Zacarias 7:1-14

7  Karagdagan pa, nangyari nga nang ikaapat na taon ni Dario + na hari, ang salita ni Jehova ay dumating kay Zacarias, noong ikaapat na araw ng ikasiyam na buwan, na siyang Kislev. +  At isinugo ng Bethel si Sarezer at si Regem-melec at ang kaniyang mga lalaki upang palambutin + ang mukha ni Jehova,  na sinasabi sa mga saserdote + ng bahay ni Jehova ng mga hukbo, at sa mga propeta, na sinasabi nga: “Tatangis ba ako sa ikalimang + buwan, habang nagsasagawa ng pangingilin, gaya ng ginagawa ko nitong napakaraming taon na?” +  At ang salita ni Jehova ng mga hukbo ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi:  “Sabihin mo sa buong bayan ng lupain at sa mga saserdote, ‘Nang mag-ayuno kayo + at may paghagulhol sa ikalimang buwan at sa ikapitong + buwan, at ito ay sa loob ng pitumpung taon, + talaga bang nag-ayuno kayo para sa akin, sa akin nga? +  At kapag kumakain kayo at kapag umiinom kayo, hindi ba kayo mismo ang kumakain, at hindi ba kayo mismo ang umiinom?  Hindi ba dapat ninyong sundin ang mga salitang + itinawag ni Jehova sa pamamagitan ng mga propeta noong una, + noong ang Jerusalem ay tinatahanan, at panatag, at ang kaniyang mga lunsod ay nasa buong palibot niya, at noong ang Negeb + at ang Sepela + ay tinatahanan?’ ”  At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating kay Zacarias, na nagsasabi:  “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Humatol kayo taglay ang tunay na katarungan; + at magpakita kayo sa isa’t isa ng maibiging-kabaitan + at kaawaan; + 10  at huwag ninyong dayain ang babaing balo + o ang batang lalaking walang ama, + ang naninirahang dayuhan + o ang napipighati, + at huwag kayong magpakana ng kasamaan laban sa isa’t isa sa inyong mga puso.’ + 11  Ngunit sila ay patuloy na tumatangging magbigay-pansin, + at sila ay patuloy na naghaharap ng sutil na balikat, + at ang kanilang mga tainga ay lubha nilang pinamanhid upang makarinig. + 12  At ang kanilang puso + ay ginawa nilang gaya ng batong esmeril upang huwag sundin ang kautusan + at ang mga salita na ipinarating ni Jehova ng mga hukbo sa pamamagitan ng kaniyang espiritu, + sa pamamagitan ng mga propeta noong una; + anupat dumating ang matinding galit mula kay Jehova ng mga hukbo.” + 13  “ ‘At sa gayon ay nangyari nga, kung paanong tumawag siya at hindi sila nakinig, + gayon sila tumatawag at hindi ako nakikinig,’ + ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. 14  ‘At may kapusukan ko silang inihagis sa lahat ng mga bansa + na hindi pa nila nakilala; + at ang lupain ay naiwang tiwangwang sa likuran nila, na walang sinumang dumaraan at walang sinumang bumabalik; + at ang kanais-nais na lupain + ay ginawa nilang bagay na panggigilalasan.’ ”

Talababa