Job 16:1-22
16 At si Job ay sumagot at nagsabi:
2 “Ako ay nakarinig na ng maraming bagay na tulad ng mga ito.Kayong lahat ay mapanligalig na mga mang-aaliw!+
3 May wakas ba ang mga salitang mahangin?+O ano ang nakayayamot sa iyo, anupat sumasagot ka?
4 Ako rin ay makapagsasalitang gaya ninyo.Kung ang inyong mga kaluluwa lamang sana ay nasa kinaroroonan ng aking kaluluwa,Ako ba ay magpapakahusay sa mga salita laban sa inyo,+At mag-iiling ba ako ng aking ulo laban sa inyo?+
5 Palalakasin ko kayo sa pamamagitan ng mga salita ng aking bibig,+At ang pang-aaliw ng aking mga labi ay pipigil—.
6 Kung magsasalita ako, ang aking kirot ay hindi napipigilan,+At kung titigil nga ako, ano ang naaalis sa akin?
7 Kaya lamang ay pinanghimagod niya ako ngayon;+Ginawa niyang kaaba-aba ang lahat ng nakikipagtipon sa akin.
8 Sinusunggaban mo rin ako. Iyon ay naging isang saksi,+Kung kaya ang aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin. Sa aking mukha ay nagpapatotoo iyon.
9 Niluray ako ng kaniyang galit, at nagkikimkim siya ng matinding poot+ laban sa akin.Pinagngangalit nga niya ang kaniyang mga ngipin laban sa akin.+Pinanlilisik ng aking kalaban ang kaniyang mga mata laban sa akin.+
10 Ibinuka nilang mabuti ang kanilang bibig laban sa akin,+May pandurusta nilang sinampal ang aking mga pisngi,Maramihan silang nagpipisan laban sa akin.+
11 Ibinibigay ako ng Diyos sa mga batang lalaki,At sa mga kamay ng mga balakyot ay inihahagis niya ako nang buong lakas.+
12 Ako ay naging panatag, ngunit niyugyog niya ako;+At sinunggaban niya ako sa batok at dinurog ako,At inilalagay niya ako bilang kaniyang tudlaan.
13 Pinalilibutan ako ng kaniyang mga mamamana;+Binibiyak niya ang aking mga bato+ at hindi siya nahahabag;Ibinubuhos niya ang aking apdo sa mismong lupa.
14 Ginigiba niya ako sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagbutas;Dinadaluhong niya akong tulad ng isang makapangyarihan.+
15 Nagtahi ako ng telang-sako+ sa ibabaw ng aking balat,At ibinaon ko ang aking sungay sa mismong alabok.+
16 Ang aking mukha ay namula dahil sa pagtangis,+At sa talukap ng aking mga mata ay may matinding karimlan,+
17 Bagaman walang karahasan sa aking mga palad,At ang aking panalangin ay dalisay.+
18 O lupa, huwag mong takpan ang aking dugo!+At huwag nawang magkaroon ng dako para sa aking pagdaing!
19 At gayundin, narito! sa langit ay may nagpapatotoo tungkol sa akin,At ang aking saksi ay nasa kaitaasan.+
20 Ang aking mga kasamahan ay mga tagapagsalita laban sa akin;+Sa Diyos ay tumingin ang aking mata nang may pagpupuyat.+
21 At ang pasiya ay gagawin sa pagitan ng isang matipunong lalaki at ng Diyos,Gaya niyaong sa pagitan ng isang anak ng tao at ng kaniyang kasamahan.+
22 Sapagkat ilang taon na lamang ang darating,At yayaon ako sa landas na hindi ko babalikan.+