Oseas 7:1-16
7 “Nang panahong pagagalingin ko sana ang Israel,+ ang kamalian ng Efraim ay nalantad din,+ at ang masasamang bagay ng Samaria;+ sapagkat nagsasagawa sila ng kabulaanan,+ at ang magnanakaw ay pumapasok; ang pangkat ng mandarambong ay dumadaluhong sa labas.+
2 At hindi nila sinasabi sa kanilang sariling puso+ na ang lahat ng kanilang kasamaan ay aalalahanin ko.+ Ngayon ay pinalilibutan sila ng kanilang mga pakikitungo.+ Sa harap ng aking mukha ay nakarating ang mga iyon.+
3 Sa pamamagitan ng kanilang kasamaan ay pinasasaya nila ang hari, at, sa pamamagitan ng kanilang mga panlilinlang, ang mga prinsipe.+
4 Silang lahat ay mga mangangalunya,+ gaya ng hurno na pinagniningas ng magtitinapay, na tumitigil sa pagsusulong ng apoy pagkatapos na masahin ang masa hanggang sa mapaasim ito.
5 Sa araw ng ating hari ay pinagkasakit ng mga prinsipe ang kanilang sarili+—may pagngangalit dahil sa alak.+ Iniunat niya ang kaniyang kamay kasama ng mga mang-aalipusta.
6 Sapagkat inilapit nila sa waring isang hurno ang kanilang puso;+ nagniningas iyon sa loob nila.+ Sa buong gabi ay natutulog ang kanilang magtitinapay; sa kinaumagahan ay nagniningas ang hurno na waring may nagliliyab na apoy.+
7 Sila ay nag-iinit, silang lahat, na parang hurno, at nilalamon nga nila ang kanilang mga hukom. Ang kanilang mga hari ay nabuwal na lahat;+ walang sinuman sa kanila ang tumatawag sa akin.+
8 “Kung tungkol sa Efraim, sa mga bayan siya mismo nakikisama.+ Ang Efraim ay naging tinapay na bilog na hindi ibinaligtad.+
9 Inubos ng mga taga-ibang bayan ang kaniyang kalakasan,+ at hindi niya ito nalalaman.+ Gayundin, ang mga uban ay pumuti na sa kaniya, ngunit hindi niya ito nalalaman.
10 At ang pagmamapuri ng Israel ay nagpatotoo laban sa kaniyang mukha,+ at hindi sila nanumbalik kay Jehova na kanilang Diyos,+ ni hinanap man nila siya dahil sa lahat ng ito.+
11 At ang Efraim ay gaya ng mangmang na kalapati+ na walang puso.+ Sa Ehipto ay tumawag sila;+ sa Asirya ay pumaroon sila.+
12 “Alinmang daan ang paroonan nila, ilulukob ko sa kanila ang aking lambat.+ Ibababa ko silang gaya ng mga lumilipad na nilalang sa langit.+ Didisiplinahin ko sila kasuwato ng ulat sa kanilang kapulungan.+
13 Sa aba nila,+ sapagkat tumakas sila mula sa akin!+ Pananamsam sa kanila, sapagkat sumalansang sila laban sa akin! At tinubos ko sila,+ ngunit sila ay nagsalita ng mga kasinungalingan laban nga sa akin.+
14 At hindi sila humingi sa akin ng saklolo mula sa kanilang puso,+ bagaman patuloy silang nagpapalahaw sa kanilang mga higaan. Dahil sa kanilang butil at matamis na alak ay patuloy silang naglilimayon;+ palagi silang lumalaban sa akin.+
15 At ako, sa ganang akin, ay naglapat ng disiplina;+ pinalakas ko ang kanilang mga bisig,+ ngunit laban sa akin ay patuloy silang nagpapakana ng masama.+
16 At bumalik sila, hindi sa anumang mas mataas;+ sila ay naging gaya ng isang maluwag na busog.+ Sa pamamagitan ng tabak ay mabubuwal ang kanilang mga prinsipe dahil sa pagtuligsa ng kanilang dila.+ Ito ang magiging kaalipustaan nila sa lupain ng Ehipto.”+