Roma 16:1-27
16 Inirerekomenda ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na isang ministro+ ng kongregasyon na nasa Cencrea,+
2 upang tanggapin+ ninyo siya sa Panginoon sa paraang karapat-dapat sa mga banal, at upang tulungan ninyo siya sa anumang bagay na kakailanganin niya kayo,+ sapagkat siya rin mismo ay naging tagapagtanggol ng marami, oo, sa akin mismo.
3 Ipaabot ninyo ang aking mga pagbati kina Prisca at Aquila+ na aking mga kamanggagawa+ kay Kristo Jesus,
4 na nagsapanganib ng kanilang sariling mga leeg+ para sa aking kaluluwa, na sa kanila ay hindi lamang ako ang nagpapasalamat+ kundi gayundin ang lahat ng kongregasyon ng mga bansa;
5 at batiin ninyo ang kongregasyon na nasa kanilang bahay.+ Batiin ninyo ang minamahal kong si Epeneto, na isang unang bunga+ ng Asia para kay Kristo.
6 Batiin ninyo si Maria, na gumawa ng maraming pagpapagal para sa inyo.
7 Batiin ninyo sina Andronico at Junias na mga kamag-anak ko+ at mga kapuwa ko bihag,+ na mga lalaking kinikilala sa gitna ng mga apostol at mas matatagal nang kaisa+ ni Kristo kaysa sa akin.
8 Ipaabot ninyo ang aking mga pagbati+ kay Ampliato na minamahal ko sa Panginoon.
9 Batiin ninyo si Urbano na kamanggagawa natin kay Kristo, at ang minamahal kong si Estaquis.
10 Batiin+ ninyo si Apeles, ang sinang-ayunan kay Kristo. Batiin ninyo yaong mga mula sa sambahayan ni Aristobulo.
11 Batiin ninyo si Herodion na kamag-anak ko.+ Batiin ninyo yaong mga mula sa sambahayan ni Narciso na mga nasa Panginoon.+
12 Batiin ninyo sina Trifena at Trifosa, mga babaing nagpapagal sa Panginoon. Batiin ninyo si Persis na ating minamahal, sapagkat gumawa siya ng maraming pagpapagal sa Panginoon.
13 Batiin ninyo si Rufo na pinili sa Panginoon, at ang kaniyang ina at akin.
14 Batiin ninyo sina Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hermas, at ang mga kapatid na kasama nila.
15 Batiin ninyo si Filologo at si Julia, si Nereo at ang kaniyang kapatid na babae, at si Olimpas, at ang lahat ng mga banal na kasama nila.+
16 Batiin ninyo ang isa’t isa ng banal na halik.+ Binabati kayo ng lahat ng mga kongregasyon ng Kristo.
17 Ngayon ay pinapayuhan ko kayo, mga kapatid, na mataan ninyo yaong mga lumilikha ng mga pagkakabaha-bahagi+ at mga dahilang ikatitisod na salungat sa turo+ na inyong natutuhan, at iwasan ninyo sila.+
18 Sapagkat ang gayong uri ng mga tao ay mga alipin, hindi ng ating Panginoong Kristo, kundi ng sarili nilang mga tiyan;+ at sa pamamagitan ng madulas na pangungusap+ at mapamuring pananalita+ ay dinadaya nila ang mga puso ng mga walang katusuhan.
19 Sapagkat ang inyong pagkamasunurin ay napapansin ng lahat.+ Kaya nagsasaya ako tungkol sa inyo. Ngunit nais kong maging marunong+ kayo sa mabuti, ngunit walang muwang+ sa masama.+
20 Sa ganang kaniya, ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan+ ang dudurog kay Satanas+ sa ilalim ng inyong mga paa sa di-kalaunan. Sumainyo nawa ang di-sana-nararapat na kabaitan ng ating Panginoong Jesus.+
21 Binabati kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa, at gayundin nina Lucio at Jason at Sosipatro na aking mga kamag-anak.+
22 Ako, si Tercio, na siyang gumawa ng pagsulat ng liham na ito, ay bumabati sa inyo sa Panginoon.
23 Si Gayo,+ na aking punong-abala at ng buong kongregasyon, ay bumabati sa inyo. Si Erasto na katiwala ng lunsod+ ay bumabati sa inyo, at gayundin si Cuarto na kaniyang kapatid.
24 ——
25 Ngayon sa kaniya+ na makapagpapatatag sa inyo ayon sa mabuting balita na ipinahahayag ko at sa pangangaral tungkol kay Jesu-Kristo, ayon sa pagsisiwalat ng sagradong lihim+ na pinanatiling tahimik sa loob ng lubhang mahabang panahon
26 ngunit ngayon ay inihayag na+ at ipinaalam na sa pamamagitan ng makahulang mga kasulatan sa lahat ng mga bansa ayon sa utos ng walang-hanggang Diyos upang itaguyod ang pagkamasunurin sa pamamagitan ng pananampalataya;+
27 mapasa-Diyos nawa, na tanging marunong,+ ang kaluwalhatian+ sa pamamagitan ni Jesu-Kristo+ magpakailanman. Amen.