Oseas 4:1-19

4  Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, O mga anak ni Israel, sapagkat si Jehova ay may usapin sa batas laban sa mga tumatahan sa lupain,+ sapagkat walang katotohanan+ ni maibiging-kabaitan ni kaalaman sa Diyos sa lupain.+  May mga pagsumpa+ at panlilinlang+ at pagpaslang+ at pagnanakaw+ at pangangalunya+ na lumalaganap, at inaabutan ng mga pagbububo ng dugo ang iba pang mga pagbububo ng dugo.+  Kaya naman ang lupain ay magdadalamhati+ at ang bawat tumatahan doon ay maglalahong kasama ng mailap na hayop sa parang at ng lumilipad na nilalang sa langit, at maging ang mga isda sa dagat ay mapipisan sa kamatayan.+  “Gayunman, huwag makipagtalo ang sinumang tao,+ ni sumaway man ang isang tao, yamang ang iyong bayan ay tulad niyaong mga nakikipagtalo sa isang saserdote.+  At tiyak na matitisod ka sa araw,+ at maging ang propeta ay matitisod na kasama mo, na parang sa gabi.+ At patatahimikin ko ang iyong ina.+  Ang aking bayan ay mapatatahimik, sapagkat walang kaalaman.+ Sapagkat ang kaalaman ang siyang itinakwil mo,+ itatakwil din kita mula sa paglilingkod bilang saserdote sa akin;+ at sa dahilang palagi mong nililimot ang kautusan ng iyong Diyos,+ lilimutin ko ang iyong mga anak, ako nga.+  Kung gaano sila karami, gayon din sila nagkasala laban sa akin.+ Ang aking kaluwalhatian ay ipinagpalit lamang nila sa kasiraang-puri.+  Ang kasalanan ng aking bayan ang palagi nilang nilalamon, at ang kanilang kamalian ay palaging pinagnanasahan ng kanilang kaluluwa.+  “At ang para sa bayan ay magiging gaya ng sa saserdote;+ at hihingi ako ng pagsusulit laban sa kanila dahil sa kanilang mga lakad;+ at ang kanilang mga pakikitungo ay ibabalik ko sa kanila.+ 10  At sila ay kakain, ngunit hindi mabubusog.+ Ituturing nilang mga patutot ang mga babae; ngunit hindi sila darami,+ sapagkat hindi na nila pinag-uukulan ng pansin si Jehova.+ 11  Pakikiapid at alak at matamis na alak ang siyang nag-aalis ng mabuting motibo.+ 12  Sa kanilang idolong kahoy+ ay palaging sumasangguni ang aking bayan,+ at ang kanilang baston sa kamay ang palaging nagsasabi sa kanila; sapagkat iniligaw nga sila ng espiritu ng pakikiapid,+ at dahil sa pakikiapid ay umaalis sila mula sa pagpapasailalim sa kanilang Diyos.+ 13  Sa mga taluktok ng mga bundok ay naghahain sila,+ at sa mga burol ay gumagawa sila ng haing usok,+ sa ilalim ng dambuhalang punungkahoy at ng punong estorake at ng malaking punungkahoy, sapagkat ang lilim nito ay mabuti.+ Kaya naman ang inyong mga anak na babae ay nakikiapid at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya. 14  “Hindi ako hihingi ng pagsusulit laban sa inyong mga anak na babae sa dahilang nakikiapid sila, at laban sa inyong mga manugang na babae sa dahilang nangangalunya sila. Sapagkat, kung tungkol sa mga lalaki, bumubukod silang kasama ng mga patutot,+ at naghahain silang kasama ng mga babaing patutot sa templo;+ at ang isang bayang hindi nakauunawa+ ay yuyurakan. 15  Bagaman ikaw ay nakikiapid, O Israel,+ huwag nawang magkasala ang Juda,+ at huwag kayong pumaroon sa Gilgal,+ ni umahon man sa Bet-aven+ o sumumpang ‘Buháy si Jehova!’+ 16  Sapagkat, tulad ng isang sutil na baka, ang Israel ay nagpakasutil.+ Ngayon ba sila papastulan ni Jehova na tulad ng batang barakong tupa sa isang maluwang na dako? 17  Ang Efraim ay nakalakip sa mga idolo.+ Pabayaan siyang mag-isa!+ 18  Palibhasa’y ubos na ang kanilang serbesang trigo,+ itinuturing nga nilang patutot ang babae.+ Inibig nga ng kaniyang mga tagapagsanggalang+ ang kasiraang-puri.+ 19  Ibinalot siya ng isang hangin sa mga pakpak nito.+ At ikahihiya nila ang kanilang mga hain.”+

Talababa