Job 35:1-16

35  At si Elihu ay patuloy na sumagot at nagsabi:   “Ito ba ang itinuturing mo na katarungan?Sinabi mo, ‘Ang aking katuwiran ay higit kaysa sa Diyos.’+   Sapagkat sinasabi mo, ‘Ano ang silbi nito sa iyo?+Ano ang pakinabang ko na higit kaysa sa aking pagkakasala?’+   Ako ang tutugon sa iyoAt sa iyong mga kasamahang+ kapiling mo.   Tumingala ka sa langit+ at tingnan mo,At masdan mo ang mga ulap,+ na ang mga iyon ay talagang mas mataas kaysa sa iyo.   Kung magkakasala ka nga, ano ang nagawa mo laban sa kaniya?+At kung dumami nga ang iyong mga pagsalansang, ano ang nagagawa mo sa kaniya?   Kung ikaw ay talagang nasa tama, ano ang ibinibigay mo sa kaniya,O ano ang tinatanggap niya mula sa iyong kamay?+   Ang iyong kabalakyutan ay maaaring laban sa isang tao na tulad mo,+At ang iyong katuwiran sa isang anak ng makalupang tao.+   Dahil sa dami ng paniniil ay lagi silang humihingi ng saklolo;+Lagi silang humihingi ng tulong dahil sa bisig ng mga dakila.+ 10  Gayunman ay walang sinumang nagsasabi, ‘Nasaan ang Diyos na aking Dakilang Maylikha,+Ang Isa na nagbibigay ng mga awitin sa gabi?’+ 11  Siya ang Isa na nagtuturo+ sa atin nang higit kaysa sa mga hayop sa lupa,+At ginagawa niya tayong mas marunong kaysa sa mga lumilipad na nilalang sa langit. 12  Doon ay lagi silang dumaraing, ngunit hindi siya sumasagot,+Dahil sa pagmamapuri+ ng masasama. 13  Ang kabulaanan lamang ang hindi dinirinig ng Diyos,+At hindi iyon minamasdan+ ng Makapangyarihan-sa-lahat. 14  Gaano pa kaya kapag sinasabi mong hindi mo siya nakikita!+Ang usapin sa batas ay nasa harap niya, kung kaya dapat mo siyang hintayin nang may pagkabalisa.+ 15  At ngayon yamang ang kaniyang galit ay hindi humihingi ng pagsusulit,+Hindi rin siya nagbibigay-pansin sa labis na pagpapadalus-dalos.+ 16  At ibinubukang mabuti ni Job ang kaniyang bibig nang wala namang kabuluhan;Nagpaparami siya ng mga salita nang walang kaalaman.”+

Talababa