Marcos 2:1-28

2  Gayunman, pagkatapos ng ilang araw ay muli siyang pumasok sa Capernaum at nabalita na siya ay nasa tahanan.+  Dahil dito ay marami ang natipon, anupat wala nang lugar, wala kahit na sa may pinto, at pinasimulan niyang sabihin sa kanila ang salita.+  At may mga taong dumating na dala sa kaniya ang isang paralitiko na binubuhat ng apat.+  Ngunit palibhasa’y hindi siya mailapit kay Jesus dahil sa pulutong, inalis nila ang bubong sa tapat ng kinaroroonan niya, at pagkagawa ng butas ay ibinaba nila ang teheras na kinahihigan ng paralitiko.+  At nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya+ ay sinabi niya sa paralitiko: “Anak, ang iyong mga kasalanan ay pinatatawad na.”+  Ngayon ay naroon ang ilan sa mga eskriba, na nakaupo at nangangatuwiran sa kanilang mga puso:+  “Bakit nagsasalita sa ganitong paraan ang taong ito? Siya ay namumusong. Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan maliban sa isa, ang Diyos?”+  Ngunit si Jesus, yamang naunawaan kaagad sa pamamagitan ng kaniyang espiritu na nangangatuwiran sila nang gayon sa kanilang sarili, ay nagsabi sa kanila: “Bakit ninyo ipinangangatuwiran ang mga bagay na ito sa inyong mga puso?+  Alin ang mas madali, ang sabihin sa paralitiko, ‘Ang iyong mga kasalanan ay pinatatawad na,’ o ang sabihing, ‘Bumangon ka at buhatin mo ang iyong teheras at lumakad ka’?+ 10  Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng tao+ ay may awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan sa ibabaw ng lupa,”+—sinabi niya sa paralitiko: 11  “Sinasabi ko sa iyo, Bumangon ka, buhatin mo ang iyong teheras, at umuwi ka sa iyong tahanan.”+ 12  Sa gayon ay bumangon siya, at kaagad na binuhat ang kaniyang teheras at lumakad na palabas sa harap nilang lahat,+ kung kaya talagang natigilan silang lahat, at niluwalhati nila ang Diyos, na sinasabi: “Hindi pa kami nakakita kailanman ng katulad nito.”+ 13  Muli siyang lumabas sa tabi ng dagat; at patuloy na pumaparoon sa kaniya ang buong pulutong, at pinasimulan niya silang turuan. 14  Ngunit habang dumaraan siya, nakita niya si Levi+ na anak ni Alfeo na nakaupo sa tanggapan ng buwis, at sinabi niya rito: “Maging tagasunod kita.” At pagtindig ay sumunod ito sa kaniya.+ 15  Nang maglaon ay nangyaring nakahilig siya sa mesa sa bahay nito, at maraming mga maniningil ng buwis+ at mga makasalanan ang nakahilig na kasama ni Jesus at ng kaniyang mga alagad, sapagkat marami sila at nagsimula silang sumunod sa kaniya.+ 16  Ngunit ang mga eskriba ng mga Pariseo, nang makita nilang kumakain siyang kasama ng mga makasalanan at ng mga maniningil ng buwis, ay nagsimulang magsabi sa kaniyang mga alagad: “Kumakain ba siyang kasama ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?”+ 17  Nang marinig ito ay sinabi ni Jesus sa kanila: “Yaong malalakas ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi yaong mga may karamdaman. Ako ay pumarito upang tawagin, hindi ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan.”+ 18  Ngayon ang mga alagad ni Juan at ang mga Pariseo ay nagsasagawa ng pag-aayuno. Kaya lumapit sila at nagsabi sa kaniya: “Bakit nga ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Pariseo ay nagsasagawa ng pag-aayuno, ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nagsasagawa ng pag-aayuno?”+ 19  At sinabi ni Jesus sa kanila: “Habang kasama nila ang kasintahang lalaki, ang mga kaibigan ng kasintahang lalaki ay hindi makapag-aayuno,+ hindi ba? Hangga’t kasama nila ang kasintahang lalaki ay hindi sila makapag-aayuno.+ 20  Ngunit darating ang mga araw na kukunin sa kanila ang kasintahang lalaki, at kung magkagayon ay mag-aayuno sila sa araw na iyon.+ 21  Walang sinuman ang nagtatahi ng di-napaurong na telang panagpi sa isang lumang panlabas na kasuutan; kapag ginawa niya, hahatakin iyon ng buong lakas nito, ang bago mula sa luma, at ang punit ay nagiging lalong malala.+ 22  Gayundin, walang sinuman ang naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlang balat; kapag ginawa niya, papuputukin ng alak ang mga balat, at masasayang ang alak at gayundin ang mga balat.+ Kundi ang mga tao ay naglalagay ng bagong alak sa mga bagong sisidlang balat.”+ 23  Ngayon ay nangyaring nagdaraan siya sa gitna ng mga bukirin ng mga butil nang sabbath, at ang kaniyang mga alagad ay nagsimulang mangitil+ ng mga uhay ng butil+ habang naglalakad. 24  Kaya sinabi sa kaniya ng mga Pariseo: “Tingnan mo ito! Bakit nila ginagawa ang hindi kaayon ng kautusan kapag sabbath?”+ 25  Ngunit sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo kailanman nabasa ni minsan kung ano ang ginawa ni David+ nang siya ay mangailangan at magutom, siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 26  Kung paanong pumasok siya sa bahay ng Diyos, sa ulat tungkol kay Abiatar+ na punong saserdote, at kinain ang mga tinapay na panghandog,+ na hindi kaayon ng kautusan+ na kainin ng sinuman maliban sa mga saserdote, at binigyan din niya ng ilan ang mga lalaking kasama niya?”+ 27  Kaya sinabi pa niya sa kanila: “Ang sabbath ay umiral alang-alang sa tao,+ at hindi ang tao alang-alang sa sabbath;+ 28  kaya nga ang Anak ng tao ay Panginoon maging ng sabbath.”+

Talababa