Roma 10:1-21
10 Mga kapatid, ang kabutihang-loob ng aking puso at ang aking pagsusumamo sa Diyos para sa kanila ay tunay ngang para sa kanilang kaligtasan.+
2 Sapagkat nagpapatotoo ako tungkol sa kanila na may sigasig+ sila sa Diyos; ngunit hindi ayon sa tumpak na kaalaman;+
3 sapagkat, dahil sa hindi pagkaalam sa katuwiran ng Diyos+ kundi pinagsisikapang itatag ang sa kanilang sarili,+ hindi sila nagpasakop sa katuwiran ng Diyos.+
4 Sapagkat si Kristo ang wakas ng Kautusan,+ upang ang bawat isa na nananampalataya ay magkaroon ng katuwiran.+
5 Sapagkat isinulat ni Moises na ang tao na gumagawa ng katuwiran ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan nito.+
6 Ngunit ang katuwiran na resulta ng pananampalataya ay nagsasalita sa ganitong paraan: “Huwag mong sabihin sa iyong puso,+ ‘Sino ang aakyat sa langit?’+ samakatuwid nga, upang ibaba si Kristo;+
7 o, ‘Sino ang bababa sa kalaliman?’+ samakatuwid nga, upang iahon si Kristo mula sa mga patay.”+
8 Ngunit ano ang sinasabi nito? “Ang salita ay malapit sa iyo, nasa iyong sariling bibig at nasa iyong sariling puso”;+ samakatuwid nga, ang “salita”+ ng pananampalataya, na aming ipinangangaral.+
9 Sapagkat kung hayagan mong sinasabi yaong ‘salita sa iyong sariling bibig,’+ na si Jesus ay Panginoon,+ at nananampalataya ka sa iyong puso na ibinangon siya ng Diyos mula sa mga patay,+ ikaw ay maliligtas.+
10 Sapagkat sa pamamagitan ng puso+ ang isa ay nananampalataya ukol sa katuwiran, ngunit sa pamamagitan ng bibig ang isa ay gumagawa ng pangmadlang pagpapahayag+ ukol sa kaligtasan.
11 Sapagkat sinasabi ng Kasulatan: “Walang sinumang naglalagak+ sa kaniya ng kaniyang pananampalataya ang mabibigo.”+
12 Sapagkat walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego,+ sapagkat may iisang Panginoon sa lahat, na mayaman+ sa lahat niyaong mga tumatawag sa kaniya.
13 Sapagkat “ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas.”+
14 Gayunman, paano sila tatawag sa kaniya na hindi nila sinampalatayanan?+ Paano naman sila mananampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? Paano naman nila maririnig kung walang mangangaral?+
15 Paano naman sila mangangaral malibang isinugo sila?+ Gaya nga ng nasusulat: “Pagkaganda-ganda ng mga paa niyaong mga nagpapahayag ng mabuting balita ng mabubuting bagay!”+
16 Gayunpaman, hindi lahat sa kanila ay sumunod sa mabuting balita.+ Sapagkat sinasabi ni Isaias: “Jehova, sino ang nananampalataya sa bagay na narinig mula sa amin?”+
17 Kaya ang pananampalataya ay kasunod ng bagay na narinig.+ Ang bagay na narinig naman ay sa pamamagitan ng salita tungkol kay Kristo.+
18 Gayunpaman ay itatanong ko, Hindi sila nabigong makarinig, hindi ba? Aba, sa katunayan, “sa buong lupa ay lumabas ang kanilang tinig,+ at hanggang sa mga dulo ng tinatahanang lupa ang kanilang mga pananalita.”+
19 Gayunpaman ay itatanong ko, Hindi nabigong makaalam ang Israel, hindi ba?+ Una ay sinasabi ni Moises: “Pupukawin ko kayo sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi isang bansa; pupukawin ko kayo sa matinding galit sa pamamagitan ng isang hangal na bansa.”+
20 Ngunit si Isaias ay lubhang nagpakatapang at nagsasabi: “Nasumpungan ako niyaong mga hindi humahanap sa akin;+ naging hayag ako roon sa mga hindi nagtatanong tungkol sa akin.”+
21 Ngunit may kinalaman sa Israel ay sinasabi niya: “Buong araw na iniunat ko ang aking mga kamay sa isang bayan na masuwayin+ at sumasagot nang palabán.”+