Juan 12:1-50

12  Alinsunod dito, anim na araw bago magpaskuwa, si Jesus ay dumating sa Betania,+ na kinaroroonan ni Lazaro+ na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay.  Sa gayon ay naghanda sila roon ng hapunan para sa kaniya, at si Marta+ ay naglilingkod,+ ngunit si Lazaro ay isa sa mga kasama niyang nakahilig sa mesa.+  Nang magkagayon, kumuha si Maria ng isang librang mabangong langis, tunay na nardo,+ napakamamahalin, at pinahiran niya ang mga paa ni Jesus at pinunasan ang kaniyang mga paa ng kaniyang buhok.+ Ang bahay ay napuno ng samyo ng mabangong langis.  Ngunit si Hudas Iscariote,+ isa sa kaniyang mga alagad, na malapit nang magkanulo sa kaniya, ay nagsabi:  “Bakit hindi ipinagbili ang mabangong+ langis na ito sa tatlong daang denario at ibinigay sa mga taong dukha?”+  Gayunman, sinabi niya ito hindi dahil sa nababahala siya sa mga dukha, kundi dahil isa siyang magnanakaw+ at nasa kaniya ang kahon ng salapi+ at dati na niyang kinukuha ang mga salaping inilalagay roon.  Sa gayon ay sinabi ni Jesus: “Pabayaan ninyo siya, upang magampanan niya ito para sa araw ng aking libing.+  Sapagkat ang mga dukha+ ay lagi ninyong kasama, ngunit ako ay hindi ninyo laging makakasama.”  Sa gayon ay isang malaking pulutong ng mga Judio ang nakaalam na naroon siya, at pumaroon sila, hindi lamang dahil kay Jesus, kundi upang makita rin si Lazaro, na ibinangon niya mula sa mga patay.+ 10  Ang mga punong saserdote ngayon ay nagsangguniang patayin din si Lazaro,+ 11  sapagkat dahil sa kaniya ay marami sa mga Judio ang pumaparoon at nananampalataya kay Jesus.+ 12  Nang sumunod na araw ang malaking pulutong na pumaroon sa kapistahan, nang marinig nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem, 13  ay kumuha ng mga sanga ng mga puno ng palma+ at lumabas upang salubungin siya. At nagsimula silang sumigaw:+ “Magligtas ka, aming dalangin sa iyo!+ Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ni Jehova,+ samakatuwid baga’y ang hari+ ng Israel!” 14  Ngunit nang masumpungan ni Jesus ang isang batang asno+ ay umupo siya rito, gaya ng nasusulat: 15  “Huwag kang matakot, anak na babae ng Sion. Narito! Ang iyong hari ay dumarating,+ nakaupo sa bisiro ng isang asno.”+ 16  Ang mga bagay na ito ay hindi binigyang-pansin ng kaniyang mga alagad noong una,+ ngunit nang luwalhatiin na si Jesus,+ nang magkagayon ay naalaala nila na ang mga bagay na ito ay nakasulat may kaugnayan sa kaniya at na ginawa nila sa kaniya ang mga bagay na ito.+ 17  Alinsunod dito ang pulutong na kasama niya nang tawagin niya si Lazaro+ mula sa alaalang libingan at ibangon ito mula sa mga patay ay patuloy na nagpapatotoo.+ 18  Dahil dito ang pulutong, sapagkat narinig nilang ginawa niya ang tandang ito,+ ay sumalubong din sa kaniya. 19  Sa gayon ay sinabi ng mga Pariseo+ sa kani-kanilang sarili: “Nakikita ninyo na talagang wala kayong napapalâ riyan. Tingnan ninyo! Ang sanlibutan ay sumunod na sa kaniya.”+ 20  Mayroon ngang ilang Griego+ na kasama ng mga umahon upang sumamba sa kapistahan. 21  Sa gayon, lumapit ang mga ito kay Felipe+ na mula sa Betsaida ng Galilea, at nagsimula silang humiling sa kaniya, na sinasabi: “Ginoo, nais naming makita si Jesus.”+ 22  Pumaroon si Felipe at sinabi kay Andres. Pumaroon si Andres at si Felipe at sinabi kay Jesus. 23  Ngunit sumagot si Jesus sa kanila, na sinasabi: “Dumating na ang oras upang luwalhatiin+ ang Anak ng tao. 24  Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang ang isang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, nananatili itong isang butil lamang; ngunit kung ito ay mamatay,+ kung gayon ay namumunga ito ng marami. 25  Siya na may paggiliw sa kaniyang kaluluwa ang pupuksa nito, ngunit siya na napopoot sa kaniyang kaluluwa+ sa sanlibutang ito ang mag-iingat nito para sa buhay na walang hanggan.+ 26  Kung ang sinuman ay maglilingkod sa akin, sumunod siya sa akin, at kung saan ako naroon ay doroon din ang aking lingkod.