Roma 6:1-23
6 Dahil dito, ano ang sasabihin natin? Magpapatuloy ba tayo sa kasalanan, upang ang di-sana-nararapat na kabaitan ay managana?+
2 Huwag nawang mangyari iyan! Yamang namatay tayo may kaugnayan sa kasalanan,+ paano pa tayo patuloy na mabubuhay roon?+
3 O hindi ba ninyo alam na tayong lahat na binautismuhan kay Kristo Jesus+ ay binautismuhan sa kaniyang kamatayan?+
4 Samakatuwid inilibing+ tayong kasama niya sa pamamagitan ng ating bautismo sa kaniyang kamatayan, upang, kung paanong si Kristo ay ibinangon mula sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama,+ tayo ay lumakad nang gayundin sa isang panibagong buhay.+
5 Sapagkat kung tayo ay naging kaisa niya sa wangis ng kaniyang kamatayan,+ tiyak na tayo ay magiging kaisa rin niya sa wangis ng kaniyang pagkabuhay-muli;+
6 sapagkat alam natin na ang ating lumang personalidad ay ibinayubay na kasama niya,+ upang ang ating makasalanang katawan ay gawing di-aktibo,+ upang huwag na tayong patuloy na maging mga alipin ng kasalanan.+
7 Sapagkat siya na namatay ay napawalang-sala na mula sa kaniyang kasalanan.+
8 Bukod diyan, kung namatay na tayong kasama ni Kristo, naniniwala tayo na mabubuhay rin tayong kasama niya.+
9 Sapagkat alam natin na si Kristo, ngayong ibinangon na siya mula sa mga patay,+ ay hindi na namamatay;+ ang kamatayan ay hindi na namamanginoon sa kaniya.
10 Sapagkat ang kamatayan na kaniyang ikinamatay ay ikinamatay niya may kaugnayan sa kasalanan nang minsanan;+ ngunit ang buhay na kaniyang ikinabubuhay ay ikinabubuhay niya may kaugnayan sa Diyos.+
11 Gayundin naman kayo: ibilang ninyo ang inyong sarili na patay+ nga may kaugnayan sa kasalanan ngunit buháy+ may kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo Jesus.
12 Kaya nga huwag ninyong hayaang ang kasalanan ay patuloy na mamahala bilang hari+ sa inyong mortal na mga katawan upang sundin ninyo ang mga pagnanasa ng mga ito.+
13 Ni patuloy man ninyong iharap sa kasalanan+ ang inyong mga sangkap bilang mga sandata ng kalikuan,+ kundi iharap ninyo sa Diyos ang inyong sarili gaya niyaong mga buháy+ mula sa mga patay, gayundin ang inyong mga sangkap sa Diyos bilang mga sandata+ ng katuwiran.
14 Sapagkat ang kasalanan ay hindi dapat mamanginoon sa inyo, yamang wala kayo sa ilalim ng kautusan+ kundi nasa ilalim ng di-sana-nararapat na kabaitan.+
15 Ano ang kasunod? Gagawa ba tayo ng kasalanan sapagkat wala tayo sa ilalim ng kautusan+ kundi nasa ilalim ng di-sana-nararapat na kabaitan?+ Huwag nawang mangyari iyan!
16 Hindi ba ninyo alam na kung patuloy ninyong inihaharap sa kaninuman ang inyong sarili bilang mga alipin upang sundin siya, kayo ay mga alipin niya sapagkat sinusunod ninyo siya,+ maging ng kasalanan+ tungo sa kamatayan+ o ng pagkamasunurin+ tungo sa katuwiran?+
17 Ngunit salamat sa Diyos na kayo noon ay mga alipin ng kasalanan ngunit naging masunurin kayo mula sa puso sa anyong iyon ng turo na pinagbigyan sa inyo.+
18 Oo, yamang pinalaya+ kayo mula sa kasalanan, kayo ay naging mga alipin+ ng katuwiran.+
19 Nagsasalita ako sa pamamaraan ng tao dahil sa kahinaan ng inyong laman:+ sapagkat kung paanong iniharap ninyo ang inyong mga sangkap+ bilang mga alipin ng karumihan+ at katampalasanan tungo sa katampalasanan, ngayon naman ay iharap ninyo ang inyong mga sangkap bilang mga alipin ng katuwiran tungo sa kabanalan.+
20 Sapagkat noong kayo ay mga alipin ng kasalanan,+ malaya kayo kung tungkol sa katuwiran.
21 Kung gayon, anong bunga+ ang taglay ninyo noong panahong iyon? Mga bagay+ na ngayon ay ikinahihiya ninyo. Sapagkat ang wakas ng mga bagay na iyon ay kamatayan.+
22 Gayunman, ngayon, sapagkat pinalaya na kayo mula sa kasalanan ngunit naging mga alipin ng Diyos,+ tinatanggap ninyo ang inyong bunga+ tungo sa kabanalan, at ang wakas na buhay na walang hanggan.+
23 Sapagkat ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan,+ ngunit ang kaloob+ na ibinibigay ng Diyos ay buhay na walang hanggan+ sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.+