Job 14:1-22
14 “Ang tao, na ipinanganak ng babae,+Ay maikli ang buhay+ at lipos ng kaligaligan.+
2 Tulad ng bulaklak ay sumisibol siya at pinuputol,+At siya ay tumatakas na tulad ng anino+ at hindi nananatili.
3 Oo, sa isang ito ay idinilat mo ang iyong mata,At ako ay isinasama mo sa paghatol.+
4 Sino ang makapagpapalabas ng sinumang malinis mula sa sinumang marumi?+Walang isa man.
5 Kung ang kaniyang mga araw ay mapagpasiyahan,+Ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nasa iyo;Isang batas para sa kaniya ang ginawa mo na hindi niya malalampasan.
6 Alisin mo ang iyong pagkakatitig sa kaniya upang siya ay makapagpahinga,+Hanggang sa makasumpong siya ng kaluguran na gaya ng isang upahang trabahador sa kaniyang araw.
7 Sapagkat may pag-asa maging para sa isang punungkahoy.Kung ito ay puputulin, sisibol pa itong muli,+At ang sarili nitong sanga ay hindi mawawala.
8 Kung ang ugat nito ay tumanda na sa lupaAt sa alabok ay mamatay ang tuod nito,
9 Sa pagkaamoy ng tubig ay sisibol ito+At magkakaroon nga ito ng sanga na tulad ng bagong tanim.+
10 Ngunit ang matipunong lalaki ay namamatay at nalulupig;At ang makalupang tao ay pumapanaw, at nasaan siya?+
11 Ang tubig ay naglalaho nga mula sa dagat,At ang ilog ay humuhupa at natutuyo.+
12 Ang tao rin ay humihiga at hindi na bumabangon.+Hanggang sa mawala ang langit ay hindi sila gigising,+Ni maibabangon man sila mula sa kanilang pagkakatulog.+
13 O ikubli mo nawa ako sa Sheol,+Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa mapawi ang iyong galit,Na takdaan mo nawa ako ng hangganang panahon+ at alalahanin mo ako!+
14 Kung ang isang matipunong lalaki ay mamatay mabubuhay pa ba siyang muli?+Sa lahat ng mga araw ng aking sapilitang pagpapagal ay maghihintay ako,+Hanggang sa dumating ang aking kaginhawahan.+
15 Ikaw ay tatawag, at ako ay sasagot sa iyo.+Ang gawa ng iyong mga kamay ay mimithiin mo.
16 Sapagkat ngayon ay lagi mong binibilang ang mga hakbang ko;+Wala kang binabantayan kundi ang aking kasalanan.+
17 Natatatakan sa isang supot ang aking pagsalansang,+At naglalagay ka ng pandikit sa ibabaw ng aking kamalian.
18 Gayunman, ang isang bundok na gumuguho ay maglalaho,At maging ang isang bato ay maaalis mula sa dako nito.
19 Inaagnas nga ng tubig maging ang mga bato;At tinatangay ng buhos nito ang alabok ng lupa.Gayon mo sinisira ang mismong pag-asa ng taong mortal.
20 Pinananaigan mo siya magpakailanman anupat siya ay mawawala;+Pinasasamâ mo ang kaniyang mukha anupat pinayayaon mo siya.
21 Ang kaniyang mga anak ay pinararangalan, ngunit hindi niya iyon alam;+At sila ay nagiging walang-halaga, ngunit hindi niya sila pinag-iisipan.
22 Ang kaniyang laman lamang samantalang nasa kaniya ay laging kikirot,At ang kaniyang kaluluwa samantalang nasa kaniya ay laging magdadalamhati.”