Juan 11:1-57

11  May isa ngang lalaking may sakit, si Lazaro ng Betania, mula sa nayon ni Maria at ni Marta+ na kapatid nito.  Ito, sa katunayan, ang Maria na nagpahid sa Panginoon ng mabangong langis+ at nagpunas ng kaniyang mga paa sa pamamagitan ng kaniyang buhok,+ na ang kapatid na si Lazaro ay may sakit.  Sa gayon ang kaniyang mga kapatid na babae ay nagpasugo ng salita sa kaniya, na sinasabi: “Panginoon, tingnan mo! yaong minamahal+ mo ay may sakit.”  Ngunit nang marinig iyon ni Jesus ay sinabi niya: “Ang sakit na ito ay hindi ukol sa kamatayan, kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos,+ upang ang Anak ng Diyos ay luwalhatiin sa pamamagitan nito.”  Iniibig nga ni Jesus si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro.  Gayunman, nang marinig niyang may sakit ito, nang magkagayon ay nanatili pa siya ng dalawang araw sa dakong kinaroroonan niya.  At pagkatapos nito ay sinabi niya sa mga alagad: “Pumunta tayong muli sa Judea.”  Sinabi ng mga alagad sa kaniya: “Rabbi,+ kamakailan lamang ay pinagtangkaan kang batuhin+ ng mga Judeano, at pupunta ka bang muli roon?”  Sumagot si Jesus: “May labindalawang oras na liwanag ng araw, hindi ba? Kung ang sinuman ay naglalakad sa liwanag ng araw+ ay hindi siya bumabangga sa anuman, dahil nakikita niya ang liwanag ng sanlibutang ito. 10  Ngunit kung ang sinuman ay naglalakad sa gabi,+ siya ay may nababangga, dahil ang liwanag ay wala sa kaniya.” 11  Sinabi niya ang mga bagay na ito, at pagkatapos nito ay sinabi niya sa kanila: “Si Lazaro na ating kaibigan ay namamahinga, ngunit maglalakbay ako patungo roon upang gisingin siya mula sa pagkakatulog.”+ 12  Sa gayon ay sinabi ng mga alagad sa kaniya: “Panginoon, kung namamahinga siya, siya ay gagaling.” 13  Gayunman, si Jesus ay nagsalita tungkol sa kaniyang kamatayan. Ngunit inakala nilang nagsasalita siya tungkol sa pamamahinga sa pagtulog. 14  Kaya nga, nang pagkakataong iyon ay sinabi ni Jesus sa kanila nang tahasan: “Si Lazaro ay namatay,+ 15  at nagsasaya ako dahil sa inyo na wala ako roon, upang kayo ay maniwala. Ngunit puntahan natin siya.” 16  Sa gayon si Tomas, na tinatawag na Ang Kambal, ay nagsabi sa kaniyang mga kapuwa alagad: “Humayo rin tayo, upang mamatay tayong kasama niya.”+ 17  Dahil dito nang dumating si Jesus, nasumpungan niyang apat na araw na itong nasa alaalang libingan.+ 18  Ang Betania nga ay malapit sa Jerusalem sa layong mga tatlong kilometro. 19  Alinsunod dito ay marami sa mga Judio ang pumaroon kina Marta at Maria upang aliwin+ sila may kinalaman sa kanilang kapatid. 20  Sa gayon si Marta, nang marinig niyang dumarating si Jesus, ay sumalubong sa kaniya; ngunit si Maria+ ay nanatiling nakaupo sa tahanan. 21  Sa gayon ay sinabi ni Marta kay Jesus: “Panginoon, kung narito ka lamang noon ay hindi sana namatay ang aking kapatid.+ 22  At gayunman sa kasalukuyan, alam kong gaanuman karaming bagay ang hingin mo sa Diyos+ ay ibibigay sa iyo ng Diyos.” 23  Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ang iyong kapatid ay babangon.”+ 24  Sinabi ni Marta sa kaniya: “Alam kong babangon siya sa pagkabuhay-muli+ sa huling araw.” 25  Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ako ang pagkabuhay-muli at ang buhay.+ Siya na nananampalataya sa akin, kahit na mamatay siya, ay mabubuhay;+ 26  at ang bawat isa na nabubuhay at nananampalataya sa akin ay hindi na kailanman mamamatay.+ Pinaniniwalaan mo ba ito?” 27  Sinabi niya sa kaniya: “Oo, Panginoon; naniniwala ako na ikaw ang Kristo na Anak ng Diyos, ang Isa na darating sa sanlibutan.”+ 28  At nang masabi na niya ito, umalis siya at tinawag si Maria na kaniyang kapatid, na sinasabi nang palihim: “Ang Guro+ ay naririto at tinatawag ka.” 29  Ang huling nabanggit, nang marinig niya ito, ay dali-daling tumindig at pumaroon sa kaniya. 30  Sa katunayan, si Jesus ay hindi pa nakararating sa nayon, kundi naroon pa rin siya sa dako kung saan siya sinalubong ni Marta. 