Lucas 24:1-53

24  Gayunman, nang unang araw ng sanlinggo ay maagang-maaga silang pumaroon sa libingan, na dala ang mga espesya na inihanda nila.+  Ngunit nasumpungan nila na ang bato ay iginulong mula sa alaalang libingan,+  at nang pumasok sila ay hindi nila nasumpungan ang katawan ng Panginoong Jesus.+  Habang naguguluhan sila tungkol dito, narito! dalawang lalaki na may nagniningning na pananamit ang tumayo sa tabi nila.+  Nang ang mga babae ay matakot at panatilihing nakatungo sa lupa ang kanilang mga mukha, ang mga lalaki ay nagsabi sa kanila: “Bakit ninyo hinahanap sa mga patay ang Isa na buháy?  [[Wala siya rito, kundi ibinangon na.]]+ Alalahanin ninyo kung paano siya nagsalita sa inyo noong naroon pa siya sa Galilea,+  na sinasabi na ang Anak ng tao ay kailangang maibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan at maibayubay at gayunma’y babangon sa ikatlong araw.”+  Sa gayon ay naalaala nila ang kaniyang mga pananalita,+  at bumalik sila mula sa alaalang libingan at iniulat ang lahat ng mga bagay na ito sa labing-isa at sa lahat ng iba pa.+ 10  Sila ay ang Magdalenang si Maria, at si Juana,+ at si Maria na ina ni Santiago. Gayundin, ang iba pang mga babae+ na kasama nila ay nagsabi sa mga apostol ng mga bagay na ito. 11  Gayunman, ang mga pananalitang ito ay waring walang kabuluhan sa kanila at ayaw nilang paniwalaan+ ang mga babae. 12  [[Ngunit si Pedro ay tumindig at tumakbo patungo sa alaalang libingan, at, pagyuko, ang nakita lamang niya ay ang mga benda. Kaya umalis siya, na nagtataka sa loob niya tungkol sa bagay na naganap.]] 13  Ngunit, narito! nang mismong araw na iyon ay naglalakbay ang dalawa sa kanila patungo sa isang nayon na mga labing-isang kilometro ang layo mula sa Jerusalem at pinanganlang Emaus, 14  at pinag-uusapan nila ang tungkol sa lahat ng mga bagay+ na ito na nangyari. 15  At habang nag-uusap sila at nagtatalo, si Jesus mismo ay lumapit+ at nagsimulang lumakad na kasama nila; 16  ngunit ang kanilang mga mata ay napipigilan upang hindi siya makilala.+ 17  Sinabi niya sa kanila: “Ano itong mga bagay na pinagtatalunan ninyo sa isa’t isa habang kayo ay naglalakad?” At huminto sila na may malulungkot na mukha. 18  Bilang sagot ay sinabi sa kaniya niyaong isa na nagngangalang Cleopas: “Nananahanan ka bang mag-isa bilang dayuhan sa Jerusalem kung kaya hindi mo alam ang mga bagay na naganap sa kaniya nang mga araw na ito?” 19  At sinabi niya sa kanila: “Anong mga bagay?” Sinabi nila sa kaniya: “Ang mga bagay may kinalaman kay Jesus na Nazareno,+ na naging isang propetang+ makapangyarihan sa gawa at salita sa harap ng Diyos at ng lahat ng mga tao; 20  at kung paanong ibinigay siya ng aming mga punong saserdote at mga tagapamahala sa hatol na kamatayan at ibinayubay siya.+ 21  Ngunit inaasahan namin na ang taong ito ang siyang itinalagang magligtas sa Israel;+ oo, at bukod pa sa lahat ng mga bagay na ito, ito na ang ikatlong araw mula nang maganap ang mga bagay na ito. 22  Isa pa, pinanggilalas din kami ng ilang mga babae+ mula sa amin, sapagkat maaga silang pumaroon sa alaalang libingan 23  ngunit hindi nasumpungan ang kaniyang katawan at dumating silang nagsasabi na nakakita rin sila ng isang kahima-himalang tanawin ng mga anghel, na nagsabing buháy siya. 24  Karagdagan pa, ang ilan sa mga kasama namin ay pumaroon sa alaalang libingan;+ at nasumpungan nila itong gayon, gaya ng sinabi ng mga babae, ngunit hindi nila siya nakita.” 25  Nang magkagayon ay sinabi niya sa kanila: “O mga hangal at mababagal ang puso na maniwala sa lahat ng mga bagay na sinalita ng mga propeta!+ 26  Hindi ba kailangang ang Kristo ay magdusa+ ng mga bagay na ito at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?”