Marcos 15:1-47
15 At kaagad nang magbukang-liwayway ang mga punong saserdote kasama ang matatandang lalaki at ang mga eskriba, ang buong Sanedrin nga, ay nagsanggunian,+ at iginapos nila si Jesus at dinala siya at ibinigay siya kay Pilato.+
2 Kaya si Pilato ay nagharap ng tanong sa kaniya: “Ikaw ba ang hari+ ng mga Judio?” Bilang sagot sa kaniya ay sinabi niya: “Ikaw mismo ang nagsasabi nito.”+
3 Ngunit ang mga punong saserdote ay nagpasimulang mag-akusa sa kaniya ng maraming bagay.+
4 Ngayon ay muli siyang tinanong ni Pilato, na sinasabi: “Wala ka bang maitutugon?+ Tingnan mo kung gaano karaming paratang ang inihaharap nila laban sa iyo.”+
5 Ngunit si Jesus ay hindi na sumagot pa, kung kaya si Pilato ay nagsimulang mamangha.+
6 Buweno, sa bawat kapistahan ay nagpapalaya siya noon sa kanila ng isang bilanggo, kung sino ang hihilingin nila.+
7 Nang panahong iyon ay naroon ang tinatawag na Barabas na nakagapos kasama ng mga sedisyonista, na sa kanilang sedisyon ay gumawa ng pagpaslang.+
8 Kaya lumapit ang pulutong at nagsimulang magharap ng kahilingan ayon sa ginagawa niya noon para sa kanila.
9 Tumugon si Pilato sa kanila, na sinasabi: “Ibig ba ninyong palayain ko sa inyo ang hari ng mga Judio?”+
10 Sapagkat batid niya na dahil sa inggit+ ay ibinigay siya ng mga punong saserdote.+
11 Ngunit sinulsulan ng mga punong saserdote ang pulutong upang, sa halip, ang palayain niya sa kanila ay si Barabas.+
12 Muli bilang tugon ay sinabi ni Pilato sa kanila: “Ano, kung gayon, ang gagawin ko sa kaniya na tinatawag ninyong hari+ ng mga Judio?”+
13 Minsan pa ay sumigaw sila: “Ibayubay siya!”+
14 Ngunit sinabi pa sa kanila ni Pilato: “Bakit, anong masamang bagay ang ginawa niya?” Gayunma’y lalo pa silang sumigaw: “Ibayubay siya!”+
15 Sa gayon, sa pagnanais na palugdan ang pulutong,+ pinalaya ni Pilato sa kanila si Barabas, at, pagkatapos na maipahagupit si Jesus, ibinigay niya siya upang maibayubay.+
16 Dinala siya ngayon ng mga kawal sa looban, samakatuwid nga, sa loob ng palasyo ng gobernador; at tinipon nila ang buong pangkat ng mga sundalo,+
17 at ginayakan nila siya ng purpura at naglikaw ng isang koronang tinik at isinuot ito sa kaniya.+
18 At pinasimulan nilang batiin siya: “Magandang araw,+ ikaw na Hari ng mga Judio!”
19 Gayundin, hinahampas nila siya sa ulo ng isang tambo at dinuduraan siya at, pagkaluhod ng kanilang mga tuhod, sila ay nangangayupapa sa kaniya.+
20 Sa wakas, matapos nila siyang gawing katatawanan, hinubad nila sa kaniya ang purpura at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga panlabas na kasuutan. At inilabas nila siya upang siya ay ibayubay.+
21 Gayundin, pinilit nilang maglingkod ang isang nagdaraan, isang Simon ng Cirene, na nanggaling sa lalawigan, ang ama nina Alejandro at Rufo, upang buhatin nito ang kaniyang pahirapang tulos.+
22 Kaya dinala nila siya sa dako ng Golgota, na kapag isinalin ay nangangahulugang Pook ng Bungo.+
23 Dito ay sinubukan nilang bigyan siya ng alak na hinaluan ng drogang mira,+ ngunit hindi niya ito tinanggap.+
24 At ibinayubay nila siya at binaha-bahagi ang kaniyang mga panlabas na kasuutan+ sa pamamagitan ng pagpapalabunutan sa mga ito kung ano ang makukuha ng bawat isa.+
