatawag sa kaniya.+
6 Sapagkat tinawag ka ni Jehova na waring ikaw ay asawang babae na lubusang pinabayaan at sinaktan sa espiritu,+ at gaya ng asawang babae sa panahon ng kabataan+ na pagkatapos ay itinakwil,”+ ang sabi ng iyong Diyos.
7 “Sa kaunting sandali ay lubusan kitang pinabayaan,+ ngunit titipunin kita taglay ang malaking kaawaan.+
8 Sa bugso ng galit ay ikinubli ko mula sa iyo ang aking mukha nang sandali lamang,+ ngunit sa maibiging-kabaitan hanggang sa panahong walang takda ay maaawa ako sa iyo,”+ ang sabi ng iyong Manunubos,+ si Jehova.
9 “Ito ay gaya ng mga araw ni Noe sa akin.+ Kung paanong isinumpa ko na ang tubig ni Noe ay hindi na daraan sa ibabaw ng lupa,+ gayon ako sumumpa na hindi ako magagalit sa iyo ni sasawayin man kita.+
10 Sapagkat ang mga bundok ay maaalis, at ang mga burol ay makikilos,+ ngunit ang aking maibiging-kabaitan ay hindi aalisin sa iyo,+ ni makikilos man ang aking tipan ng kapayapaan,”+ ang sabi ni Jehova, ang Isa na naaawa sa iyo.+
11 “O babaing napipighati,+ ipinaghahagisan ng unos,+ di-naaaliw,+ narito, ilalatag ko sa pamamagitan ng matigas na argamasa ang iyong mga bato,+ at ang iyong pundasyon+ ay ilalatag ko na may mga safiro.+
12 At ang iyong mga moog ay gagawin kong yari sa mga rubi, at ang iyong mga pintuang-daan ay yari sa malaapoy at kumikinang na mga bato,+ at ang lahat ng iyong mga hangganan ay yari sa kalugud-lugod na mga bato.
13 At ang lahat ng iyong mga anak+ ay magiging mga taong naturuan ni Jehova,+ at ang kapayapaan ng iyong mga anak ay sasagana.+
14 Ikaw ay matibay na matatatag sa katuwiran.+ Malalayo ka sa paniniil+—sapagkat wala kang katatakutan—at sa anumang nakasisindak, sapagkat hindi ito lalapit sa iyo.+
15 Kung may sinumang dadaluhong, hindi iyon dahil sa utos ko.+ Ang sinumang dadaluhong sa iyo ay mabubuwal dahil nga sa iyo.”+
16 “Narito! Ako ang lumalang sa bihasang manggagawa, sa isa na humihihip+ sa apoy ng baga+ at naglalabas ng isang sandata bilang kaniyang gawa. Ako rin ang lumalang sa taong mapangwasak+ para sa gawaing panggigiba.
17 Anumang sandata na aanyuan laban sa iyo ay hindi magtatagumpay,+ at alinmang dila na gagalaw laban sa iyo sa paghatol ay hahatulan mo.+ Ito ang minanang pag-aari ng mga lingkod ni Jehova,+ at ang kanilang katuwiran ay mula sa akin,” ang sabi ni Jehova.+