Juan 10:1-42

10  “Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo, Siya na hindi pumapasok sa kulungan ng tupa sa pamamagitan ng pinto+ kundi umaakyat sa iba pang dako, ang isang iyon ay isang magnanakaw at isang mandarambong.+  Ngunit siya na pumapasok sa pamamagitan ng pinto+ ay pastol+ ng mga tupa.+  Ang bantay-pinto+ ay nagbubukas sa isang ito, at ang mga tupa+ ay nakikinig sa kaniyang tinig, at tinatawag niya ang kaniyang sariling mga tupa sa pangalan at inaakay silang palabas.  Kapag nailabas na niya ang lahat ng sa kaniya, humahayo siya sa unahan nila, at ang mga tupa ay sumusunod+ sa kaniya, sapagkat kilala nila ang kaniyang tinig.+  Ang ibang tao ay hindi nga nila susundan kundi tatakas+ mula sa kaniya, sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng ibang mga tao.”+  Sinalita ni Jesus sa kanila ang paghahambing na ito; ngunit hindi nila nalaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na sinasalita niya sa kanila.+  Sa gayon ay sinabing muli ni Jesus: “Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pinto+ ng mga tupa.  Ang lahat niyaong mga dumating na kahalili ko ay mga magnanakaw at mga mandarambong;+ ngunit ang mga tupa ay hindi nakikinig sa kanila.+  Ako ang pinto;+ ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas, at papasok siya at lalabas at makasusumpong ng pastulan.+ 10  Ang magnanakaw+ ay hindi pumaparito malibang upang magnakaw at pumatay at pumuksa.+ Ako ay pumarito upang magkaroon sila ng buhay at magkaroon nito nang sagana. 11  Ako ang mabuting pastol;+ ibinibigay ng mabuting pastol ang kaniyang kaluluwa alang-alang sa mga tupa.+ 12  Ang taong upahan,+ na hindi pastol at hindi sa kaniya ang mga tupa, ay nakakakita na dumarating ang lobo at iniiwan ang mga tupa at tumatakas—at inaagaw sila ng lobo at pinangangalat sila+ 13  sapagkat siya ay isang taong upahan+ at hindi nagmamalasakit sa mga tupa.+ 14  Ako ang mabuting pastol, at kilala ko ang aking mga tupa+ at kilala ako ng aking mga tupa,+ 15  kung paanong kilala ako ng Ama at kilala ko ang Ama;+ at ibinibigay ko ang aking kaluluwa alang-alang sa mga tupa.+ 16  “At mayroon akong ibang mga tupa,+ na hindi sa kulungang ito;+ ang mga iyon din ay dapat kong dalhin, at makikinig sila sa aking tinig,+ at sila ay magiging isang kawan, isang pastol.+ 17  Ito ang dahilan kung bakit ako iniibig ng Ama,+ sapagkat ibinibigay ko ang aking kaluluwa,+ upang tanggapin ko itong muli. 18  Walang tao ang kumuha nito sa akin, kundi ibinibigay ko ito sa sarili kong pagkukusa. May awtoridad ako na ibigay ito, at may awtoridad ako na tanggapin itong muli.+ Ang utos+ tungkol dito ay tinanggap ko mula sa aking Ama.” 19  Muli ay isang pagkakabaha-bahagi+ ang naganap sa gitna ng mga Judio dahil sa mga salitang ito. 20  Marami sa kanila ang nagsasabi: “Siya ay may demonyo+ at baliw. Bakit kayo nakikinig sa kaniya?” 21  Ang iba ay nagsasabi: “Hindi ito mga pananalita ng isang taong inaalihan ng demonyo. Ang isang demonyo ay hindi makapagdidilat ng mga mata ng mga taong bulag, hindi ba?” 22  Nang panahong iyon ang kapistahan ng pag-aalay ay naganap sa Jerusalem. Panahon noon ng taglamig, 23  at si Jesus ay naglalakad sa templo sa kolonada ni Solomon.+ 24  Sa gayon ay pumalibot sa kaniya ang mga Judio at nagsimulang magsabi sa kaniya: “Hanggang kailan mo ibibitin sa alinlangan ang aming mga kaluluwa? Kung ikaw ang Kristo,+ sabihin mo sa amin nang tahasan.”+ 25  Sumagot si Jesus sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo, at gayunma’y hindi kayo naniniwala. Ang mga gawa na aking ginagawa sa pangalan ng aking Ama, ang mga ito ang nagpapatotoo tungkol sa akin.+ 26  Ngunit hindi kayo naniniwala, sapagkat hindi ko kayo mga tupa.+ 27  Ang aking mga tupa+ ay nakikinig sa aking tinig, at kilala ko sila, at sumusunod sila sa akin.+ 28  At binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan,+ at hindi nga sila mapupuksa kailanman,+ at walang sinumang aagaw sa kanila mula sa aking kamay.+ 29  Ang ibinigay sa akin ng aking Ama+ ay mas dakila kaysa sa lahat ng iba pang bagay,+ at walang sinuman ang makaaagaw sa kanila mula sa kamay ng Ama.+ 30  Ako at ang Ama ay iisa.”+ 31  Minsan pa ang mga Judio ay dumampot ng mga bato upang batuhin siya.+ 32  Si Jesus ay tumugon sa kanila: “Nagtanghal ako sa inyo ng maraming maiinam na gawa mula sa Ama. Alin sa mga gawang iyon ang dahilan kung kaya ninyo ako babatuhin?” 33  Sumagot ang mga Judio sa kaniya: “Babatuhin ka namin, hindi dahil sa mainam na gawa, kundi dahil sa pamumusong,+ sapagkat ikaw nga, bagaman isang tao ay ginagawa mong diyos ang iyong sarili.”+ 34  Sumagot si Jesus sa kanila: “Hindi ba nakasulat sa inyong Kautusan,+ ‘Ako ay nagsabi: “Kayo ay mga diyos” ’?+ 35  Kung tinawag niya na ‘mga diyos’+ yaong mga laban sa kanila ay dumating ang salita ng Diyos, at gayunma’y hindi mapawawalang-bisa ang Kasulatan,+ 36  sinasabi ba ninyo sa akin na pinabanal ng Ama at isinugo sa sanlibutan, ‘Namumusong ka,’ sapagkat sinabi ko, Ako ang Anak ng Diyos?+ 37  Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa+ ng aking Ama, huwag kayong maniwala sa akin. 38  Ngunit kung ginagawa ko ang mga iyon, kahit na hindi kayo naniniwala sa akin, maniwala kayo sa mga gawa,+ upang inyong malaman at patuloy na malaman na ang Ama ay kaisa ko at ako ay kaisa ng Ama.”+ 39  Sa gayon ay tinangka nilang dakpin siyang muli;+ ngunit nakalayo siya mula sa kanilang mga kamay.+ 40  Kaya umalis siyang muli patungo sa kabila ng Jordan sa dako kung saan nagbabautismo si Juan+ noong una, at nanatili siya roon. 41  At maraming tao ang pumaroon sa kaniya, at nagsimula silang magsabi: “Si Juan, sa katunayan, ay hindi gumawa ng isa mang tanda, ngunit gaanuman karaming mga bagay ang sinabi ni Juan tungkol sa taong ito ay totoong lahat.”+ 42  At marami ang nanampalataya sa kaniya roon.+

Talababa