25 Ngayon nga ay ikatlong oras na,+ at ibinayubay nila siya.
26 At ang isinulat na paratang+ laban sa kaniya ay nakasulat sa itaas, “Ang Hari ng mga Judio.”+
27 Isa pa, ibinayubay nilang kasama niya ang dalawang magnanakaw, isa sa kaniyang kanan at isa sa kaniyang kaliwa.+
28 ——
29 At yaong mga nagdaraan ay nagsasalita sa kaniya nang may pang-aabuso,+ iniiiling ang kanilang mga ulo at nagsasabi: “Bah! Ikaw na diumano’y tagapagbagsak ng templo at tagapagtayo nito sa tatlong araw,+
30 iligtas mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagbaba mula sa pahirapang tulos.”+
31 Sa katulad na paraan din, ang mga punong saserdote ay gumagawa ng katatawanan sa gitna nila kasama ng mga eskriba at nagsasabi: “Ang iba ay iniligtas niya; ang kaniyang sarili ay hindi niya mailigtas!+
32 Bumaba ngayon mula sa pahirapang tulos ang Kristo na Hari ng Israel, upang makita namin at paniwalaan.”+ Maging yaong mga ibinayubay na kasama niya ay nandurusta sa kaniya.+
33 Nang maging ikaanim na oras na ay sumapit ang isang kadiliman sa buong lupain hanggang sa ikasiyam na oras.+
34 At nang ikasiyam na oras na ay sumigaw si Jesus sa malakas na tinig: “Eli, Eli, lama sabaktani?” na kapag isinalin ay nangangahulugang: “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”+
35 At ang ilan sa mga nakatayo sa malapit, nang marinig ito, ay nagsimulang magsabi: “Tingnan ninyo! Tinatawag niya si Elias.”+
36 Ngunit may isang tumakbo, binasâ ng maasim na alak ang isang espongha, inilagay ito sa isang tambo, at pinasimulan siyang painumin,+ na sinasabi: “Pabayaan ninyo siya! Tingnan natin kung darating si Elias upang ibaba siya.”+
37 Ngunit humiyaw si Jesus ng isang malakas na sigaw at nalagutan ng hininga.+
38 At ang kurtina+ ng santuwaryo ay nahati sa dalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba.+
39 Ngayon, nang makita ng opisyal ng hukbo na nakatayo sa tabi at nakatanaw sa kaniya na siya ay nalagutan ng hininga sa ganitong mga kalagayan, sinabi niya: “Tiyak na ang taong ito ang Anak ng Diyos.”+
40 May mga babae ring nagmamasid mula sa malayo,+ na kabilang sa kanila si Maria Magdalena at gayundin si Maria na ina ni Santiago na Nakabababa at ni Joses, at si Salome,+
41 na sumasama sa kaniya noon+ at naglilingkod sa kaniya noong siya ay nasa Galilea, at maraming iba pang mga babae na umahong kasama niya sa Jerusalem.+
42 Ngayon nang dapit-hapon na, at yamang noon ay Paghahanda, samakatuwid nga, ang araw bago ang sabbath,
43 dumating si Jose ng Arimatea, isang kinikilalang miyembro ng Sanggunian, na siya rin mismo ay naghihintay sa kaharian ng Diyos.+ Siya ay naglakas-loob na pumasok sa harap ni Pilato at hiningi ang katawan+ ni Jesus.
44 Ngunit ibig malaman ni Pilato kung patay na nga siya, at, pagkatawag sa opisyal ng hukbo, tinanong niya ito kung patay na siya.
45 Kaya pagkatapos na matiyak mula sa opisyal ng hukbo, ipinagkaloob niya kay Jose ang bangkay.+
46 Alinsunod dito ay bumili siya ng mainam na lino at ibinaba siya, binalot siya ng mainam na lino at inilagay siya+ sa isang libingan+ na inuka sa isang batong-limpak; at iginulong niya ang isang bato sa pinto ng alaalang libingan.+
47 Ngunit si Maria Magdalena at si Maria na ina ni Joses ay patuloy na nakatingin kung saan siya inilagay.+