Job 21:1-34
21 At si Job ay sumagot at nagsabi:
2 “Makinig kayong mabuti sa aking salita,At ito nawa ang maging inyong kaaliwan.
3 Pagtiisan ninyo ako, at ako ay magsasalita;At pagkatapos kong magsalita ay maaari nang mang-alipusta ang bawat isa sa inyo.+
4 Kung tungkol sa akin, ang pagkabahala ko ba ay ipinahahayag sa tao?O bakit hindi naiinip ang aking espiritu?
5 Ibaling ninyo sa akin ang inyong mga mukha at tumitig kayo sa pagkamangha,At itakip ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig.+
6 At kung naaalaala ko, ako rin ay nababagabag,At ang pangangatog ay nananaig sa aking laman.
7 Bakit nga ba patuloy na nabubuhay ang mga balakyot,+Tumatanda, nagiging nakahihigit din sa yaman?+
8 Ang kanilang supling ay matibay na nakatatag na kasama nila sa kanilang paningin,At ang kanilang mga inapo sa harap ng kanilang mga mata.
9 Ang kanilang mga bahay ay kapayapaan, na malaya sa panghihilakbot,+At ang pamalo ng Diyos ay wala sa kanila.
10 Ang kaniyang toro ay nagpapangyari nga ng panganganak, at hindi ito nagsasayang ng semilya;Ang kaniyang baka ay nagluluwal+ at hindi nakukunan.
11 Pinayayaon nila ang kanilang mga batang lalaki na parang isang kawan,At ang kanilang mga anak na lalaki ay naglululukso.
12 Patuloy nilang inilalakas ang kanilang tinig kasabay ng tamburin at ng alpa,+At patuloy silang nagsasaya sa tunog ng pipa.
13 Ginugugol nila ang kanilang mga araw sa kaginhawahan,+At sa isang sandali ay bumababa sila sa Sheol.
14 At sinasabi nila sa tunay na Diyos, ‘Lumayo ka sa amin!+At sa pagkaalam sa iyong mga lakad ay hindi kami nalulugod.+
15 Ano ba ang halaga ng Makapangyarihan-sa-lahat, upang paglingkuran natin siya,+At paano tayo makikinabang sa pakikipagtalastasan natin sa kaniya?’+
16 Narito! Ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang sariling kapangyarihan.+Ang mismong payo ng mga balakyot ay malayo sa akin.+
17 Ilang ulit na pinapatay ang lampara ng mga balakyot,+At ilang ulit na dumarating sa kanila ang kanilang kasakunaan?Ilang ulit na dahil sa kaniyang galit ay nagbabahagi siya ng kapuksaan?+
18 Sila ba ay nagiging tulad ng dayami sa harap ng hangin,+At tulad ng ipa na tinangay ng bagyong hangin?
19 Iimbakin ng Diyos ang pananakit ng isa para sa kaniyang sariling mga anak;+Gagantihan niya siya upang malaman niya iyon.+
20 Makikita ng kaniyang mga mata ang kaniyang pagkasira,At mula sa pagngangalit ng Makapangyarihan-sa-lahat ay iinom siya.+
21 Sapagkat ano ang magiging kaluguran niya sa kaniyang bahay pagkatapos niya,Kapag ang bilang ng kaniyang mga buwan ay mahahati nga sa dalawa?+
22 Magtuturo ba siya ng kaalaman maging sa Diyos,+Gayong Siya mismo ang humahatol sa matataas?+
23 Ang isang ito ay mamamatay habang lubusan niyang nasasapatan ang kaniyang sarili,+Kapag siya ay kapuwa malaya sa alalahanin at panatag;
24 Kapag ang kaniyang mga hita ay napuno ng tabaAt ang mismong utak ng kaniyang mga buto ay nananatiling sariwa.
25 At ang isang ito naman ay mamamatay na may mapait na kaluluwaYamang hindi siya nakakain ng mabubuting bagay.+
26 Magkasama silang hihiga sa alabok+At tatakpan sila ng mga uod.+
27 Narito! Alam na alam ko ang mga kaisipan ninyoAt ang mga pakana ninyo upang mandahas sa akin.+
28 Sapagkat sinasabi ninyo, ‘Nasaan ang bahay ng taong marangal,At nasaan ang tolda, ang mga tabernakulo ng mga balakyot?’+
29 Hindi ba ninyo tinanong yaong mga naglalakbay sa mga daan?At hindi ba ninyo sinisiyasat nang buong ingat ang kanila mismong mga tanda,
30 Na sa araw ng kasakunaan ay pinaliligtas ang masama,+Sa araw ng poot ay inililigtas siya?
31 Sino ang magsasabi sa kaniya ng tungkol sa kaniyang lakad nang mukhaan?+At dahil sa kaniyang ginawa ay sino ang gaganti sa kaniya?+
32 Kung tungkol sa kaniya, sa dakong libingan siya dadalhin,+At sa puntod ay may magbabantay.
33 Sa kaniya ay tiyak na magiging matamis ang mga kimpal ng lupa ng agusang libis,+At kakaladkarin niyang kasunod niya ang buong sangkatauhan,+At yaong mga nauna sa kaniya ay walang bilang.
34 Kaya walang anumang kabuluhan ang pagsisikap ninyong aliwin ako,+At ang inyo mismong mga tugon ay nananatiling kawalang-katapatan!”