Zefanias 2:1-15
2 Magtipon kayong sama-sama, oo, magtipon nga,+ O bansa na hindi namumutla sa kahihiyan.+
2 Bago ang batas ay magsilang ng anuman,+ bago ang araw ay dumaang gaya ng ipa, bago dumating sa inyo ang nag-aapoy na galit ni Jehova,+ bago dumating sa inyo ang araw ng galit ni Jehova,+
3 hanapin ninyo si Jehova,+ ninyong lahat na maaamo sa lupa,+ na nagsasagawa ng Kaniyang hudisyal na pasiya. Hanapin ninyo ang katuwiran,+ hanapin ninyo ang kaamuan.+ Baka sakaling+ makubli kayo sa araw ng galit ni Jehova.+
4 Sapagkat, kung tungkol sa Gaza, siya ay magiging lunsod na pinabayaan;+ at ang Askelon ay magiging tiwangwang na kaguhuan.+ Kung tungkol sa Asdod,+ sa tanghaling tapat ay palalayasin nila siya;+ at kung tungkol sa Ekron, siya ay bubunutin.+
5 “Sa aba ng mga tumatahan sa pook ng dagat, ang bansa ng mga Kereteo!+ Ang salita ni Jehova ay laban sa inyo. O Canaan, na lupain ng mga Filisteo, wawasakin din kita, anupat walang tatahan.+
6 At ang pook ng dagat ay magiging mga pastulan,+ na may mga balon para sa mga pastol at mga kural na bato para sa mga tupa.
7 At iyon ay magiging pook para sa mga nalalabi sa sambahayan ni Juda.+ Sa mga iyon ay manginginain sila. Sa mga bahay sa Askelon, sa gabi, ay hihiga silang nakaunat. Sapagkat ibabaling ni Jehova na kanilang Diyos ang kaniyang pansin sa kanila+ at titipunin ngang muli ang mga nabihag sa kanila.”+
8 “Narinig ko ang pandurusta ng Moab+ at ang mapang-abusong mga salita ng mga anak ni Ammon,+ na kanilang ipinandusta sa aking bayan at lubhang ipinagpalalo laban sa kanilang teritoryo.
9 Kaya nga, buháy ako,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, “ang Moab ay magiging gaya ng Sodoma,+ at ang mga anak ni Ammon+ ay gaya ng Gomorra, isang dakong pag-aari ng mga kulitis, at isang hukay ng asin, at isang tiwangwang na kaguhuan, maging hanggang sa panahong walang takda.+ Ang mga nalalabi sa aking bayan ay mandarambong sa kanila, at aariin sila ng nalabi sa aking sariling bansa.+
10 Ito ang mapapala nila kahalili ng kanilang pagmamapuri,+ sapagkat sila ay nandusta at lubhang nagpalalo laban sa bayan ni Jehova ng mga hukbo.+
11 Si Jehova ay magiging kakila-kilabot laban sa kanila;+ sapagkat pangangayayatin niya ang lahat ng mga diyos sa lupa,+ at ang mga tao ay yuyukod sa kaniya,+ bawat isa mula sa kaniyang dako, lahat ng mga pulo ng mga bansa.+
12 “Kayo rin, kayong mga Etiope,+ kayo man ay magiging mga taong napatay sa pamamagitan ng aking tabak.+
13 “At iuunat niya ang kaniyang kamay sa dakong hilaga, at wawasakin niya ang Asirya.+ At ang Nineve ay gagawin niyang tiwangwang na kaguhuan,+ isang pook na walang tubig na gaya ng ilang.
14 At sa gitna niya, ang mga kawan ay hihigang nakaunat, ang lahat ng maiilap na hayop ng isang bansa.+ Kapuwa ang pelikano at ang porcupino+ ay magpapalipas ng gabi sa mga kapital ng kaniyang mga haligi.+ Isang tinig ang patuloy na aawit sa may bintana. Magkakaroon ng kagibaan sa pintuan; sapagkat ihahantad niya ang mismong panloob na dingding.+
15 Ito ang nagbubunying lunsod na dating nakaupong tiwasay,+ na nagsasabi sa kaniyang puso, ‘Ako nga, at wala nang iba pa.’+ O ano’t siya ay naging bagay na panggigilalasan, isang dakong mahihigan ng maiilap na hayop! Bawat isa na daraan sa tabi niya ay sisipol; iwawagwag niya ang kaniyang kamay.”+