Zacarias 4:1-14
4 At bumalik ang anghel na nakikipag-usap sa akin at ginising ako, gaya ng isang tao na ginising mula sa kaniyang pagkakatulog. +
2 Pagkatapos ay sinabi niya sa akin: “Ano ang nakikita mo?” +
Kaya sinabi ko: “Nakita ko, at, narito! may isang kandelero, ang kabuuan nito ay ginto, + na may isang mangkok sa ibabaw nito. At ang pitong lampara nito ay nasa ibabaw nito, pito nga; + at ang mga lampara na nasa ibabaw nito ay may pitong tubo.
3 At may dalawang punong olibo sa tabi nito, + isa sa dakong kanan ng mangkok at isa sa dakong kaliwa nito.”
4 At ako ay sumagot at nagsabi sa anghel na nakikipag-usap sa akin, na sinasabi: “Ano ang kahulugan ng mga bagay na ito, panginoon ko?” +
5 Kaya ang anghel na nakikipag-usap sa akin ay sumagot at nagsabi sa akin: “Talaga bang hindi mo alam kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito?”
Sinabi ko naman: “Hindi, panginoon ko.” +
6 Sa gayon ay sumagot siya at nagsabi sa akin: “Ito ang salita ni Jehova kay Zerubabel, na nagsasabi, ‘ “Hindi sa pamamagitan ng hukbong militar, + ni sa pamamagitan man ng kapangyarihan, + kundi sa pamamagitan ng aking espiritu,” + ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
7 Sino ka, O malaking bundok? + Sa harap ni Zerubabel + ay magiging patag na lupain ka. At tiyak na ilalabas niya ang pangulong-bato. + Magkakaroon ng hiyawan + para roon: “Kahali-halina! Kahali-halina!” ’ ” +
8 At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi:
9 “Ang mismong mga kamay ni Zerubabel ang naglatag ng pundasyon ng bahay na ito, + at ang kaniyang sariling mga kamay ang tatapos nito. + At iyo ngang malalaman na si Jehova ng mga hukbo ang nagsugo sa akin sa inyo. +
10 Sapagkat sino ang humamak sa araw ng maliliit na bagay? + At tiyak na magsasaya + sila at makikita nila ang hulog sa kamay ni Zerubabel. Ang pitong ito ay mga mata ni Jehova. + Ang mga ito ay nagpaparoo’t parito sa buong lupa.” +
11 At ako ay sumagot at nagsabi sa kaniya: “Ano ang kahulugan ng dalawang punong olibong ito sa dakong kanan ng kandelero at sa dakong kaliwa nito?” +
12 Pagkatapos ay sumagot ako sa ikalawang pagkakataon at nagsabi sa kaniya: “Ano ang dalawang kumpol ng maliliit na sanga ng mga punong olibo na sa pamamagitan ng dalawang ginintuang tubo ay nagpapadaloy ng ginintuang likido?”
13 Kaya sinabi niya sa akin: “Talaga bang hindi mo alam kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito?”
Sinabi ko naman: “Hindi, panginoon ko.” +
14 Sa gayon ay sinabi niya: “Ito ang dalawang pinahiran + na nakatayo sa tabi ng Panginoon ng buong lupa.” +