Zefanias 1:1-18

1  Ang salita ni Jehova na dumating kay Zefanias na anak ni Cusi na anak ni Gedalias na anak ni Amarias na anak ni Hezekias noong mga araw ni Josias+ na anak ni Amon+ na hari ng Juda:  “Walang pagsalang papawiin ko ang lahat ng bagay mula sa ibabaw ng lupa,” ang sabi ni Jehova.+  “Papawiin ko ang makalupang tao at ang hayop.+ Papawiin ko ang lumilipad na nilalang sa langit at ang mga isda sa dagat,+ at ang mga katitisuran kasama ng mga balakyot;+ at lilipulin ko ang mga tao mula sa ibabaw ng lupain,”+ ang sabi ni Jehova.  “At iuunat ko ang aking kamay laban sa Juda at laban sa lahat ng tumatahan sa Jerusalem,+ at lilipulin ko mula sa dakong ito ang mga nalalabi ng Baal,+ ang pangalan ng mga saserdote ng mga banyagang diyos pati na ang mga saserdote,+  at yaong mga yumuyukod sa hukbo ng langit sa ibabaw ng mga bubong,+ at yaong mga yumuyukod,+ na nananata ng mga sumpa kay Jehova+ at nananata ng mga sumpa sa pamamagitan ni Malcam;+  at yaong mga lumalayo sa pagsunod kay Jehova+ at hindi humahanap kay Jehova at hindi sumasangguni sa kaniya.”+  Tumahimik ka sa harap ng Soberanong Panginoong Jehova;+ sapagkat ang araw ni Jehova ay malapit na,+ sapagkat si Jehova ay naghanda ng isang hain;+ pinabanal+ niya ang kaniyang mga inanyayahan.  “At mangyayari sa araw ng hain kay Jehova na pagtutuunan ko ng pansin ang mga prinsipe, at ang mga anak ng hari,+ at ang lahat ng nakabihis ng kagayakan ng banyaga.+  At pagtutuunan ko ng pansin ang lahat ng umaakyat sa plataporma sa araw na iyon, yaong mga pumupuno sa bahay ng kanilang mga panginoon sa pamamagitan ng karahasan at panlilinlang.+ 10  At magkakaroon sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova, “ng ingay ng paghiyaw mula sa Pintuang-daan ng mga Isda,+ at ng pagpapalahaw mula sa ikalawang purok,+ at ng malakas na pagbagsak mula sa mga burol.+ 11  Magpalahaw kayo,+ kayong mga tumatahan sa Maktes, sapagkat ang lahat ng mga taong negosyante ay pinatahimik;+ ang lahat ng nagtitimbang ng pilak ay nilipol. 12  “At mangyayari nga na sa panahong iyon ay maingat kong sasaliksikin ang Jerusalem sa pamamagitan ng mga lampara,+ at pagtutuunan ko ng pansin ang mga taong namumuo sa kanilang latak+ at nagsasabi sa kanilang puso, ‘Si Jehova ay hindi gagawa ng mabuti, at hindi siya gagawa ng masama.’+ 13  At ang kanilang yaman ay magiging ukol sa pangangamkam at ang kanilang mga bahay ay magiging tiwangwang na kaguhuan.+ At magtatayo sila ng mga bahay, ngunit hindi nila titirhan;+ at magtatanim sila ng mga ubasan, ngunit hindi nila iinumin ang alak ng mga iyon.+ 14  “Ang dakilang araw+ ni Jehova ay malapit na.+ Iyon ay malapit na, at iyon ay lubhang minamadali.+ Ang ugong ng araw ni Jehova ay mapait.+ Doon ay bumubulalas ng sigaw ang isang makapangyarihang lalaki.+ 15  Ang araw na iyon ay araw ng poot, araw ng kabagabagan at ng panggigipuspos,+ araw ng bagyo at ng pagkatiwangwang, araw ng kadiliman at ng karimlan,+ araw ng mga ulap at ng makapal na karimlan, 16  araw ng tambuli at ng babalang hudyat,+ laban sa mga nakukutaang lunsod at laban sa matataas na toreng panulok.+ 17  At pipighatiin ko ang mga tao, at lalakad silang gaya ng mga taong bulag;+ sapagkat nagkasala sila laban kay Jehova.+ At mabubuhos na gaya ng alabok ang kanilang dugo,+ at gaya ng dumi ang kanilang mga bituka.+ 18  Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa araw ng poot ni Jehova;+ kundi sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang sigasig ay lalamunin ang buong lupa,+ sapagkat magsasagawa siya ng paglipol, isa nga na kahila-hilakbot, sa lahat ng tumatahan sa lupa.”+

Talababa