Unang Cronica 8:1-40
8 Naging anak ni Benjamin+ si Bela,+ ang panganay, si Asbel,+ ang ikalawa, si Ahara, ang ikatlo,
2 si Noha, ang ikaapat, at si Rapa, ang ikalima.
3 Ang mga anak ni Bela ay sina Addar, Gera,+ Abihud,
4 Abisua, Naaman, Ahoa,
5 Gera, Sepupan, at Huram.
6 Ito ang mga anak ni Ehud, ang mga ulo ng mga angkan na nakatira sa Geba,+ na ipinatapon sa Manahat:
7 sina Naaman, Ahias, at Gera—siya ang nanguna nang ipatapon sila, at naging anak niya sina Uza at Ahihud.
8 Nagkaroon ng mga anak si Saharaim sa teritoryo ng Moab pagkatapos niya silang paalisin. Sina Husim at Baara ang mga asawa niya.*
9 Ang mga naging anak niya sa asawa niyang si Hodes ay sina Jobab, Zibias, Mesa, Malcam,
10 Jeuz, Sakia, at Mirma. Ito ang mga anak niya na mga ulo ng mga angkan.
11 Naging anak niya kay Husim sina Abitub at Elpaal.
12 At ang mga anak ni Elpaal ay sina Eber, Misam, Semed (na nagtayo ng Ono+ at Lod+ at ng katabing mga nayon nito*),
13 Berias, at Sema. Sila ang mga ulo ng mga angkan na nakatira sa Aijalon.+ Itinaboy nila ang mga nakatira sa Gat.
14 At sina Ahio, Sasak, Jeremot,
15 Zebadias, Arad, Eder,
16 Miguel, Ispa, at Joha ang mga anak ni Berias;
17 sina Zebadias, Mesulam, Hizki, Heber,
18 Ismerai, Izlias, at Jobab ang mga anak ni Elpaal;
19 sina Jakim, Zicri, Zabdi,
20 Elienai, Ziletai, Eliel,
21 Adaias, Beraias, at Simrat ang mga anak ni Simei;
22 sina Ispan, Eber, Eliel,
23 Abdon, Zicri, Hanan,
24 Hananias, Elam, Antotias,
25 Ipdeias, at Penuel ang mga anak ni Sasak;
26 at sina Samserai, Seharias, Athalia,
27 Jaaresias, Elias, at Zicri ang mga anak ni Jeroham.
28 Sila ang mga ulo ng mga angkan nila ayon sa talaangkanan. Nakatira sa Jerusalem ang mga pinunong ito.
29 Si Jeiel, na ama ng Gibeon, ay tumira sa Gibeon.+ Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca.+
30 Ang panganay niya ay si Abdon, at sinundan ito nina Zur, Kis, Baal, Nadab,
31 Gedor, Ahio, at Zeker.
32 Naging anak ni Miklot si Simeah. Tumira silang lahat malapit sa mga kapatid nila sa Jerusalem, kasama ng iba pa nilang kapatid.
33 Naging anak ni Ner+ si Kis; naging anak ni Kis si Saul;+ naging anak ni Saul sina Jonatan,+ Malki-sua,+ Abinadab,+ at Esbaal.*+
34 At ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal.*+ Naging anak ni Merib-baal si Mikas.+
35 At ang mga anak ni Mikas ay sina Piton, Melec, Tarea, at Ahaz.
36 Naging anak ni Ahaz si Jehoada; naging anak ni Jehoada sina Alemet, Azmavet, at Zimri. Naging anak ni Zimri si Mosa.
37 Naging anak ni Mosa si Binea, na ama ni Rapah, na ama ni Eleasa, na ama ni Azel.
38 Si Azel ay nagkaroon ng anim na anak, at ang pangalan ng mga ito ay Azrikam, Bokeru, Ismael, Searias, Obadias, at Hanan. Ang lahat ng ito ang mga anak ni Azel.
39 At ang mga anak ng kapatid niyang si Eshek ay si Ulam, ang panganay; si Jeus, ang ikalawa; at si Elipelet, ang ikatlo.
40 At ang mga anak ni Ulam ay malalakas na mandirigma na bihasa sa paggamit ng pana,* at nagkaroon sila ng maraming anak at apo, 150. Ang lahat ng ito ay mga inapo ni Benjamin.
Talababa
^ O posibleng “pagkatapos niyang paalisin ang mga asawa niyang sina Husim at Baara.”
^ O “ng mga nayong nakadepende rito.”
^ Tinatawag ding Is-boset.
^ Tinatawag ding Mepiboset.
^ Lit., “na tumatapak ng búsog.”