Unang Cronica 14:1-17
14 Si Haring Hiram+ ng Tiro ay nagpadala ng mga mensahero kay David, pati ng mga trosong sedro, mga mason,* at mga karpintero para ipagtayo siya ng bahay.*+
2 At nalaman ni David na ginawang matibay ni Jehova ang paghahari niya sa Israel,+ dahil ginawa Niya siyang dakilang hari alang-alang sa Kaniyang bayang Israel.+
3 Si David ay kumuha pa ng mga asawa+ sa Jerusalem, at nagkaroon pa siya ng mga anak na lalaki at babae.+
4 Ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem:+ Samua, Sobab, Natan,+ Solomon,+
5 Ibhar, Elisua, Elpelet,
6 Noga, Nepeg, Japia,
7 Elisama, Beeliada, at Elipelet.
8 Nang marinig ng mga Filisteo na si David ay inatasan* bilang hari sa buong Israel,+ sumugod ang lahat ng Filisteo para hanapin si David.+ Nang marinig iyon ni David, lumabas siya para harapin ang mga ito.
9 Pagkatapos, dumating ang mga Filisteo at paulit-ulit na sumalakay sa Lambak* ng Repaim.+
10 Nagtanong si David sa Diyos: “Lalaban ba ako sa mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ko?” Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Lumaban ka, dahil ibibigay ko sila sa kamay mo.”+
11 Kaya pumunta si David sa Baal-perazim+ at pinabagsak niya sila roon. At sinabi ni David: “Sa pamamagitan ng kamay ko, pinabagsak ng tunay na Diyos ang mga kaaway ko, gaya ng pader na nawasak dahil sa tubig.” Kaya tinawag nila ang lugar na iyon na Baal-perazim.*
12 Iniwan doon ng mga Filisteo ang mga idolo nila. At sinunog ang mga iyon nang ipag-utos ito ni David.+
13 Nang maglaon, sumalakay ulit sa lambak* ang mga Filisteo.+
14 Muling sumangguni si David sa Diyos, pero sinabi sa kaniya ng tunay na Diyos: “Huwag kang lumusob sa harapan. Sa halip, pumunta ka sa likuran nila, at salakayin mo sila sa harap ng mga halamang* baca.+
15 At kapag may narinig kang tunog na gaya ng mga yabag sa ibabaw ng mga halamang baca, sumalakay ka na, dahil nauna nang lumabas ang tunay na Diyos para pabagsakin ang hukbo ng mga Filisteo.”+
16 At ginawa ni David ang iniutos sa kaniya ng tunay na Diyos,+ at pinabagsak nila ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gibeon hanggang sa Gezer.+
17 At naging kilala si David sa lahat ng lupain, at natakot sa kaniya ang lahat ng bansa dahil kay Jehova.+
Talababa
^ O “tagapagtayo ng pader.”
^ O “palasyo.”
^ O “Mababang Kapatagan.”
^ Ibig sabihin, “Panginoon ng Pagwasak.”
^ O “mababang kapatagan.”
^ O “palumpong na.”