Unang Cronica 26:1-32
26 Ang mga pangkat ng mga bantay ng pintuang-daan+ ay ang mga sumusunod: sa mga Korahita, si Meselemias+ na anak ni Kore, na isa sa mga anak ni Asap.
2 At si Meselemias ay nagkaroon ng mga anak: si Zacarias ang panganay, si Jediael ang ikalawa, si Zebadias ang ikatlo, si Jatniel ang ikaapat,
3 si Elam ang ikalima, si Jehohanan ang ikaanim, si Elieho-enai ang ikapito.
4 At si Obed-edom ay nagkaroon ng mga anak: si Semaias ang panganay, si Jehozabad ang ikalawa, si Joa ang ikatlo, si Sacar ang ikaapat, si Netanel ang ikalima,
5 si Amiel ang ikaanim, si Isacar ang ikapito, at si Peuletai ang ikawalo; dahil pinagpala siya ng Diyos.
6 At ang anak niyang si Semaias ay nagkaroon ng mga anak na naging tagapamahala sa kanilang angkan, dahil sila ay mga lalaking malalakas at may kakayahan.
7 Ang mga anak ni Semaias: sina Otni, Repael, Obed, at Elzabad; at ang mga kapatid niyang sina Elihu at Semakias ay mga lalaking may kakayahan din.
8 Ang lahat ng ito ay mga anak ni Obed-edom; sila at ang mga anak at mga kapatid nila ay mga lalaking may kakayahan at kuwalipikado sa paglilingkod, 62 mula sa angkan ni Obed-edom.
9 At si Meselemias+ ay nagkaroon ng mga anak at mga kapatid, 18 lalaking may kakayahan.
10 At si Hosa na isa sa mga anak ni Merari ay nagkaroon ng mga anak. Si Simri ang pinuno, dahil kahit hindi siya ang panganay, siya ang inatasan ng kaniyang ama na maging pinuno,
11 si Hilkias ang pangalawa, si Tebalias ang pangatlo, si Zacarias ang pang-apat. Ang lahat ng anak at kapatid ni Hosa ay 13.
12 Sa mga pangkat na ito ng mga bantay ng pintuang-daan, ang mga pinuno ay may mga tungkuling gaya rin ng sa mga kapatid nila sa paglilingkod sa bahay ni Jehova.
13 Kaya nagpalabunutan sila,+ ang nakabababa at ang nakatataas ayon sa kanilang mga angkan, para sa bawat pintuang-daan.
14 Sa palabunutan, ang silangan ay napunta kay Selemias. Nagpalabunutan sila para kay Zacarias na anak niya, isang matalinong tagapayo, at napunta rito ang hilaga.
15 Napunta ang timog kay Obed-edom, at iniatas sa mga anak niya+ ang mga imbakan.
16 Kina Supim at Hosa+ napunta ang kanluran, malapit sa Pintuang-Daang Saleket sa may lansangang-bayan na paahon, isang grupo ng mga bantay na katabi ng isa pang grupo;
17 may anim na Levita sa silangan; sa hilaga, apat bawat araw, at sa timog, apat bawat araw; at sa mga imbakan,+ dala-dalawa;
18 para sa portiko sa kanluran, may apat sa lansangang-bayan+ at dalawa sa portiko.
19 Ito ang mga pangkat ng mga bantay ng pintuang-daan mula sa mga anak ng mga Korahita at ng mga Merarita.
20 Sa mga Levita, si Ahias ang namamahala sa mga kabang-yaman ng bahay ng tunay na Diyos at sa mga kabang-yaman ng mga bagay na pinabanal.*+
21 Ang mga anak ni Ladan: ang mga anak ng Gersonita mula sa pamilya ni Ladan, ang mga ulo ng mga angkan ni Ladan na Gersonita, si Jehieli+
22 at ang mga anak ni Jehieli, si Zetam at ang kapatid nitong si Joel. Sila ang namamahala sa mga kabang-yaman ng bahay ni Jehova.+
23 Mula sa mga Amramita, Izharita, Hebronita, at Uzielita,+
24 si Sebuel na anak ni Gersom na anak ni Moises ay lider na nangangasiwa sa mga imbakan.
25 Ang mga kapatid niya, na mula sa angkan ni Eliezer,+ ay sina Rehabias,+ Jesaias, Joram, Zicri, at Selomot.
26 Ang Selomot na ito at ang mga kapatid niya ang namamahala sa lahat ng kabang-yaman ng mga bagay na pinabanal,+ na pinabanal ni Haring David,+ ng mga ulo ng mga angkan,+ ng mga pinuno ng libo-libo at ng daan-daan, at ng mga pinuno ng hukbo.
27 Ang ilan sa mga bagay na nakuha nila+ sa digmaan+ ay pinabanal nila para sa pangangalaga* sa bahay ni Jehova;
28 pati na ang lahat ng pinabanal ni Samuel na tagakita,*+ ni Saul na anak ni Kis, ni Abner+ na anak ni Ner, at ni Joab+ na anak ni Zeruias.+ Ang lahat ng bagay na pinabanal ay inilagay sa pangangalaga ni Selomit at ng mga kapatid niya.
29 Sa mga Izharita,+ si Kenanias at ang mga anak niya ay binigyan ng mga tungkulin sa labas ng bahay ng Diyos; ginawa silang mga opisyal at mga hukom+ sa Israel.
30 Sa mga Hebronita,+ si Hasabias at ang mga kapatid niya, 1,700 lalaking may kakayahan, ang nangangasiwa sa Israel sa rehiyon sa kanluran ng Jordan para sa lahat ng gawain ni Jehova at para sa paglilingkod sa hari.
31 Sa mga inapo ng angkan ni Hebron, si Jerias+ ang pinuno. Nang ika-40 taon ng paghahari ni David,+ humanap mula sa kanila ng mga lalaking malalakas at may kakayahan, at may nakitang gayong mga lalaki sa Jazer+ sa Gilead.
32 At ang mga kapatid niya ay 2,700 lalaking may kakayahan, mga ulo ng mga angkan. Kaya inatasan sila ni Haring David na manguna sa mga Rubenita, Gadita, at sa kalahati ng tribo ng mga Manasita para sa mga bagay na may kinalaman sa tunay na Diyos at sa hari.