Isaias 57:1-21
57 Ang matuwid ay namatay,+ ngunit walang sinumang nagsasapuso nito.+ At ang mga taong may maibiging-kabaitan ay napipisan sa mga patay,+ at walang sinumang nakauunawa na dahil nga sa kapahamakan kung kaya nahihiwalay ang matuwid.+
2 Pumapasok siya sa kapayapaan;+ nagpapahinga+ sila sa kanilang mga higaan,+ ang bawat isa na lumalakad nang matuwid.+
3 “Kung tungkol sa inyo, lumapit kayo rito,+ kayong mga anak ng babaing nanghuhula,+ na binhi ng isang taong mapangalunya at ng isang babaing nagpapatutot:+
4 Dahil kanino kung kaya kayo lubhang nagkakatuwaan?+ Laban kanino ninyo laging ibinubukang mabuti ang bibig, na laging inilalawit ang dila?+ Hindi ba kayo ang mga anak ng pagsalansang, ang binhi ng kabulaanan,+
5 yaong mga nagpapaalab ng pita sa gitna ng malalaking punungkahoy,+ sa ilalim ng bawat mayabong na punungkahoy,+ na pumapatay ng mga anak sa mga agusang libis sa ilalim ng mga awang ng malalaking bato?+
6 “Ang iyong takdang bahagi ay naroon sa makikinis na bato ng agusang libis.+ Sila—sila ang iyong bahagi.+ Bukod diyan, sa kanila ay nagbuhos ka ng handog na inumin,+ naghandog ka ng kaloob. Maaaliw ko ba ang aking sarili sa mga bagay na ito?+
7 Sa ibabaw ng bundok na mataas at matayog ay inilagay mo ang iyong higaan.+ Doon din ay umahon ka upang maghandog ng hain.+
8 At sa likuran ng pinto at ng poste ng pinto ay inilagay mo ang iyong pang-alaala.+ Sapagkat nang mahiwalay sa akin ay naghubad ka at umahon; pinaluwang mo ang iyong higaan.+ At sa ganang iyo ay nakipagtipan ka sa kanila. Inibig mo ang higaan kasama nila.+ Ang sangkap ng lalaki ay nakita mo.
9 At bumaba kang patungo sa Melec taglay ang langis, at patuloy mong pinarami ang iyong mga ungguento.+ At patuloy mong ipinadala sa malayo ang iyong mga sugo, anupat ibinaba mo sa Sheol+ ang mga bagay-bagay.
10 Sa karamihan ng iyong mga lakad ay nagpagal ka.+ Hindi mo sinabi, ‘Wala nang pag-asa!’ Nakasumpong ka ng pagpapanumbalik ng iyong lakas.+ Kaya naman hindi ka nagkasakit.+
11 “Kanino ka nangilabot at nagsimulang matakot,+ anupat nagsinungaling ka?+ Ngunit hindi ako ang inalaala mo.+ Wala kang isinapusong anuman.+ Hindi ba ako nananahimik at nagtatago ng mga bagay-bagay?+ Kaya hindi ka natakot sa akin.+
12 Ihahayag ko ang iyong katuwiran+ at ang iyong mga gawa,+ na hindi ka makikinabang sa mga iyon.+
13 Kapag humingi ka ng saklolo ay hindi ka ililigtas ng iyong natipong mga bagay,+ kundi isang hangin ang tatangay sa lahat ng mga iyon.+ Isang singaw ang kukuha ng mga iyon, ngunit yaong nanganganlong sa akin+ ay magmamana ng lupain at magmamay-ari ng aking banal na bundok.+
14 At tiyak na may magsasabi, ‘Tambakan ninyo, tambakan ninyo! Hawanin ninyo ang daan.+ Alisin ninyo ang anumang halang sa daan ng aking bayan.’ ”+
15 Sapagkat ito ang sinabi ng Isa na Mataas at Matayog,+ na tumatahan magpakailanman+ at may pangalang banal:+ “Tumatahan ako sa kaitaasan at sa dakong banal,+ kasama rin ng isa na nasisiil at may mapagpakumbabang espiritu,+ upang ipanumbalik ang espiritu ng mga maralita at upang ipanumbalik ang puso ng mga sinisiil.+
16 Sapagkat hindi ako makikipaglaban hanggang sa panahong walang takda, ni magagalit man ako nang walang hanggan;+ sapagkat dahil sa akin ay manghihina ang espiritu,+ maging ang mga nilalang na humihinga na ako mismo ang gumawa.+
17 “Dahil sa kamalian ng kaniyang di-tapat na pakinabang+ ay nagalit ako, at sinaktan ko siya, na ikinukubli ang aking mukha,+ habang ako ay nagagalit. Ngunit patuloy siyang lumakad na isang suwail+ ayon sa lakad ng kaniyang puso.
18 Nakita ko ang kaniya mismong mga lakad; at pinasimulan kong pagalingin siya+ at patnubayan siya+ at gumanti ng kaaliwan+ sa kaniya at sa kaniyang mga nagdadalamhati.”+
19 “Nilalalang ko ang bunga ng mga labi.+ Namamalaging kapayapaan ang tataglayin niyaong nasa malayo at niyaong nasa malapit,”+ ang sabi ni Jehova, “at pagagalingin ko siya.”+
20 “Ngunit ang mga balakyot ay gaya ng dagat na umaalimbukay, kapag hindi ito humuhupa, na ang tubig nito ay patuloy na nag-aalimbukay ng damong-dagat at lusak.
21 Walang kapayapaan,” ang sabi ng aking Diyos, “para sa mga balakyot.”+