+ 27  At pasimula kay Moises+ at sa lahat ng mga Propeta+ ay binigyang-kahulugan niya sa kanila ang mga bagay na may kinalaman sa kaniyang sarili sa lahat ng Kasulatan. 28  Sa wakas ay malapit na sila sa nayon na kanilang nilalakbay, at gumawi siya na para bang maglalakbay pa siya nang mas malayo. 29  Ngunit pinilit nila siya, na sinasabi: “Manuluyan ka sa amin, sapagkat malapit nang gumabi at ang araw ay nagtapos na.” Nang magkagayon ay pumasok siya upang manuluyang kasama nila. 30  At habang nakahilig siyang kasama nila sa kainan ay kinuha niya ang tinapay, pinagpala ito, pinagputul-putol at pinasimulang ibigay sa kanila.+ 31  Sa gayon ay lubusang nadilat ang kanilang mga mata at nakilala nila siya; at naglaho siya mula sa kanila.+ 32  At sinabi nila sa isa’t isa: “Hindi ba nagniningas ang ating mga puso habang nagsasalita siya sa atin sa daan, habang lubusan niyang binubuksan ang Kasulatan sa atin?” 33  At nang mismong oras na iyon ay tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem, at nasumpungan nila ang labing-isa at yaong mga kasama nila na nagkakatipon, 34  na nagsasabi: “Katotohanan ngang ibinangon ang Panginoon at nagpakita siya kay Simon!”+ 35  At sila rin ay naglahad ng mga pangyayari sa daan at kung paanong nakilala nila siya sa pamamagitan ng pagpuputul-putol ng tinapay.+ 36  Habang pinag-uusapan nila ang mga bagay na ito siya mismo ay tumayo sa gitna nila [[at nagsabi sa kanila: “Sumainyo nawa ang kapayapaan.”]] 37  Ngunit sa dahilang nasindak sila, at natakot,+ inakala nilang nakakita sila ng isang espiritu. 38  Kaya sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo nababagabag, at bakit sumisibol sa inyong mga puso ang mga pag-aalinlangan? 39  Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, na ako mismo ito; hipuin+ ninyo ako at tingnan, sapagkat ang isang espiritu ay walang laman at mga buto+ gaya ng namamasdan ninyong taglay ko.” 40  [[At habang sinasabi niya ito ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa.]] 41  Ngunit samantalang hindi pa sila naniniwala+ dahil sa labis na kagalakan at sila ay namamangha, sinabi niya sa kanila: “Mayroon ba kayong anumang makakain diyan?”+ 42  At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda;+ 43  at kinuha niya ito at kinain+ sa harap ng kanilang mga mata. 44  Sinabi niya ngayon sa kanila: “Ito ang aking mga salita na sinalita ko sa inyo noong ako ay kasama pa ninyo,+ na kailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nakasulat sa kautusan ni Moises at sa mga Propeta+ at Mga Awit+ tungkol sa akin.” 45  Nang magkagayon ay lubusan niyang binuksan ang kanilang mga pag-iisip upang maintindihan ang kahulugan ng Kasulatan,+ 46  at sinabi niya sa kanila: “Sa ganitong paraan ay nakasulat na ang Kristo ay magdurusa at babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw,+ 47  at salig sa kaniyang pangalan ay ipangangaral ang pagsisisi ukol sa kapatawaran ng mga kasalanan+ sa lahat ng mga bansa+—pasimula sa Jerusalem,+ 48  kayo ay magiging mga saksi+ tungkol sa mga bagay na ito. 49  At, narito! ipadadala ko sa inyo yaong ipinangako ng aking Ama. Gayunman, mamalagi kayo sa lunsod hanggang sa maramtan kayo ng kapangyarihan mula sa kaitaasan.”+ 50  Ngunit inilabas niya sila hanggang sa Betania, at itinaas niya ang kaniyang mga kamay at pinagpala sila.+ 51  Habang pinagpapala niya sila, siya ay nahiwalay mula sa kanila at nagsimulang madalang paakyat sa langit.+ 52  At sila ay nangayupapa sa kaniya at bumalik sa Jerusalem na may malaking kagalakan.+ 53  At palagi silang nasa templo, na pinagpapala ang Diyos.+

Talababa