Job 17:1-16
17 “Ang aking espiritu ay nalugmok,+ ang aking mga araw ay naubos;Ang dakong libingan ay para sa akin.+
2 Tiyak na may panlilibak sa akin,+At ang aking mata ay tumatahan sa gitna ng kanilang mapaghimagsik na paggawi.
3 Pakisuyo, ilagay mo ang aking panagot sa iyo.+Sino pa ang makikipagkamay+ sa akin bilang panata?
4 Sapagkat ang kanilang puso ay isinara mo sa pagkaunawa.+Kaya naman hindi mo sila itinataas.
5 Maaaring sabihin niya sa mga kasamahan na kunin ang kanilang mga bahagi,Ngunit ang mismong mga mata ng kaniyang mga anak ay manlalabo.+
6 At ginawa niya akong isang kasabihan+ ng mga bayan,Anupat ako ay naging isang taong dinuduraan sa mukha.+
7 At dahil sa kaligaligan ay lumalabo ang aking mata+At ang lahat ng aking mga sangkap ay tulad ng anino.
8 Ang mga taong matuwid ay tumititig sa pagkamangha rito,At maging ang walang-sala ay nababagabag dahil sa apostata.
9 Ang matuwid ay patuloy na nanghahawakang mahigpit sa kaniyang lakad,+At ang may malilinis na kamay+ ay patuloy na nadaragdagan ng lakas.+
10 Gayunman, kayong lahat ay maaaring magpatuloy. Kaya halikayo, pakisuyo,Yamang wala akong masumpungang marunong sa gitna ninyo.+
11 Ang aking mga araw ay lumipas,+ ang aking mga plano ay nasira,+Ang mga naisin ng aking puso.
12 Ang gabi ay lagi nilang ipinapalit sa araw:+‘Ang liwanag ay malapit dahil sa kadiliman.’
13 Kung patuloy akong maghihintay, ang Sheol ang aking bahay;+Sa kadiliman+ ay kailangan kong ilatag ang aking higaan.
14 Sa hukay+ ay kailangan kong tumawag, ‘Ikaw ang aking ama!’Sa uod,+ ‘Aking ina at aking kapatid na babae!’
15 Kaya nasaan nga ang aking pag-asa?+At ang aking pag-asa—sino ang nakakakita nito?
16 Sa mga halang ng Sheol ay lulusong sila,Kapag tayo, sama-samang lahat, ay bababa sa mismong alabok.”+