Oseas 6:1-11
6 “Halikayo, at manumbalik tayo kay Jehova,+ sapagkat siya mismo ay nanluray+ ngunit pagagalingin niya tayo.+ Siya ay nananakit, ngunit bibigkisan niya tayo.+
2 Bubuhayin niya tayo pagkaraan ng dalawang araw.+ Sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at mabubuhay tayo sa harap niya.+
3 At makikilala natin, patuloy nating makikilala si Jehova.+ Gaya ng bukang-liwayway,+ ang kaniyang paglabas ay matibay na nakatatag.+ At darating siya sa atin na gaya ng bumubuhos na ulan;+ gaya ng ulan sa tagsibol na bumabasa sa lupa.”+
4 “Ano ang gagawin ko sa iyo, O Efraim? Ano ang gagawin ko sa iyo, O Juda,+ yamang ang maibiging-kabaitan ninyo ay parang mga ulap sa umaga at parang hamog na maagang naglalaho?
5 Kaya naman dapat ko silang putulin sa pamamagitan ng mga propeta;+ dapat ko silang patayin sa pamamagitan ng mga pananalita ng aking bibig.+ At ang mga kahatulan sa iyo ay magiging gaya ng liwanag na sumisinag.+
6 Sapagkat sa maibiging-kabaitan ako nalulugod,+ at hindi sa hain;+ at sa kaalaman sa Diyos sa halip na sa mga buong handog na sinusunog.+
7 Ngunit sila, tulad ng makalupang tao, ay lumabag sa tipan.+ Doon sila nakitungo sa akin nang may kataksilan.+
8 Ang Gilead+ ay bayan ng mga manggagawa ng bagay na nakapipinsala; ang mga bakas ng kanilang mga paa ay dugo.+
9 At gaya ng sa pag-aabang sa isang tao,+ ang samahan ng mga saserdote ay mga pangkat ng mandarambong.+ Sa tabing-daan ay pumapaslang sila sa Sikem,+ sapagkat wala silang ginagawa maliban sa mahalay na paggawi.+
10 Sa sambahayan ng Israel ay nakakita ako ng kakila-kilabot na bagay.+ Doon ay may pakikiapid ng Efraim.+ Ang Israel ay nagpakarungis.+
11 Karagdagan pa, O Juda, isang pag-aani ang itinakda para sa iyo, kapag tinipon kong muli ang mga nabihag sa aking bayan.”+