Job 33:1-33

33  “Gayunman, O Job, pakisuyong dinggin mo ang aking mga salita,At sa lahat ng aking pananalita ay makinig ka.   Masdan, pakisuyo! Kailangan kong ibuka ang aking bibig;Ang aking dila pati na ang aking ngalangala+ ay kailangang magsalita.   Ang aking mga pananalita ang siyang katuwiran ng aking puso,+At kaalaman ang sinasabi ng aking mga labi nang may kataimtiman.+   Nilikha ako ng espiritu ng Diyos,+At binuhay ako ng hininga ng Makapangyarihan-sa-lahat.+   Kung kaya mo, sagutin mo ako,Magsaayos ka ng mga salita sa harap ko; tumayo ka.   Narito! Ako ay gaya mo rin sa tunay na Diyos;+Hinubog ako mula sa luwad,+ ako man.   Narito! Walang kakilabutan sa akin ang sisindak sa iyo,At walang panggigipit+ mula sa akin ang magiging mabigat sa iyo.   Gayunma’y sinabi mo sa aking pandinig,At ang tinig ng iyong mga salita ay lagi kong naririnig,   ‘Ako ay dalisay at walang pagsalansang;+Malinis ako, at wala akong kamalian.+ 10  Narito! Nakasusumpong siya ng mga pagkakataon upang salansangin ako,Itinuturing niya akong kaaway niya.+ 11  Inilalagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan,+Binabantayan niya ang lahat ng aking mga landas.’+ 12  Narito! Dito ay wala ka sa tama,+ sasagot ako sa iyo;Sapagkat ang Diyos ay lubhang nakahihigit sa taong mortal.+ 13  Bakit ka nakipagtalo laban sa kaniya,+Dahil sa hindi niya sinasagot ang lahat ng iyong mga salita?+ 14  Sapagkat ang Diyos ay nagsasalita nang minsan,At makalawang ulit+—bagaman hindi iyon pinapansin ng isa— 15  Sa panaginip,+ sa isang pangitain+ sa gabi,Kapag sumasapit sa mga tao ang mahimbing na tulog,Kapag umiidlip sa higaan.+ 16  Sa panahong iyon ay binubuksan niya ang pandinig ng mga tao,+At sa payo sa kanila ay inilalagay niya ang kaniyang tatak, 17  Upang ihiwalay ang tao mula sa kaniyang gawa,+At upang maikubli niya ang pagmamapuri+ mula sa matipunong lalaki. 18  Pinipigilan niya ang kaniyang kaluluwa sa pagkahulog sa hukay+At ang kaniyang buhay sa pagpanaw sa pamamagitan ng suligi.+ 19  At siya ay sinasaway nga na may kirot sa kaniyang higaan,At ang pag-aaway ng kaniyang mga buto ay patuluyan. 20  At ginagawa ngang karima-rimarim ng kaniyang buhay ang tinapay,+At ng kaniyang kaluluwa ang kanais-nais na pagkain. 21  Ang kaniyang laman ay natutuyot mula sa paningin,At ang kaniyang mga buto na hindi nakikita ay talagang nahahantad. 22  At ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay,+At ang kaniyang buhay doon sa mga pumapatay. 23  Kung may mensahero para sa kaniya,Isang tagapagsalita, isa sa isang libo,Upang sabihin sa tao ang kaniyang katuwiran, 24  Kung magkagayon ay lilingapin niya siya at sasabihin,‘Sagipin siya mula sa pagkababa sa hukay!+Nakasumpong ako ng pantubos!+ 25  Maging higit na sariwa pa ang kaniyang laman kaysa noong kabataan;+Mabalik siya sa mga araw ng lakas ng kaniyang kabataan.’+ 26  Mamamanhik siya sa Diyos upang kalugdan siya nito,+At makikita niya ang kaniyang mukha taglay ang mga sigaw ng kagalakan,At isasauli Niya sa taong mortal ang Kaniyang katuwiran. 27  Siya ay aawit sa mga tao at magsasabi,‘Nagkasala ako;+ at ang matuwid ay binaluktot ko,At hindi nga iyon ang nararapat para sa akin. 28  Tinubos niya ang aking kaluluwa mula sa pagparoon sa hukay,+At makikita ng aking buhay ang liwanag.’ 29  Narito! Ang lahat ng bagay na ito ay isinasagawa ng Diyos,Dalawang ulit, tatlong ulit, para sa matipunong lalaki, 30  Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay,+Upang maliwanagan siya ng liwanag niyaong mga buháy.+ 31  Magbigay-pansin ka, O Job! Makinig ka sa akin!Tumahimik ka, at ako ay patuloy na magsasalita. 32  Kung may mga salitang sasabihin, sagutin mo ako;Magsalita ka, sapagkat ako ay nalugod sa iyong katuwiran. 33  Kung wala, ikaw ay makinig sa akin;+Tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.”

Talababa