Isaias 65:1-25
65 “Hinayaan kong hanapin+ ako niyaong mga hindi nagtanong tungkol sa akin.+ Hinayaan kong masumpungan ako niyaong mga hindi humanap sa akin.+ Sinabi ko, ‘Narito ako, narito ako!’+ sa isang bansa na hindi tumatawag sa aking pangalan.+
2 “Iniunat ko ang aking mga kamay nang buong araw sa isang sutil+ na bayan, yaong mga lumalakad sa daang hindi mabuti,+ ayon sa kanilang mga kaisipan;+
3 ang bayan na binubuo niyaong mga palaging gumagalit+ sa akin nang mukhaan, naghahain sa mga hardin+ at gumagawa ng haing usok+ sa ibabaw ng mga laryo,
4 umuupo sa gitna ng mga dakong libingan,+ na nagpapalipas din ng gabi sa mga kubong bantayan, kumakain ng karne ng baboy,+ at maging ang sabaw ng maruruming bagay+ ay nasa kanilang mga sisidlan;
5 yaong mga nagsasabi, ‘Diyan ka lamang. Huwag mo akong lapitan, sapagkat tiyak na mahahawahan kita ng kabanalan.’+ Ang mga ito ay usok sa mga butas ng aking ilong,+ isang apoy na nagniningas sa buong araw.+
6 “Narito! Nakasulat iyon sa harap ko.+ Hindi ako titigil,+ kundi maggagawad ako ng kagantihan;+ igagawad ko nga ang kagantihan sa kanilang dibdib,+
7 dahil sa kanilang sariling mga kamalian at dahil din naman sa mga kamalian ng kanilang mga ninuno,”+ ang sabi ni Jehova. “Sa dahilang gumawa sila ng haing usok sa ibabaw ng mga bundok, at sa ibabaw ng mga burol+ ay dinusta nila ako,+ susukatin ko rin muna sa kanilang dibdib ang kanilang kabayaran.”+
8 Ito ang sinabi ni Jehova: “Kung paanong ang bagong alak+ ay masusumpungan sa kumpol at may magsasabi, ‘Huwag mong sirain iyon,+ sapagkat may pagpapala roon,’+ gayon ang gagawin ko alang-alang sa aking mga lingkod upang hindi ko ipahamak ang lahat.+
9 At ilalabas ko mula sa Jacob ang isang supling+ at mula sa Juda ang tagapagmanang magmamay-ari ng aking mga bundok;+ at aariin iyon ng aking mga pinili,+ at ang aking mga lingkod ay tatahan doon.+
10 At ang Saron+ ay magiging pastulan para sa mga tupa+ at ang mababang kapatagan ng Acor+ naman ay pahingahang-dako para sa mga baka, para sa aking bayan na hahanap sa akin.+
11 “Ngunit kayo yaong mga umiiwan kay Jehova,+ yaong mga lumilimot sa aking banal na bundok,+ yaong mga nag-aayos ng mesa para sa diyos ng Suwerte+ at yaong mga nagbubuhos ng hinaluang alak para sa diyos ng Tadhana.+
12 At itatalaga ko kayo sa tabak,+ at kayong lahat ay yuyukod upang patayin;+ sa dahilang tumawag ako,+ ngunit hindi kayo sumagot; nagsalita ako, ngunit hindi kayo nakinig;+ at patuloy ninyong ginawa ang masama sa aking paningin,+ at ang bagay na hindi ko kinalugdan ay pinili ninyo.”+
13 Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Narito! Ang aking mga lingkod ay kakain,+ ngunit kayo ay magugutom.+ Narito! Ang aking mga lingkod ay iinom,+ ngunit kayo ay mauuhaw.+ Narito! Ang aking mga lingkod ay magsasaya,+ ngunit kayo ay mapapahiya.+
14 Narito! Ang aking mga lingkod ay hihiyaw nang may kagalakan dahil sa mabuting kalagayan ng puso,+ ngunit kayo ay daraing dahil sa kirot ng puso at magpapalahaw kayo dahil sa lubusang pagkabagbag ng espiritu.+
15 At tiyak na ihaharap ninyo ang inyong pangalan para sa isang sumpa ng aking mga pinili, at papatayin kayong isa-isa ng Soberanong Panginoong Jehova,+ ngunit ang kaniyang mga lingkod ay tatawagin niya sa ibang pangalan;+
16 anupat kung pagpapalain ng sinuman sa lupa ang kaniyang sarili ay pagpapalain niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng Diyos ng pananampalataya,+ at ang sinumang nanunumpa sa lupa ay susumpa sa pamamagitan ng Diyos ng pananampalataya;+ sapagkat ang mga dating kabagabagan ay malilimutan at sapagkat ang mga iyon ay makukubli mula sa aking mga mata.+
17 “Sapagkat narito, lumalalang ako ng mga bagong langit+ at ng isang bagong lupa;+ at ang mga dating bagay ay hindi aalalahanin,+ ni mapapasapuso man ang mga iyon.+
18 Ngunit magbunyi kayo+ at magalak magpakailanman sa aking nilalalang.+ Sapagkat narito, nilalalang ko ang Jerusalem bilang sanhi ng kagalakan at ang kaniyang bayan bilang sanhi ng pagbubunyi.+
19 At ako ay magagalak sa Jerusalem at magbubunyi sa aking bayan;+ at hindi na maririnig pa sa kaniya ang tinig ng pagtangis o ang tinig ng malungkot na hiyaw.”+
20 “Hindi na magkakaroon ng pasusuhin na iilang araw ang gulang mula sa dakong iyon,+ ni ng matanda man na hindi nakalulubos ng kaniyang mga araw;+ sapagkat ang isa ay mamamatay na isang bata pa, bagaman isang daang taon ang gulang; at kung tungkol sa makasalanan, bagaman isang daang taon ang gulang ay susumpain siya.+
21 At tiyak na magtatayo sila ng mga bahay at maninirahan sa mga iyon;+ at tiyak na magtatanim sila ng mga ubasan at kakainin ang bunga ng mga iyon.+
22 Hindi sila magtatayo at iba ang maninirahan; hindi sila magtatanim at iba ang kakain. Sapagkat magiging gaya ng mga araw ng punungkahoy ang mga araw ng aking bayan;+ at ang gawa ng kanilang sariling mga kamay ay lubusang tatamasahin ng aking mga pinili.+
23 Hindi sila magpapagal nang walang kabuluhan,+ ni manganganak man sila ukol sa kabagabagan;+ sapagkat sila ang supling na binubuo ng mga pinagpala ni Jehova,+ at ang kanilang mga inapo na kasama nila.+
24 At mangyayari nga na bago sila tumawag ay sasagot ako;+ samantalang sila ay nagsasalita pa, aking diringgin.+
25 “Ang lobo+ at ang kordero ay manginginaing magkasama,+ at ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro;+ at kung tungkol sa serpiyente, ang magiging pagkain niya ay alabok.+ Hindi sila mananakit+ ni maninira man sa aking buong banal na bundok,”+ ang sabi ni Jehova.