Job 11:1-20
11 At si Zopar na Naamatita+ ay sumagot at nagsabi:
2 “Hindi ba sasagutin ang karamihan ng mga salita,O malalagay ba sa tama ang isang hambog?
3 Mapatatahimik ba ng iyong walang-katuturang usap ang mga tao,At patuloy ka bang mang-aalipusta nang walang sinumang sasaway sa iyo?+
4 Gayundin, sinasabi mo, ‘Ang aking turo+ ay dalisay,At ako ay naging totoong malinis+ sa iyong paningin.’
5 Gayunma’y O kung ang Diyos lamang sana ay magsasalitaAt magbubuka ng kaniyang mga labi sa iyo!+
6 Kung magkagayon ay sasabihin niya sa iyo ang mga lihim ng karunungan,Sapagkat ang mga bagay na may praktikal na karunungan ay marami.Gayundin, malalaman mo na pinahihintulutan ng Diyos na malimutan ang ilan sa iyong pagkakamali.+
7 Matutuklasan mo ba ang malalalim na bagay ng Diyos,+O matutuklasan mo ba hanggang sa mismong kasukdulan ng Makapangyarihan-sa-lahat?
8 Iyon ay mas mataas kaysa sa langit. Ano ang iyong magagawa?Iyon ay mas malalim kaysa sa Sheol.+ Ano ang iyong malalaman?
9 Ang sukat niyaon ay mas mahaba kaysa sa lupa,At mas maluwang kaysa sa dagat.
10 Kung humayo siya at ibigay niya ang sinumanAt tumawag sa kahatulan, sino nga ang makapipigil sa kaniya?
11 Sapagkat kilalang-kilala niya ang mga taong di-tapat.+Kapag nakikita niya ang nakasasakit, hindi rin ba siya magbibigay-pansin?
12 Maging ang taong hungkag ang pag-iisip ay magkakaroon ng mabuting motiboKapag ang isang tulad-asnong sebra ay maipanganak na tao.
13 Kung talagang ihahanda mo ang iyong pusoAt iuunat mo nga sa kaniya ang iyong mga palad,+
14 Kung ang nakasasakit ay nasa iyong kamay, ilayo mo iyon,At huwag tumahan ang kalikuan sa iyong mga tolda.
15 Sapagkat kung magkagayon ay itataas mo ang iyong mukha nang walang kapintasan+At ikaw ay tiyak na matatatag, at hindi ka matatakot.
16 Sapagkat ikaw—ikaw ay makalilimot sa kabagabagan;Aalalahanin mo iyon na gaya ng tubig na dumaan.
17 At ang lawig+ ng iyong buhay ay sisikat nang mas maliwanag kaysa sa katanghaliang tapat;Ang kadiliman ay magiging tulad ng umaga.+
18 At ikaw ay magtitiwala sapagkat may pag-asa;At maingat kang titingin sa paligid—hihiga ka nang tiwasay.+
19 At hihiga ka nga, na walang sinumang magpapanginig sa iyo.At tiyak na paglulubagin ng maraming tao ang iyong kalooban;+
20 At ang mismong mga mata ng balakyot ay manlalabo;+At ang isang dakong matatakasan ay tiyak na maglalaho sa kanila,+At ang kanilang magiging pag-asa ay ang pagpanaw ng kaluluwa.”+