Unang Cronica 24:1-31
24 Ito ang mga pangkat ng angkan ni Aaron: Ang mga anak ni Aaron ay sina Nadab, Abihu,+ Eleazar, at Itamar.+
2 Pero sina Nadab at Abihu ay naunang mamatay sa ama nila,+ at hindi sila nagkaroon ng mga anak na lalaki; pero sina Eleazar+ at Itamar ay patuloy na naglingkod bilang mga saserdote.
3 Si David, si Zadok+ na mula sa mga anak ni Eleazar, at si Ahimelec na mula sa mga anak ni Itamar ang nagpangkat-pangkat sa kanila, ayon sa kanilang mga katungkulan.
4 Dahil mas maraming pinuno sa mga anak ni Eleazar kaysa sa mga anak ni Itamar, ganito ang naging pagpapangkat-pangkat: Ang mga anak ni Eleazar ay nagkaroon ng 16 na ulo ng angkan, at ang mga anak ni Itamar ay nagkaroon ng 8 ulo ng angkan.
5 Bukod diyan, pinagpangkat-pangkat nila ang mga ito sa pamamagitan ng palabunutan,+ ang isang grupo kasama ng iba pa, dahil may mga pinuno ng banal na lugar at mga pinuno ng tunay na Diyos mula sa mga anak ni Eleazar at mula sa mga anak ni Itamar.
6 Pagkatapos, isinulat ni Semaias, na anak ni Netanel at kalihim ng mga Levita, ang mga pangalan nila sa harap ng hari, ng matataas na opisyal, ni Zadok+ na saserdote, ni Ahimelec+ na anak ni Abiatar,+ at ng mga ulo ng mga angkan ng mga saserdote at ng mga Levita; pipili ng isang angkan mula kay Eleazar, pagkatapos ay isang angkan mula kay Itamar.
7 Ang unang lumabas sa palabunutan ay si Jehoiarib; si Jedaias ang ikalawa,
8 si Harim ang ikatlo, si Seorim ang ikaapat,
9 si Malkias ang ikalima, si Mijamin ang ikaanim,
10 si Hakoz ang ikapito, si Abias+ ang ikawalo,
11 si Jesua ang ikasiyam, si Secanias ang ika-10,
12 si Eliasib ang ika-11, si Jakim ang ika-12,
13 si Hupa ang ika-13, si Jesebeab ang ika-14,
14 si Bilga ang ika-15, si Imer ang ika-16,
15 si Hezir ang ika-17, si Hapizez ang ika-18,
16 si Petahias ang ika-19, si Jehezkel ang ika-20,
17 si Jakin ang ika-21, si Gamul ang ika-22,
18 si Delaias ang ika-23, si Maazias ang ika-24.
19 Ito ang kaayusan nila sa kanilang paglilingkod+ kapag pumapasok sila sa bahay ni Jehova ayon sa pamamaraang itinakda ng ninuno nilang si Aaron, gaya ng iniutos sa kaniya ni Jehova na Diyos ng Israel.
20 At sa iba pang Levita: sa mga anak ni Amram+ ay si Subael;+ sa mga anak ni Subael, si Jedeias;
21 kay Rehabias:+ sa mga anak ni Rehabias, si Isia na pinuno;
22 sa mga Izharita, si Selomot;+ sa mga anak ni Selomot, si Jahat;
23 at sa mga anak ni Hebron, si Jeria+ ang pinuno, si Amarias ang pangalawa, si Jahaziel ang pangatlo, si Jekameam ang pang-apat;
24 sa mga anak ni Uziel, si Mikas; sa mga anak ni Mikas, si Samir.
25 Ang kapatid ni Mikas ay si Isia; sa mga anak ni Isia, si Zacarias.
26 Ang mga anak ni Merari+ ay sina Mahali at Musi; sa mga anak ni Jaazias, si Beno.
27 Sa mga inapo ni Merari: kay Jaazias, sina Beno, Soham, Zacur, at Ibri;
28 kay Mahali, si Eleazar, na hindi nagkaroon ng anak na lalaki;+
29 kay Kis: sa mga anak ni Kis, si Jerameel;
30 at ang mga anak ni Musi ay sina Mahali, Eder, at Jerimot.
Ito ang mga anak ni Levi ayon sa kanilang mga angkan.
31 At gaya ng ginawa ng mga kapatid nila na mga anak ni Aaron, nagpalabunutan din sila+ sa harap nina Haring David, Zadok, Ahimelec, at ng mga ulo ng mga angkan ng mga saserdote at ng mga Levita. May kinalaman sa mga angkan, ang ulo ay gaya rin ng nakababatang kapatid nito.