Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)

Nilalaman ng 1 Corinto

  • A. INTRODUKSIYON (1:1-9)

    • Pagbati ni Pablo (1:1-3)

    • Nagpasalamat si Pablo sa Diyos para sa mga taga-Corinto (1:4-9)

  • B. MAHALAGA ANG PAGKAKAISA SA KONGREGASYONG KRISTIYANO (1:10–4:21)

    • 1. Mga dahilan ng pagkakaisa at di-pagkakaisa (1:10–2:16)

      • Nagkakaroon ng pagkakabaha-bahagi dahil sa pagsunod sa tao (1:10-17)

      • Kilalanin na si Kristo ang kapahayagan ng kapangyarihan at karunungan ng Diyos (1:18-25)

      • Si Jehova lang ang ipagmalaki, hindi ang mga tao (1:26-31)

      • Mangaral gaya ni Pablo; huwag pahangain ang iba sa mahusay na pananalita o karunungan (2:1-5)

      • Kilalanin na nakahihigit ang karunungan ng Diyos (2:6-10)

      • Tanggapin ang espiritu ng Diyos; maging espirituwal na tao (2:11-16)

    • 2. Makipagtulungan sa Diyos para sumulong at magkaisa ang kongregasyon (3:1-23)

      • Nagkakaroon ng inggitan at pag-aaway dahil sa makalamang kaisipan (3:1-4)

      • Ang mga tao ay manggagawa lang; ang Diyos ang nagpapalago (3:5-9)

      • Magtayo gamit ang materyales na di-tinatablan ng apoy (3:10-15)

      • “Kayo ang templo ng Diyos” (3:16, 17)

      • Kamangmangan sa Diyos ang karunungan ng sanlibutan (3:18-23)

    • 3. Iba pang payo tungkol sa pagkakaisa (4:1-21)

      • Ang tingin ni Jehova ang mahalaga (4:1-5)

      • Hindi iniisip ng mapagpakumbabang mga Kristiyano na nakahihigit sila sa mga kapananampalataya nila (4:6-13)

      • Pinayuhan ni Pablo ang espirituwal na mga anak niya na huwag maging mapagmalaki (4:14-21)

  • C. PANATILIHING MALINIS SA MORAL ANG KONGREGASYON (5:1–6:20)

    • 1. Paghawak ng kaso ng seksuwal na imoralidad (5:1-13)

      • Hindi dapat kunsintihin ng kongregasyon ang seksuwal na imoralidad (5:1-5)

      • “Ang kaunting lebadura ay nagpapaalsa sa buong masa” (5:6-8)

      • Tigilan ang pakikisama sa masasama (5:9-13)

    • 2. Mas mabuti pang magpadaya kaysa dalhin ang kapananampalataya sa hukuman, sa harap ng mga di-sumasampalataya (6:1-8)

    • 3. Babala laban sa espirituwal at moral na karumihan (6:9-20)

      • Mga hindi magmamana ng Kaharian (6:9-11)

      • “Ang inyong mga katawan ay mga bahagi ng katawan ng Kristo” kaya “tumakas kayo mula sa seksuwal na imoralidad!” (6:12-20)

  • D. MGA PAYO TUNGKOL SA PAG-AASAWA AT PANANATILING WALANG ASAWA (7:1-40)

    • 1. Mga payo para sa may asawa at walang asawa (7:1-24)

      • Ibigay ang pangangailangan ng asawa at maging makonsiderasyon (7:1-7)

      • Mas mabuting mag-asawa kaysa hindi makapagpigil sa matinding pagnanasa (7:8, 9)

      • Huwag makipaghiwalay ang isang Kristiyano sa kaniyang di-sumasampalatayang asawa; posibleng magbago ang asawa at maligtas din siya (7:10-16)

      • Ang bawat isa ay manatili sa kalagayan niya nang tawagin siya (7:17-24)

    • 2. Mga walang asawa at biyuda (7:25-40)

      • Mas mabuting manatiling walang asawa; “maikli na ang natitirang panahon” (7:25-31)

      • Mas malaya ang isang walang asawa na makapaglingkod sa Diyos (7:32-35)

      • Mag-asawa, ‘pero dapat na tagasunod ng Panginoon’ (7:36-40)

  • E. PAG-IISIP SA ESPIRITUWAL NA KAPAKANAN NG MGA KAPANANAMPALATAYA (8:1–11:1)

    • 1. Tungkol sa pagkaing inihandog sa mga idolo (8:1-13)

      • Ang pag-ibig ay nakahihigit sa kaalaman (8:1-3)

      • Huwag tisurin ang iba dahil sa pagkain ng mga inihandog sa idolo (8:4-13)

    • 2. Halimbawa ni Pablo bilang apostol (9:1-27)

      • Karapatan ng mga ministro na tumanggap ng materyal na tulong (9:1-18)

      • Maging lahat ng bagay sa lahat ng uri ng tao (9:19-23)

      • Mahalaga ang pagpipigil sa sarili sa takbuhan para sa buhay (9:24-27)

    • 3. Mga nangyari sa Israel na nagsisilbing babala (10:1-22)

      • Ang mga Israelita sa ilang (10:1-5)

      • Babala laban sa kasakiman, idolatriya, imoralidad, at iba pang masasamang bagay (10:6-11)

      • Walang sinuman ang sinusubok nang higit sa kaya niyang tiisin (10:12, 13)

      • “Tumakas kayo mula sa idolatriya”; huwag kumain sa mesa ng mga demonyo (10:14-22)

    • 4. Dapat maging makonsiderasyon ang isang Kristiyano sa paggamit ng kalayaan niya (10:23–11:1)

      • “Lahat ng bagay ay ipinapahintulot ng kautusan, pero hindi lahat ay nakapagpapatibay” (10:23, 24)

      • Isaalang-alang ang konsensiya ng iba (10:25-30)

      • Gawin ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos; tularan si Pablo at si Kristo (10:31–11:1)

  • F. MGA TAGUBILIN PARA MAGING MAAYOS ANG PAGSAMBA NG KONGREGASYON (11:2–14:40)

    • Igalang ang Kristiyanong pagkaulo; paglalambong (11:2-16)

    • Paggalang sa Hapunan ng Panginoon (11:17-34)

    • Mga kaloob ng espiritu (12:1-11)

    • Iisang katawan, maraming bahagi (12:12-31a)

    • Pag-ibig—nakahihigit sa lahat (12:31b–13:13)

    • Kaloob na humula at magsalita ng ibang wika (14:1-25)

    • Panatilihin ang kaayusan sa pulong ng mga Kristiyano (14:26-40)

  • G. TOTOO ANG PAG-ASA NG PAGKABUHAY-MULI (15:1-58)

    • Pagkabuhay-muli ni Kristo (15:1-11)

    • Pagkabuhay-muli, saligan ng pananampalataya (15:12-19)

    • Garantiya ang pagkabuhay-muli ni Kristo; ang Diyos ang magiging nag-iisang Tagapamahala ng lahat (15:20-34)

    • Ano ang magiging katawan ng mga bubuhaying muli? (15:35-49)

    • Imortalidad at kawalang-kasiraan (15:50-57)

    • Maraming ginagawa para sa Panginoon (15:58)

  • H. PANGHULING MENSAHE (16:1-24)

    • Paglikom para sa mga Kristiyano sa Jerusalem (16:1-4)

    • Mga plano ni Pablo sa paglalakbay (16:5-9)

    • Dadalaw sina Timoteo at Apolos (16:10-12)

    • Mga paghimok at pagbati (16:13-24)