Job 31:1-40

31  “Nakipagtipan ako sa aking mga mata.+Kaya paano ako makapagbibigay-pansin sa isang dalaga?+   At anong takdang bahagi ang mula sa Diyos sa itaas,+O mana mula sa Makapangyarihan-sa-lahat mula sa kaitaasan?   Wala bang kasakunaan para sa manggagawa ng kamalian,+At kasawian para sa mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit?   Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad+At binibilang maging ang lahat ng mga hakbang ko?   Kung lumakad akong kasama ng mga taong bulaan,+At ang aking paa ay nagmamadali patungo sa panlilinlang,+   Titimbangin niya ako sa hustong timbangan+At malalaman ng Diyos ang aking katapatan.+   Kung ang aking hakbang ay lumihis sa daan,+O kung ang aking puso ay lumakad ayon lamang sa aking mga mata,+O kung may anumang depektong dumikit sa aking mga palad,+   Paghasikin ako ng binhi at iba ang pakainin,+At mabunot ang aking sariling mga inapo.   Kung ang aking puso ay naakit sa isang babae,+At lagi akong nag-aabang+ sa mismong pasukang-daan ng aking kasamahan, 10  Ipaggiling ng aking asawa ang ibang lalaki,At sa ibabaw niya ay paluhurin ang ibang mga lalaki.+ 11  Sapagkat iyon ay mahalay na paggawi,At iyon ay kamalian na dapat asikasuhin ng mga hukom.+ 12  Sapagkat iyon ay isang apoy na lalamon hanggang sa pagkapuksa,+At sa gitna ng lahat ng aking ani ay mag-uugat iyon. 13  Kung pinagkaitan ko noon ng katarungan ang aking aliping lalakiO ang aking aliping babae sa kanilang usapin sa batas laban sa akin, 14  Kung magkagayon ay ano ang magagawa ko kapag ang Diyos ay bumabangon?At kapag humihingi siya ng pagsusulit, ano ang maisasagot ko sa kaniya?+ 15  Hindi ba ang Isa na lumikha sa akin sa tiyan ang lumikha sa kaniya,+At hindi ba Isa lamang ang naghanda sa amin sa bahay-bata? 16  Kung ipinagkakait ko noon sa mga maralita ang kanilang kinalulugdan,+At ang mga mata ng babaing balo ay pinalalabo ko,+ 17  At mag-isa kong kinakain noon ang aking subo ng pagkain,Habang ang batang lalaking walang ama ay hindi kumakain mula roon+ 18  (Sapagkat mula nang aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko na waring may ama,At mula sa tiyan ng aking ina ay patuloy ko siyang pinapatnubayan); 19  Kung nakakakita ako noon ng mamamatay na dahil sa kawalan ng kasuutan,+O na ang dukha ay walang pantakip; 20  Kung hindi ako pinagpala+ ng kaniyang mga balakang,Ni sa ginupit na balahibo+ man ng aking mga batang barakong tupa ay nakapagpapainit siya; 21  Kung ikinaway ko ang aking kamay laban sa batang lalaking walang ama,+Kapag nakikita kong kailangan ang aking tulong sa pintuang-daan,+ 22  Malaglag na sana ang aking paypay mula sa balikat nito,At mabali na sana ang aking bisig mula sa buto nito sa itaas. 23  Sapagkat ang kasakunaan na mula sa Diyos ay isang panghihilakbot sa akin,At laban sa kaniyang dangal+ ay hindi ako makatatagal. 24  Kung itinuturing ko ang ginto bilang aking pag-asa,O sa ginto ay sinasabi ko, ‘Ikaw ang aking tiwala!’+ 25  Kung nagsasaya ako noon dahil ang aking ari-arian ay marami,+At dahil ang aking kamay ay nakasumpong ng maraming bagay;+ 26  Kung tinitingnan ko noon ang liwanag kapag ito ay sumisinag,O ang maringal na buwan habang lumalakad,+ 27  At ang aking puso ay nagsimulang maakit sa lihim+At ang aking kamay ay humalik sa aking bibig, 28  Iyon din ay kamalian na dapat asikasuhin ng mga hukom,Sapagkat para ko na ring ikinaila ang tunay na Diyos sa itaas. 29  Kung nagsasaya ako noon sa pagkalipol niyaong masidhing napopoot sa akin,+O natuwa ako dahil nasumpungan siya ng kasamaan— 30  At hindi ko pinahintulutang magkasala ang aking ngalangalaSa paghiling ng isang sumpa laban sa kaniyang kaluluwa.+ 31  Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi,‘Sino ang makapaghaharap ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain?’+ 32  Sa labas ay walang naninirahang dayuhan ang nagpapalipas ng gabi;+Ang aking mga pinto ay pinanatili kong bukás sa landas. 33  Kung tulad ng makalupang tao ay tinakpan ko ang aking mga pagsalansang+Sa pamamagitan ng pagtatago ng aking kamalian sa bulsa ng aking damit— 34  Sapagkat magigitla ako sa malaking pulutong,O mangingilabot ako sa panghahamak ng mga pamilyaAt ako ay mananahimik, hindi ako lalabas sa pasukan. 35  O kung sana ay may nakikinig sa akin,+Na ayon sa aking lagda ay sasagutin ako ng Makapangyarihan-sa-lahat!+O kung sumulat sana ng isang dokumento ang taong kalaban ko sa usapin sa batas! 36  Tiyak na sa aking balikat ay papasanin ko iyon;Ibibigkis ko iyon sa akin tulad ng isang maringal na korona. 37  Ang bilang ng aking mga hakbang ay sasabihin ko sa kaniya;+Tulad ng isang lider ay lalapitan ko siya. 38  Kung laban sa akin ay hihingi ng saklolo ang aking sariling lupa,At magkakasamang tatangis ang mga tudling nito; 39  Kung ang mga bunga nito ay kinain ko nang walang salapi,+At ang kaluluwa ng mga may-ari nito ay pinahingal ko,+ 40  Sa halip na trigo ay bayaang tumubo ang matinik na panirang-damo,+At sa halip na sebada ay mababahong panirang-damo.”Ang mga salita ni Job ay natapos na.

Talababa