Oseas 10:1-15

10  “Ang Israel ay punong ubas+ na nabubulok. Patuloy siyang nagluluwal ng bunga para sa kaniyang sarili.+ Kung gaano karami ang kaniyang bunga ay gayon niya pinarami ang kaniyang mga altar.+ Kung gaano kabuti ang kaniyang lupain ay gayon sila nagtayo ng maiinam na haligi.+  Ang kanilang puso ay naging mapagpaimbabaw;+ ngayon ay masusumpungan silang may-sala. “May isa na sisira ng kanilang mga altar; sasamsaman niya ang kanilang mga haligi.+  Sapagkat ngayon ay sasabihin nila, ‘Wala kaming hari,+ sapagkat hindi kami natatakot kay Jehova. At kung tungkol sa hari, ano ang gagawin niya para sa amin?’  “Sila ay nagsasalita ng mga salita, sumusumpa ng mga kabulaanan,+ nakikipagtipan;+ at ang kahatulan ay sumibol na gaya ng nakalalasong halaman sa mga tudling ng malawak na parang.+  Dahil sa guyang idolo ng Bet-aven+ ay matatakot ang mga tumatahan sa Samaria; sapagkat ito ay ipagdadalamhati ng bayan nito, gayundin ng mga saserdote nito ng mga banyagang diyos na dating nagagalak dahil dito, dahilan sa kaluwalhatian nito, sapagkat yayaon ito sa pagkatapon mula roon.+  Ito man ay dadalhin sa Asirya bilang kaloob sa isang dakilang hari.+ Kahihiyan ang matatamo ng Efraim,+ at ikahihiya ng Israel ang payo nito.+  Ang Samaria at ang kaniyang hari ay patatahimikin,+ gaya ng pinutol na sanga na nasa ibabaw ng tubig.  At ang matataas na dako ng Bet-aven,+ ang kasalanan ng Israel,+ ay wawasakin. Mga tinik at mga dawag+ ang sisibol sa ibabaw ng kanilang mga altar.+ At sasabihin nga ng mga tao sa mga bundok, ‘Takpan ninyo kami!’ at sa mga burol, ‘Mahulog kayo sa amin!’+  “Mula nang mga araw ng Gibeah+ ay nagkasala ka,+ O Israel. Doon ay tumigil sila. Sa Gibeah ang digmaan laban sa mga anak ng kalikuan ay hindi nakaabot sa kanila.+ 10  Kapag hinangad ko ay didisiplinahin ko rin sila.+ At laban sa kanila ay tiyak na matitipon ang mga bayan kapag isiningkaw sila sa kanilang dalawang kamalian.+ 11  “At ang Efraim ay isang sinanay na dumalagang baka na maibigin sa paggiik;+ at pinaraanan ko naman ang kaniyang magandang leeg. Pinasasakyan ko ang Efraim.+ Ang Juda ay nag-aararo;+ ang Jacob ay nagsusuyod+ para sa kaniya. 12  Maghasik kayo ng binhi sa katuwiran para sa inyong sarili;+ gumapas kayo ayon sa maibiging-kabaitan.+ Magbungkal kayo ng sakahang lupain para sa inyong sarili,+ habang may panahon upang hanapin si Jehova hanggang sa dumating siya+ at magbigay sa inyo ng tagubilin sa katuwiran.+ 13  “Nag-araro kayo ng kabalakyutan.+ Kalikuan ang ginapas ninyo.+ Kinain ninyo ang mga bunga ng panlilinlang,+ sapagkat nagtiwala ka sa iyong lakad,+ sa karamihan ng iyong mga makapangyarihan.+ 14  At isang kaguluhan ang bumangon sa gitna ng iyong bayan,+ at ang iyong mga nakukutaang lunsod ay sasamsamang lahat,+ gaya ng pananamsam ni Salman sa bahay ni Arbel, noong araw ng pagbabaka nang pagluray-lurayin ang ina kasama ng kaniyang sariling mga anak.+ 15  May isang gagawa nga nito sa inyo sa ganitong paraan, O Bethel, dahil sa inyong sukdulang kasamaan.+ Sa pagbubukang-liwayway ay lubos na patatahimikin ang hari ng Israel.”+

Talababa