Juan 17:1-26

17  Sinalita ni Jesus ang mga bagay na ito, at, pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit,+ sinabi niya: “Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong anak, upang luwalhatiin ka ng iyong anak,+  kung paanong binigyan mo siya ng awtoridad sa lahat ng laman,+ upang may kinalaman sa buong bilang na ibinigay mo sa kaniya+ ay mabigyan niya sila ng buhay na walang hanggan.+  Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan,+ ang kanilang pagkuha ng kaalaman+ tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos,+ at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.+  Niluwalhati+ kita sa lupa, nang matapos ang gawa na ibinigay mo sa akin upang gawin.+  Kaya ngayon ikaw, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyong piling ng kaluwalhatiang tinaglay ko sa iyong piling bago pa ang sanlibutan.+  “Inihayag ko ang iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan.+ Sila ay sa iyo, at ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita.  Nalaman na nila ngayon na ang lahat ng bagay na ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo;  sapagkat ang mga pananalitang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila,+ at tinanggap nila ang mga iyon at talagang nalaman na lumabas ako bilang iyong kinatawan,+ at naniwala sila na isinugo mo ako.+  Humihiling ako may kinalaman sa kanila; humihiling ako, hindi may kinalaman sa sanlibutan,+ kundi may kinalaman doon sa mga ibinigay mo sa akin; sapagkat sila ay sa iyo, 10  at ang lahat ng bagay na akin ay sa iyo at ang iyo ay sa akin,+ at ako ay niluwalhati na sa gitna nila. 11  “Gayundin, wala na ako sa sanlibutan, ngunit sila ay nasa sanlibutan+ at paroroon ako sa iyo. Amang Banal, bantayan mo sila+ dahil sa iyong sariling pangalan na ibinigay mo sa akin, upang sila ay maging isa na gaya natin.+ 12  Noong kasama nila ako ay binabantayan ko sila+ dahil sa iyong sariling pangalan na ibinigay mo sa akin; at iningatan ko sila, at walang isa man sa kanila ang napuksa+ maliban sa anak ng pagkapuksa,+ upang matupad ang kasulatan.+ 13  Ngunit ngayon ay paroroon ako sa iyo, at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanlibutan upang ang aking kagalakan ay mapasakanila nang lubusan.+ 14  Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita, ngunit ang sanlibutan ay napoot+ sa kanila, sapagkat hindi sila bahagi ng sanlibutan, kung paanong ako ay hindi bahagi ng sanlibutan.+ 15  “Humihiling ako sa iyo, hindi upang alisin sila sa sanlibutan, kundi upang bantayan sila dahil sa isa na balakyot.+ 16  Hindi sila bahagi ng sanlibutan,+ kung paanong ako ay hindi bahagi ng sanlibutan.+ 17  Pabanalin+ mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang iyong salita+ ay katotohanan.+ 18  Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, isinugo ko rin sila sa sanlibutan.+ 19  At pinababanal ko ang aking sarili alang-alang sa kanila, upang sila rin ay mapabanal+ sa pamamagitan ng katotohanan. 20  “Humihiling ako, hindi lamang may kinalaman sa mga ito, kundi may kinalaman din sa mga nananampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita;+ 21  upang silang lahat ay maging isa,+ kung paanong ikaw, Ama, ay kaisa ko at ako ay kaisa mo,+ upang sila rin ay maging kaisa natin,+ upang ang sanlibutan ay maniwala na isinugo mo ako.+ 22  Gayundin, ibinigay ko sa kanila ang kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin, upang sila ay maging isa kung paanong tayo ay iisa.+ 23  Ako ay kaisa nila at ikaw ay kaisa ko, upang mapasakdal sila sa isa,+ upang ang sanlibutan ay magkaroon ng kaalaman na isinugo mo ako at na inibig mo sila kung paanong inibig mo ako. 24  Ama, kung tungkol sa ibinigay mo sa akin, nais kong, kung nasaan ako, sila rin ay makasama ko,+ upang makita ang aking kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin, sapagkat inibig mo ako bago pa ang pagkakatatag+ ng sanlibutan.+ 25  Amang Matuwid,+ tunay ngang hindi ka nakilala ng sanlibutan;+ ngunit nakilala kita, at nalaman ng mga ito na isinugo mo ako.+ 26  At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan+ at ipakikilala ito, upang ang pag-ibig na inibig mo sa akin ay mapasakanila at ako ay maging kaisa nila.”+

Talababa