+ Kung ang sinuman ay maglilingkod sa akin, pararangalan siya ng Ama.+ 27  Ngayon ay nababagabag ang aking kaluluwa,+ at ano ang sasabihin ko? Ama, iligtas mo ako mula sa oras na ito.+ Gayunpaman, ito ang dahilan kung bakit ako dumating sa oras na ito. 28  Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” Sa gayon ay isang tinig+ ang nanggaling sa langit: “Kapuwa ko ito niluwalhati at luluwalhatiing muli.”+ 29  Kaya ang pulutong na nakatayo sa paligid at nakarinig nito ay nagsabing kumulog nga. Ang iba ay nagsabi: “Isang anghel ang nagsalita sa kaniya.” 30  Bilang sagot ay sinabi ni Jesus: “Ang tinig na ito ay dumating, hindi dahil sa akin, kundi dahil sa inyo.+ 31  Ngayon ay may paghatol sa sanlibutang ito; ngayon ay palalayasin+ ang tagapamahala ng sanlibutang ito.+ 32  At gayunman, kung itataas+ ako mula sa lupa, ilalapit ko sa akin ang lahat ng uri ng tao.”+ 33  Talagang sinasabi niya ito upang ipahiwatig kung anong uri ng kamatayan ang malapit na niyang ikamatay.+ 34  Sa gayon ay sumagot sa kaniya ang pulutong: “Narinig namin mula sa Kautusan na ang Kristo ay nananatili magpakailanman;+ at paano ngang sinasabi mo na ang Anak ng tao ay kailangang itaas?+ Sino itong Anak ng tao?”+ 35  Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa kanila: “Ang liwanag ay mapapasagitna ninyo nang kaunting panahon pa. Lumakad kayo habang nasa inyo ang liwanag, upang hindi manaig sa inyo ang kadiliman;+ at siya na lumalakad sa kadiliman ay hindi nakaaalam kung saan siya paroroon.+ 36  Habang nasa inyo ang liwanag, manampalataya kayo sa liwanag, upang maging mga anak ng liwanag.”+ Sinalita ni Jesus ang mga bagay na ito at umalis at nagtago mula sa kanila. 37  Ngunit bagaman nakagawa na siya ng napakaraming tanda sa harap nila, hindi sila nananampalataya sa kaniya, 38  anupat natupad ang salita ni Isaias na propeta na sinabi niya: “Jehova, sino ang nanampalataya sa bagay na narinig namin?+ At kung tungkol sa bisig ni Jehova, kanino ito naisiwalat?”+ 39  Ang dahilan kung bakit sila hindi makapaniwala ay sapagkat muling sinabi ni Isaias: 40  “Binulag niya ang kanilang mga mata at pinatigas niya ang kanilang mga puso,+ upang hindi nila makita ng kanilang mga mata at makuha ng kanilang mga puso ang diwa at manumbalik at mapagaling ko nga sila.”+ 41  Sinabi ni Isaias ang mga bagay na ito sapagkat nakita nito ang kaniyang kaluwalhatian,+ at nagsalita ito tungkol sa kaniya. 42  Gayunpaman, marami maging sa mga tagapamahala ang talagang nanampalataya sa kaniya,+ ngunit dahil sa mga Pariseo ay hindi nila siya ipinapahayag, upang hindi sila matiwalag mula sa sinagoga;+ 43  sapagkat inibig nila ang kaluwalhatian ng tao nang higit pa kaysa sa kaluwalhatian ng Diyos.+ 44  Gayunman, sumigaw si Jesus at nagsabi: “Siya na nananampalataya sa akin ay nananampalataya, hindi lamang sa akin, kundi sa kaniya rin na nagsugo sa akin;+ 45  at siya na nakakakita sa akin ay nakakakita rin sa kaniya na nagsugo sa akin.+ 46  Ako ay pumarito bilang liwanag sa sanlibutan,+ upang ang bawat isa na nananampalataya sa akin ay hindi manatili sa kadiliman.+ 47  Ngunit kung ang sinuman ay dumirinig sa aking mga pananalita at hindi tumutupad sa mga iyon, hindi ko siya hinahatulan; sapagkat ako ay pumarito, hindi upang hatulan ang sanlibutan,+ kundi upang iligtas ang sanlibutan.+ 48  Siya na nagwawalang-halaga sa akin at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita ay may isa na hahatol sa kaniya. Ang salita+ na sinalita ko ang hahatol sa kaniya sa huling araw; 49  sapagkat hindi ako nagsalita udyok ng aking sarili, kundi ang Ama na nagsugo sa akin ang mismong nagbigay sa akin ng utos kung ano ang sasabihin at kung ano ang sasalitain.+ 50  Gayundin, alam kong ang kaniyang utos ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan.+ Samakatuwid ang mga bagay na aking sinasalita, kung paanong ang mga iyon ay sinabi sa akin ng Ama, gayon ko rin sinasalita ang mga iyon.”+

Talababa