Oseas 8:1-14
8 “Sa iyong bibig—isang tambuli!+ Ang isa ay dumarating na gaya ng agila+ laban sa bahay ni Jehova, sa dahilang nilabag nila ang aking tipan,+ at laban sa aking kautusan ay nagkasala sila.+
2 Sa akin ay patuloy silang sumisigaw, ‘O Diyos ko, kami, ang Israel, ay nakakakilala sa iyo.’+
3 “Itinakwil ng Israel ang mabuti.+ Tugisin siya ng isang kaaway.+
4 Sila ay nagtalaga ng mga hari,+ ngunit hindi dahil sa akin. Nagtalaga sila ng mga prinsipe, ngunit hindi ko iyon nalaman. Ang kanilang pilak at ang kanilang ginto ay ginawa nilang mga idolo para sa kanilang sarili,+ upang sila ay malipol.+
5 Ang iyong guya ay itinakwil,+ O Samaria. Ang aking galit ay nag-init laban sa kanila.+ Hanggang kailan sila hindi mananatiling walang-sala?+
6 Sapagkat mula nga ito sa Israel.+ Isang bihasang manggagawa lamang ang gumawa niyaon,+ at hindi iyon Diyos; sapagkat ang guya ng Samaria ay magkakapira-piraso.+
7 “Sapagkat hangin ang palagi nilang inihahasik, at bagyong hangin ang gagapasin nila.+ Walang anumang nagtataglay ng nakatayong halamang butil.+ Walang sibol ang nagbibigay ng harina.+ Kung mayroon mang makapagbibigay, mga taga-ibang bayan ang lalamon nito.+
8 “Ang Israel ay lalamunin.+ Ngayon ay mapapasama sila sa mga bansa,+ tulad ng sisidlang hindi kinalulugdan.+
9 Sapagkat sila ay umahon sa Asirya,+ gaya ng isang sebra na nag-iisa.+ Kung tungkol sa Efraim, umupa sila ng mga mangingibig.+
10 Gayundin, bagaman patuloy silang umuupa sa kanila sa gitna ng mga bansa,+ titipunin ko ngayon sila; at sa kaunting panahon ay daranas sila ng matitinding kirot+ dahil sa pasanin ng hari at mga prinsipe.
11 “Sapagkat ang Efraim ay nagparami ng mga altar upang magkasala.+ Siya ay nagkaroon ng mga altar upang magkasala.+
12 Sumulat ako para sa kaniya ng maraming bagay tungkol sa aking kautusan;+ ang mga iyon ay itinuring na parang bagay na kakatwa.+
13 Palagi silang naghahain ng karne+ bilang mga haing kaloob sa akin, at palagi nilang kinakain yaong hindi kinalulugdan ni Jehova.+ Ngayon ay aalalahanin niya ang kanilang kamalian at hihingi ng pagsusulit dahil sa kanilang mga kasalanan.+ Sa Ehipto ay bumalik sila.+
14 At ang Israel ay nagsimulang lumimot sa kaniyang Maylikha+ at nagtayo ng mga templo;+ at ang Juda, sa ganang kaniya, ay nagparami ng mga nakukutaang lunsod.+ At magsusugo nga ako ng apoy sa kaniyang mga lunsod at lalamunin nito ang mga tirahang tore ng bawat isa.”+