31  Sa gayon ang mga Judio na kasama niyang nasa bahay+ at umaaliw sa kaniya, sa pagkakitang si Maria ay dali-daling tumindig at lumabas, ay sumunod sa kaniya, na inaakalang paroroon siya sa alaalang libingan+ upang tumangis doon. 32  At sa gayon si Maria, nang dumating siya sa kinaroroonan ni Jesus at makita siya, ay sumubsob sa paanan niya, na sinasabi sa kaniya: “Panginoon, kung narito ka lamang noon, hindi sana namatay ang aking kapatid.”+ 33  Sa gayon, si Jesus, nang makita niyang tumatangis siya at tumatangis ang mga Judio na sumama sa kaniya, ay dumaing sa espiritu at nabagabag;+ 34  at sinabi niya: “Saan ninyo siya inilagay?” Sinabi nila sa kaniya: “Panginoon, halika at tingnan mo.” 35  Si Jesus ay lumuha.+ 36  Sa gayon ay nagsimulang magsabi ang mga Judio: “Tingnan ninyo kung gaano niya siya kamahal!”+ 37  Ngunit ang ilan sa kanila ay nagsabi: “Hindi ba nakaya ng taong ito na nagdilat ng mga mata+ ng taong bulag na pigilan ang pagkamatay ng isang ito?” 38  Kaya si Jesus, pagkatapos na muling dumaing sa loob niya, ay pumaroon sa alaalang libingan.+ Sa katunayan, iyon ay isang yungib, at isang bato+ ang nakatakip doon. 39  Sinabi ni Jesus: “Alisin ninyo ang bato.”+ Si Marta, ang kapatid ng namatay, ay nagsabi sa kaniya: “Panginoon, sa ngayon ay nangangamoy na siya, sapagkat apat na araw na.” 40  Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Hindi ko ba sinabi sa iyo na kung maniniwala ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”+ 41  Sa gayon ay inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa langit+ ang kaniyang mga mata at nagsabi: “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo na dininig mo ako.+ 42  Totoo, alam ko na lagi mo akong dinirinig; ngunit dahil sa pulutong+ na nakatayo sa palibot ay nagsalita ako, upang maniwala sila na isinugo mo ako.”+ 43  At nang masabi na niya ang mga bagay na ito, sumigaw siya sa malakas na tinig: “Lazaro, lumabas ka!”+ 44  Ang taong namatay ay lumabas na ang kaniyang mga paa at mga kamay ay natatalian ng mga pambalot,+ at ang kaniyang mukha ay nababalutan ng tela. Sinabi ni Jesus sa kanila: “Kalagan ninyo siya at payaunin siya.” 45  Sa gayon ay marami sa mga Judio na nagsiparoon kay Maria at nakakita sa kaniyang ginawa ang nanampalataya sa kaniya;+ 46  ngunit ang ilan sa kanila ay umalis patungo sa mga Pariseo at sinabi sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus.+ 47  Dahil dito ay tinipon ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang Sanedrin+ at nagsimulang magsabi: “Ano ang ating gagawin, sapagkat ang taong ito ay gumagawa ng maraming tanda?+ 48  Kung pababayaan natin siya nang ganito, silang lahat ay mananampalataya sa kaniya,+ at darating ang mga Romano+ at kukunin kapuwa ang ating dako+ at ang ating bansa.” 49  Ngunit isa sa kanila, si Caifas, na siyang mataas na saserdote nang taóng iyon,+ ang nagsabi sa kanila: “Wala kayong anumang nalalaman, 50  at hindi kayo nangangatuwiran na para sa inyong kapakinabangan na ang isang tao ay mamatay+ alang-alang sa bayan at upang hindi mapuksa ang buong bansa.”+ 51  Gayunman, hindi niya ito sinabi mula sa kaniyang sarili; kundi dahil sa siya ang mataas na saserdote nang taóng iyon, inihula niya na si Jesus ay itinalagang mamatay para sa bansa, 52  at hindi lamang para sa bansa, kundi upang ang mga anak ng Diyos na nakapangalat+ ay matipon din niya sa isa.+ 53  Sa gayon mula nang araw na iyon ay nagsanggunian silang patayin siya.+ 54  Kaya si Jesus ay hindi na naglibot nang hayagan+ sa gitna ng mga Judio,+ kundi lumisan siya mula roon patungo sa lupaing malapit sa ilang, sa isang lunsod na tinatawag na Efraim,+ at doon ay nanatili siya kasama ng mga alagad. 55  Ang paskuwa+ nga ng mga Judio ay malapit na, at maraming tao ang umahon mula sa lupaing iyon patungo sa Jerusalem bago magpaskuwa upang maglinis ng kanilang sarili sa seremonyal na paraan.+ 56  Sa gayon ay hinanap nila si Jesus at sinabi nila sa isa’t isa habang nakatayo sila sa paligid ng templo: “Ano ang palagay ninyo? Na talagang hindi siya darating sa kapistahan?” 57  At nangyari, ang mga punong saserdote at ang mga Pariseo ay nagbigay ng mga utos na kung may sinumang makaalam kung nasaan siya, dapat niyang ibunyag iyon, upang madakip nila siya.

Talababa