Roma 15:1-33
15 Gayunman, tayong malalakas ay dapat na magdala ng mga kahinaan niyaong hindi malalakas,+ at huwag magpalugod sa ating sarili.+
2 Palugdan ng bawat isa sa atin ang kaniyang kapuwa sa anumang mabuti para sa kaniyang ikatitibay.+
3 Sapagkat maging ang Kristo ay hindi nagpalugod sa kaniyang sarili;+ kundi gaya nga ng nasusulat: “Ang mga pandurusta niyaong mga nandurusta sa iyo ay nahulog sa akin.”+
4 Sapagkat ang lahat ng bagay na isinulat noong una ay isinulat+ sa ating ikatututo,+ upang sa pamamagitan ng ating pagbabata+ at sa pamamagitan ng kaaliwan+ mula sa Kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa.+
5 Ngayon ay ipagkaloob nawa sa inyo ng Diyos na naglalaan ng pagbabata at kaaliwan na magkaroon sa gitna ninyo ng gayunding pangkaisipang saloobin+ na tinaglay ni Kristo Jesus,
6 upang may-pagkakaisa+ ninyong luwalhatiin sa pamamagitan ng iisang bibig ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo.
7 Kaya nga tanggapin ang isa’t isa,+ kung paanong tinanggap din tayo ng Kristo,+ ukol sa kaluwalhatian ng Diyos.
8 Sapagkat sinasabi ko na si Kristo ay talagang naging lingkod+ niyaong mga tuli+ alang-alang sa pagkamatapat ng Diyos,+ upang tiyakin ang mga pangako+ na Kaniyang binitiwan sa kanilang mga ninuno,
9 at upang luwalhatiin ng mga bansa+ ang Diyos dahil sa kaniyang awa.+ Gaya nga ng nasusulat: “Kaya naman hayagan kitang kikilalanin sa gitna ng mga bansa at sa iyong pangalan ay aawit ako.”+
10 At muli ay sinasabi niya: “Matuwa kayo, kayong mga bansa, kasama ng kaniyang bayan.”+
11 At muli: “Purihin ninyo si Jehova, ninyong lahat na mga bansa, at purihin siya ng lahat ng mga bayan.”+
12 At muli ay sinasabi ni Isaias: “Magkakaroon ng ugat ni Jesse,+ at may isang babangon upang mamahala sa mga bansa;+ sa kaniya ilalagak ng mga bansa ang kanilang pag-asa.”+
13 Puspusin nawa kayo ng Diyos na nagbibigay ng pag-asa ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong paniniwala, upang managana kayo sa pag-asa sa kapangyarihan ng banal na espiritu.+
14 Ngayon ako rin mismo ay naniniwala tungkol sa inyo, mga kapatid ko, na kayo ay puspos din ng kabutihan, yamang pinuspos kayo ng buong kaalaman,+ at na magagawa rin ninyong paalalahanan ang isa’t isa.+
15 Gayunman, sinusulatan ko kayo nang mas tahasan sa ilang punto, na para bang pinaaalalahanan+ kayong muli, dahil sa di-sana-nararapat na kabaitan na ibinigay sa akin mula sa Diyos+
16 upang ako ay maging isang pangmadlang lingkod ni Kristo Jesus sa mga bansa,+ na nakikibahagi sa banal na gawain ng mabuting balita+ ng Diyos, upang ang handog,+ samakatuwid nga, ang mga bansang ito, ay maging kaayaaya,+ na pinabanal ito sa banal na espiritu.+
17 Kaya nga may dahilan ako upang magbunyi kay Kristo Jesus+ kung tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos.+
18 Sapagkat hindi ako mangangahas na magsabi ng isa mang bagay kung hindi ito tungkol sa mga bagay na ginawa ni Kristo sa pamamagitan ko+ upang ang mga bansa ay maging masunurin,+ sa pamamagitan ng aking salita+ at gawa,
19 sa kapangyarihan ng mga tanda at mga palatandaan,+ sa kapangyarihan ng banal na espiritu; anupat mula sa Jerusalem at sa isang sirkito+ hanggang sa Ilirico ay lubusan kong naipangaral ang mabuting balita tungkol sa Kristo.+
20 Sa ganitong paraan nga, ginawa kong aking tunguhin na huwag ipahayag ang mabuting balita kung saan nabanggit na ang pangalan ni Kristo, upang hindi ako magtayo sa pundasyon ng ibang tao;+
21 kundi, gaya nga ng nasusulat: “Yaong mga hindi pinaabutan ng patalastas tungkol sa kaniya ay makakakita, at yaong mga hindi nakarinig ay makauunawa.”+
22 Kaya maraming ulit din akong nahadlangan sa pagpariyan sa inyo.+
23 Ngunit ngayon na wala na akong teritoryong hindi pa nagagawa sa mga pook na ito, at sa loob ng ilang taon ay may pananabik na makapariyan sa inyo+
24 kailanma’t paroroon ako sa Espanya,+ umaasa ako, higit sa lahat, na kapag naglalakbay na akong patungo roon, na makita kayo at maihatid+ ninyo roon nang bahagya pagkatapos na masiyahan muna ako nang kaunti sa inyong pakikipagsamahan.
25 Ngunit ngayon ay malapit na akong maglakbay patungong Jerusalem upang maglingkod sa mga banal.+
26 Sapagkat yaong mga nasa Macedonia at Acaya+ ay nalugod na ibahagi ang kanilang mga pag-aari sa pamamagitan ng pag-aabuloy+ sa mga dukha ng mga banal sa Jerusalem.
27 Totoo, nalugod silang gawin iyon, gayunma’y may utang sila sa mga ito; sapagkat kung ang mga bansa ay nakibahagi sa kanilang espirituwal na mga bagay,+ may utang din sila na hayagang maglingkod sa mga ito sa pamamagitan ng mga bagay para sa katawang laman.+
28 Kaya kapag natapos ko ito at naihatid nang ligtas sa kanila ang bungang+ ito, lilisan ako at daraan sa inyo patungong Espanya.+
29 Bukod diyan, alam ko na kapag nakarating ako sa inyo ay darating akong may hustong sukat ng pagpapala mula kay Kristo.+
30 Ngayon ay pinapayuhan ko kayo, mga kapatid, sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo at sa pamamagitan ng pag-ibig ng espiritu,+ na magpunyagi kayong kasama ko sa pananalangin sa Diyos para sa akin,+
31 upang maligtas+ ako mula sa mga di-sumasampalataya sa Judea at upang ang aking ministeryo na para sa Jerusalem+ ay maging kaayaaya sa mga banal,+
32 upang kapag nakarating ako sa inyo nang may kagalakan ayon sa kalooban ng Diyos ay mapaginhawa+ akong kasama ninyo.
33 Sumainyo nawang lahat ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.+ Amen.